Kabanata 16

373 12 0
                                    

"Hey I don't know this one!" Inis na reklamo ko sa mga kasama ko kasi binigay nila sa akin ang sandok.

Start na kasi ng Academy Day ngayong araw kaya nagbenta narin kami at medyo busy ngayon dahil maraming bumibili. Right after the opening program earlier we immediately started to sell and I know that I am just a member who didn't do anything here. Nanood lang talaga sa ginagawa nila kasi wala naman talaga akong alam.

"Bella haluin mo muna ang fishball baka masunog." Sabi ng kasama ko kaya gulat kong tiningnan ang kumukulobg mantika sa maliit na stove na nandito.

I don't know what I would do but I just did what I saw earlier.

"Oh shit!" Matunog na mura ko kaagad sabay bitaw sa sandok kasi tumalsik ang manyika sa kamay ko.

"Hala siya! Ikaw na magbenta Bella ako na diyan!" Napairap ako saka ako na ang humarap sa mga bumibili.

Mabenta nga yata 'tong binebenta namin kasi dinumog kami.

"What's yours?" Tanong ko sa nakapila.

The guy smiled cutely. " 20 pesos na fishball B-bella saka 20 rin na kwek-kwek." Napakunot noo ako saka sinabi kay Mekael ang bibilhin ng lalaki at ako naman ang tumanggap ng bayad at nagsukli.

Sa gitna ng pagbebenta napatingin ako sa ibang stalls at nagtaka ako kasi sila kaunti lang ang bumibili sa amin nakapila talaga.

"Doon muna kayo sa kabila bumili! They are selling this kind of foods too!" Medyo inis na sabi ko sa mga nakapila ng mahaba kasi pawis na pawis na ako dito.

"Wag mong itaboy gurl! Blessings 'yan." Napairap nalang ako.

"I am so tired already" mahinang reklamo ko habang nagsusukli. Halos hindi na ako tumitingin sa mga bumibili kasi naiinis na ako.

"Fishball and siomai, 50 each" sandali akong napaangat ng tingin ng marinig ko ang boses ni Dave.

Tumango lang saka tinanggap ang one hundred pesos na binigay niya ng walang kahit anong sinasabi. Ilang sandali lang nabigay na ni Mkeakel ang binili niya pero nanatili parin siya sa harap ko saka tiningnan ako ng parang binabasa niya ang isip ko.

"Dave let us buy too!" Reklamo ni Shaun na nakapila sa likuran niya pero parang wala lang siyang narinig.

Napairap ako ng isang beses saka tinaasan siya ng kilay.

"Alis na" mataray na sabi ko.

The side of his lips rose up a bit but I am not sure because it's too fast that I think it didn't happened.

"I have a game after an hour, watch?" He said while staring at me.

"Syempre manonood ako! Gora ako diyan Dave! May na prepare na akong cheer for you!" Sagot ni Mekael na parang siya ang sinasabihan.

Dave didn't mind Mekael's answer and he's waiting for me to say something but I am not planning to say something about that. Thanks God that his friend push him so he could get off the line that made me feel at ease.

"Masyado mong inaangkin, bibili rin ako."

Unti-unti na ring kumakaunti ang mga bumibili dahil nagsimula na rin ang iba't ibang game. Naupo ako sa isang monobloc chair saka nagpunas ng pawis kasi halos isa isa nalang ang bumibili.

"Bella tara na!" Masayang aya ni Mekael kalaunan.

"Where?" Tamad na sagot ko.

"Manood tayo ng basketball! May laro sila Dave!" Kinunutqn ko siyq ng noo saka inilingan.

Nagsipayag naman ang mga kasama naming babae sa grupo at excited na nag-ayos. Hinila nila ako para sumama sa kanila kaya naiwan sa mga boys ang stall namin na siyang inireklamo nila.

Shelter In You (MASVEDO SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon