"Kayo na ni Dave? Bongga! Bagay kayo! Promise!" Inis kong inirapan si Mekael bago inis na sinara ang librong binabasa.
"Pero totoo nga! Kayo ba? Hindi mo naman ako sinasagot! Kayo na no?" Sinamaan ko siya ng tingin.
He laugh. "Sanaol talaga! And sweet niyo promise! Nakita ko nga kayo kahapon sa likod! Doon sa bench! Magkasama kayo!" I sighed.
Nagkasalubong lang kami kahapon sa bench, hindi kami magkasama. We are not together, we are not a thing. I am close to him because of my brother. Palagi kasi siyang nandoon sa bahay para makipaglaro sa kapatid ko. We are friends? Yeah, we are friends.
"Hindi naman kasi talaga imposibleng magustuhan ka ni Dave. Maganda ka, matangkad, maputi saka mabait ka minsan." He clapped his hands while laughing.
"Nagkiss na kayo? Sarap sigurong ikiss ni Dave no?" Nagbingi-bingihan lang ako sa mga pinagsasabi ni Mekael kasi wala rin naman akong maisagot.
Hanggang sa mag-umpisa ang klase namin dada parin siya ng dada kahit halata naman na di ako nakikinig.
"I will call on the names of students who has no project which is the scrapbook you made using the indigenous materials."
Nilalaro ko lang 'yong ballpen ko sa kamay ko habang nakikinig sa prof.
"Clarkson, Isabella Therese" nabitawan ko bigla ang ballpen na hawak ko dahil tinawag ang pangalan ko kasama sa mga walang project.
Damn! Halos ako na nga gumawa ng project na 'yon!
"What the hell" I curse while looking at Joan who's sitting comfortably on her chair.
Sabi sa akin ni Mekael si Joan daw ang nagsulat ng mga members. How come na nakalimutan niyang isulat pangalan ko? That is so...
"Hala" sabi ni Mekael sa tabi ko.
"For those who was not able to pass their project, I would give you an extension. Pass it tomorrow."
Tiim bagang akong nagtaas ng taas at agad naman akong pinasalita ng prof ko.
"I have a project Sir and I belong to the group of Mekael. I am sure that I did my part well so I deserve my name on it." I said while looking at Joan. Nakita ko kung paano siya mataranta sa silya niya.
Chineck ni Sir and list niya saka binasa ang mga kagrupo ko.
"Opo Sir kasama po namin si Bella. Nakalimutan lang po atang isulat." Sabi rin ni Mekael na nagpatango kay Sir.
"Okay, Miss Clarkson has a project. Sa mga wala bukas ang last day niyo."
Kumukulo ang dugo ko hanggang sa matapos ang klase dahil doon.
"What the hell? Bakit wala ang pangalan ko?" Sumbat ko kaagad kay Mekael pero nagkibit balikat lang siya.
"Si Joan kasi ang nagsulat. Baka nakalimuta...."
I laugh sarcasticly. "Nakalimutan? Apat lang tayo tapos kakalimutan?"
Inis akong nag-ayos ng gamit saka diretsong lumabas at binagga ko pa si Joan ng sadya tapos hindi lumingon. Kung may galit siya sa akin dapat naman 'wag ng idamay ang project ko. Fuck that. Okay lang sana kung wala akong naitulong.
"Bella uuwi ka na?" Humihingal na habol sa akin ni Mekael.
Napabuga ako ng hangin saka huminto sa labas ng building namin para kalmahin ang sarili. Kitang kita ko na ang mga nag-uuwian dahil nga dismissal na. Napakagat ako sa ibabang labi saka pumikit ng mariin.
"Bella" inis kong binalingan si Mekael kalaunan.
Maglalakad na sana ako patungo sa gate ng may sumaboy sa akin ng tubig mula sa gilid ko kaya basang basa na ang damit na suot ko saka ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na tubig sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Shelter In You (MASVEDO SERIES #2)
RomansaIsabella Therese Clarkson lost her wealthy living when her Dad died. The only riches left to her was her millions of money in her trust fund but her Mom refuse to use that. Her Mom decided to take her and her five years old brother in province, Masv...