LIA POV.
anong oras na akong gumising dahil wala namang pasok at wala rin dito si kassy
Dumiretso ako sa kusina para sana magluto."Good morning" bati niya sabay lapag ng kape sa harap ko.
Aba! Anong espiritu kaya ang sumanib dito at ganito siya ngayon.
"Baka may lason ito?" Biro ko.
"Sayang lang ang lason sayo" nakangisi niyang sabi at ininom ang kape niya.
Buwis*t ito ah.
Akala ko naman nagbago na.
Napairap ako at tiningnan siya ng masama.
"Inumin mo na baka lumamig iyan" sabay mwestra ng kamay sa tasa ko.
Tinapunan ko siya ng tingin at pasimple kong hinigop ang kapeng nasa tasa ko.
"Arghhhh!" Ang asim!
Agad akong tumungo sa ref at kumuha ng maiinom.Humagalpak siya ng tawa kaya agad kong kinuha sa paa ko ang tsinelas ko at binato sa kaniya.
"Hay*p ka talaga!"bulalas ko at hinabol siya.
Akala ko sinapian ng ibang kaluluw, kahit kailan talaga ay wala siyang kaluluwa.
Hindi yata ako safe sa bahay na ito dahil sa kumag na yun
Dapat siguro sumama nalang ako kina kath..
Pero hindi, hindi mo siya aatrasan lia!Laban!
Naisipan ko magluto ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom, sakto namili kami kahapon kaya madami akong maluluto.
"Hmmm~ bango!"nilapag ko sa mesa ang niluto kong minudo at kumuha ng plato.
Siguradong nagugutom na rin si jasper kaya nagtabi ako para sa kaniya at nilagay iyon sa ref.
Pagkatapos kung kumain ay tumungo ako sa CCTV room ni sky para hanapin siya sa paligid ng bahay.
"Aba! Nag wowork out! Sakto gutom na ito" inabangan ko ang pag tungo niya sa ref at pagkuha ng maiinom siguradong napansin niya ang minudo doon kasi chineck niya pa kung may ibang tao sa paligid.
Okay manunuod tayo ng comedy.
Buti may dala akong piattos dito habang pinapanuod siya.At ayun na nga kumuha na siya ng plato at naglagay ng minudo sabay balik sa ref.
"Aba , may lahing magnanakaw rin pala itong sadistang lalaking ito"natatawa kong
Usal habang nilalantakan ang piattos.Para siyang magnanakaw na dali daling binitbit sa kwarto niya ang platong may lamang minudo.
"Hayst sayang hinid ko makikita ang reaksiyon niya sa niluto ko" usal ko
"-pero teka hindi pala ito comedy, action pala ito at takbuhan"humagalpak ako ng tawa nung makita ko siyang halos magkanda dapa sa pagtakbo patungo sa lababo at binasa ang dila niya.
HAHAHAHAHA iyan nababagay sayo, sabi ko sayo wag mong minamaliit ang mga Diaz.
Dali dali akong bumaba at saktong naabutan ko siyang namumula ang mukha.
"You!" Garalgal ang tinig niya.
Napaatras ako ng bahagya at pinipigilang matawa.
"Sinadya mo bang lagyan ng sili ang minudo?"umuusok na ilong niya.
Napakunot noo ako kunwari hindi ko alam.
"Sabi ko-" hakbang palapit nang palapit sa akin.
"Sinadya mo bang lagyan ng sili ang minudo?"mabagsik na ulit niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...