LIA POV.
Nandito ako sa Department store para bumili ng mga kakailanganin ko sa pagluluto.
Kanina pa ako nag iikot ikot ngunit wala akong makitang Pasta sa lugar na ito.Naisipan kong lumapit sa isang Saleslady at magtanong ng may mahagip ang mata ko.
"Samahan ko na po kayo , ma'am." Ani ng nakangiting Saleslady.
Pero may nakita talaaga ako na pamilyar na mukha sa dakong iyun banda roon sa hilera ng mga De lata.Tumango ako ngunit nakatingin sa likod ng Saleslady.
Gabing gabi na kailangan ko na rin magmadali.
Pumila na ako sa Counter para magbayad
Hindi pa rin ako mapalagay dahil sa may nakita akong pamilyar na mukha."Come again , ma'am" nag bow pa ng cashier at nag bow rin ako.
Lumabas na ako at naglakad pauwi total malapit lang naman dito ang Condo unit ko at ilang minuto lang ang gugugulin.Napapangiti ako sa nadadaanan kong naglalakad papunta roon at papunta rito.
Natatanaw ko na rin ang Condo unit nang may narinig akong mga kaluskos sa likod ko.
Napatigil ako tumingin tingin sa paligid.May iilang naglalakad pa rin ngunit nararamdaman ko ng mga oras na iyon ang pagsisimulang pagbilis ng pulso ko.
Paunti unti akong naglakad pero napapansin ko talagang may sumusunod sa akin.
Pumihit ako at—
Isang minuto lamang ay nakita ko ang pagmumukha ni Jasper.No. Patay na si Jasper.
Naramdaman kong mas lumakas ang tibok ng puso ko ng marealize na maaring si Jester iyon at nandito para sa akin.Binilisan ko ang paglalakad ko na tila tumatakbo, nagulat ang ibang nakakasalubong dahil sa parang hinahabol ako at sobrang nagpapanic na ako.
Dinig na dinig ko sa mga tenga ko ang pagbilis din ng takbo ng sumusunod sa akin kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso halos hindi na ako makahinga sa kaba, Napatakbo na ako at halos magkanda laglag na ang mga dala ko.
Si Jester sinusundan niya ako.
Agad kong kinapkap Short ko ang Cellphone ko para sana itext si Ace.Salamat sa Diyos at nasa harap na ako ng Condo unit at naroon ang mga Guwardiya na nagulat sa itsura ko.
Hapong hapo akong tumigil at tingnan sa likuran kung naroon pa rin ang senyales na may taong sumusunod sa akin.
"Miss , okay la lang?" Tanong ng Guwardiya at palinga linga sa bandang likod ko.
"Kasi kuya may napansin akong may sumusunod sa akin. Napansin ko palang doon sa Department store parang may nakamasid." Hangos kong pahayag.
"Pasok kana Miss, hindi ligtas na lumabas kapa sa ganitong oras." May halong pagsaway sa tinig ng isang Guard.
Tumango ako at patingin tingin pa rin sa likuran ko.
Nagmamadali akong pumasok ng Elevator para makarating sa Room ko.Paglabas ko palang ng Elevator ay nilabas ko na ng susi mula sa bulsa ko.
Palapit na ako sa pinto ng Condo ko may marinig akong mga yabag mula sa likod.Diyos ko!
Hindi na ako tumingin pa sa likod. Basta ang alam ko kailangan hindi niya ako maabutan.
Halos nasa mukha ko na ang ibang buhok ko at nanghihina na ang tuhod ko.Nang matanaw ko na ang pinto ay saka naman pumatay ang lahat ng ilaw.
Hingal na hingal ako at pilit na hinahanap ang butas ng doorknob."Magbukas ka!"usal ko na hinahapo at sa wakas ay napasok na nga at mabilis ko itong pinihit.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...