Kabanata 4

12 0 0
                                    


LIA POV.

Pumasok agad ako sa banyo
halos nanghihina ang tuhod kong naupo sa cubicle .
Napahilamos ako at pinipigilan ang emosyon.

No. 'Wag kang magpapakita ng kahinaan sa harap niya , lia.

Magpakatatag ka! Nakita mo namang nasindak mo siya——

"Pero muntik niya na akong mapatay"

Akala ko katapusan ko na kanina.

Agad kong binuksan ang shower at dun muna nanatili, sobrang natakot ako—hindi. Matagal na akong natatakot sa kaniya ngunit pinipigilan ko lang. Pakiramdam ko kapag nakikita ko siya nasa ilalim ng hukay ang isa kong paa.

Paglabas ko ay nagpalit agad ako ng pantulog at nahiga sa kama.
Nilock ko muna ang pinto upang masiguro ang kaligtasan ko.

Sa nangyari kanina hindi ko na alam kung ano pa ang kayang gawin ng isang Jasper Condrado.

*********

Pangalawang araw ngayon na wala sina sky at kath at kailangan kong makasurvive rito, tho. Gwapo ang kasama ko at hot pa sa kapeng hawak ko, hindi ako dapat magpakasiguro.

Nasa balcony ako at nilalasap ang malamig na hangin. Siguro magtataka kayo kung paano ako nakakatagal dito.
Well. Dito na ako nakatira at ang nakatira na rito ang tinuring kong pamilya kaya dapat lang na gumawa ako ng paraan para maprotektahan ang taong tinuturing kong pamilya.

Pagkaubos ko ng kape ay bumaba na ako sa balcony.
Pagbaba ko ng hagdan ay hindi ko nakita ang nagkalat na maliit na bala ng baril barilan kaya na slide ako at sapol ang balakang ko.

"Aray!" Sigaw ko sa sakit.

Sino ba naglagay ng mga bala ng baril barilan dito?
Sino pa nga ba kundi ang sadistang Jasper !
Iika ika akong tumayo at sinikap na maglakad kahit may gasgas ang tuhod ko at hinanap siya.

"Hoy! Ikaw ba naglagay ng maliit na bala ng baril barilan dun sa hagdan?"singhal ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" walang tingin tinging sagot niya.

"Umamin kana , tayo lang naman ang tao rito!"bulyaw ko.

Sandali siyang natahimik at kinuha ang baso ng tubig.

"Jasp—" nagulat ako ng itapon niya sa akin ang laman ng tubig na nakangisi.

Hay*p!

"Ano ba!" Hahawakan ko sana siya ng umiwas siya dahilan kaya na out balance ako at nahataw ang pwetan sa sahig idagdag pang may pilay ako.

"Leave, lia!"usal niya at umalis.

Nahampas ko ang sahig sa inis, buwis*t siya!
Nagtitili ako at pinilit na makatayo.

Makakaganti rin ako sayong hay*p ka!

**********************************

JASPER POV.

Halos mapahiga ako sa kakatawa sa itsura kanina ni Lia, para talaga siyang basang sisiw.

Hayst, ano na naman kaya ang susunod kong gagawin para pag tripan siya at kusa na siyang umalis dito.

Malas niya at nakilala niya ako sa pamilyang sinasabi niya.

May bago akong pakulo at yun ang isa sa pinaka kinatatakutan niya.

Ang multo.

Hayst, kababaing tao, ang laki laki na takot pa rin sa multo.

Sumilip ako sa dining area at confirmed andun siya siguradong gagana ang plano ko na gawing impyerno ang bahay na ito para sa kaniya.

Mr. SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon