Kabanata 7

6 0 0
                                    

LIA POV.

Buong araw akong nakahiga sa kama dito sa condo na pinahiram sa akin ni Ace.
Dalawang araw ang lumipas pagkatapos ng naganap na  engagement party ng mga Condrado.

Halos napangiti pa ako nang makita ko ang gwapo niyang mukha ngunit nang ianunsiyo na ikakasal na siya parang senemento yung ngiti ko.
Napahampas ako sa kama

Ikakasal na si Ace sa ibang babae.

Akala ko siya na ang katuparan sa mga pangarap ko, masyado lang siguro akong desperadang magkaroon ng asawang Condrado kaya ito sobrang nasaktan ako.

Sana ako nalang yun.
Sana ako nalang yung kayakap niya at kahawak niya ng kamy.
Yung kasayaw niya habang nakatitig sa isat isa.
Sana ako yung maglalakad sa Aisle na hihintayin niya sa altar.

Kaso hindi.

Tiningnan ko ang orasan, may pasok pala ako mamaya kaya kahit na masakit ang puso ko ngayon kailangan kong pumasok.
Hindi naman pwedeng sabihin sa Excuse letter na masakit ang puso ko.

"Ma'am, masakit ang puso ko"

Dahil Wash day naman ngayon pinili kong isuot yung jacket na may hood at skirt na binili ko lang nung isang araw.
Humarap ako sa salamin at tinakpan ang namamagang mata gamit ang concealer.
Hindi si Jasper ang magpapaiyak sa akin, kundi si Ace.
Ganito pala kapag puso ang nasaktan.
Hindi ako umiyak nung halos malumpo ako at mamatay sa kamay ni Jasper, pero yung sakit dito sa puso ko dahil sa nalaman ko na si Ace ang  ikakasal sa ibang babae, pakiramdam ko patay na ako.

Crush ko yun e, siya yung laging nandiyan kapag inaaway ako ni Jasper o sinasaktan.
Tapos biglang wala na...

"Ngiti na lia" pinilit kong ngumiti pero yung eye bags ko talaga halatang halata.

Paglabas ko ng Condo ay agad kong isinuot ang hood ko at naglakad  palabas ng pasilyo  Condo unit na yun.
Ginamit ko ang bike ko papunta sa school.

*******************************************

JASPER POV.

Inabangan ko talaga ang pag uwi niya gamit ang bulok niyang bike.
Tinago ko ang kotse ko sa kung saan hindi niya ako makikita o mapapansin.
Nang pauwi na siya ay sinundan ko siya gamit ang kotse ko.

Kailangan ko nang putulin ang balakid na tulad niya bago pa man siya tuluyang makapaminsala.

Hindi ko alam kung saan ang bago niyang tirahan kaya kailangang magtiyaga akong sundan siya upang siya na mismo ang mag turo kung siya nakatira.

Ilang sandali lang na pagsunod ko ay tumigil siya sa Mall.
Naisip ko na kung susundan ko siya doon at kukunin baka mabulabog lang ang mga tao at isipin nilang kinikidnap ko si lia.

Kaya ang tanging paraan nalang ay maghintay ako hanggang sa pag uwi niya.

Naghintay ako na lumabas siya sa Mall , ngunit
Dumaan ang ilang minuto , ilang oras.
Napakapaimportante naman ng taong ito.
Dumungaw ako sa bintana at saktong palabas na siya.

Sinundan ko ulit ang bike niya na tumigil sa isang bookstore.

Halos makatulog na ako sa kotse.

Kahit hindi niya sinasadya talaga inuubos niya ang pasensiya ko. Ipinanganak yata ang babaing ito para inisin ako at ubusin ang pasensiya ko.
Hinampas ko ang kotse sa inis.

Tiningnan ko ang oras , 6:00 Pm na.
Muli akong naghintay ng ilang oras at sa wakas lumabas na siya sa Bookstore at umalis sakay ng Bike niya.
Sinundan ko siya hanggang sa walang taong daan.
Pagabi na at halos wala ng tao sa paligid  ,makulimlim na rin ang panahon kaya kung sasagasaan ko man siya ay walang makakapansin.

Mr. SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon