This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Author's note : Typhographical and Grammatical errors ahead, please bare with it. Thank you!
LIA POV.
Nako-konsensiya rin naman ako sa ginawa ko kanina na hindi man lang nagpaalam bago bumaba ng kotse.
Nagalit lang ako kasi hanggang ngayon hindi niya pa rin kayang baguhin ang pagiging bayolente niya.
Hindi man lang siya nag sorry dahil dun.
Halos mamatay na yung babae dahil sa ginawa niya.
Palabas na ako ng gate ng may humarang sa dinaraanan ko.
"Ikaw?" Naisatinig ko ng makilala ko ang tinig ng nasa harap ko.
"Lia-sorry." Naiiyak niyang wika at saka lumuhod sa harap ko.
"Anong ginagawa mo?" Nagpalinga linga ako at pilit siyang pinapatayo.
"Walang kasalanan si Jasper, ako yung namimilit sa kaniya simula palang. "Napipiyok niyang wika.
Awang ang labing tumingin ako sa kaniya nang makita makita ko ang namumula niyang leeg.
"Tumayo ka."Nakayuko siyang sumunod.
Akala niya kung ano ang gagawin ko kaya marahan siyang umatras.Inaya ko siyang maupo sa bench sa ilalim ng puno na nasa loob ng Campus.
Sandaling namagitan ang katahimikan sa aming dalawa.
"Sorry sa ginawa ni Jasper. " gulat ang mukha niyang napatingin sa akin.
"Well. Bagay naman ito sa akin." Natatawa niyang sagot.
"Pero hindi niya pa rin dapat ginawa iyan." Protesta ko.
"Ang swerte mo sa kaniya. Lahat naman ng babae papangarapin ang tulad niya at totoo naging desperada ako na makuha siya sayo-pero bigo ako. Kahit siguro anong gawin ko , nag-naghubad na nga ako" naiiling niyang wika.Ah ganun? Gusto mo sabunutan kita rito, dapat pala hindi ko sinungitan si Jasper sa ginawa niya sayo kasi kulang pa pala iyan.
Malanding ito!"-Jasper really loves you." Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.
Napayuko ako at nanatiling tahimik.
"Sana mapatawad mo ako, lia. Hindi na mauulit. Marami akong narealize sa mga ginawa ko. " napatingin ako sa kaniya.Maganda naman siya.
Pero bakit kailangan niyang magpakadesperada para lang makuha ang gusto niya.
Ngumiti ako bilang tugon.Sabay kaming naglakad palabas ng gate at nang tumigil na kami roon , biglang may tumigil na van sa harap namin at hinuli ako
Bigla nila akong pwersahang ipinasok sa van.
Naupo naman sa tabi ko yung boss ni Jasper na walang pakialam.
"Hayop ka! Pakawalan mo ako!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Shut up!" Bulong niya.
Bigla nalang silang may tinakip sa ilong ko at nawalan na ako ng malay.Jasper. Tulungan mo ako.
********************
Nagising ako na nakatali pa rin ang mga kamay sa likod at nakapiring habang nakaupo.
Pakiramdam ko nakasuot ako ng kung anong gown dahil sa kabitagatan na nararamdaman ko sa suot ko.
Gusto kong sumigaw dahil sa takot ngunit mas pinapangunahan ako ng kaba.Jasper , i need you.
Naiiyak na ako ngunit may humawak sa balikat ko at giniyahan ako patayo.
"Sino ka? Pakawalan niyo ako." Pakiusap ko sa pagitan ng mga hikbi.
Wala akong natanggap na sagot at inalalayan niya akong maglakad.
Hindi ko alam kung nasaan ako at saang lugar nila akong dinala, masyadong okupado ng takot at pangamba ang utak ko.
Nang pinatigil niya ako naramdaman kong unti unti niyang tinatanggal ang piring sa mga mata ko.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at-"Shall we?" Nakangiting inalok ni Ace ang kaniyang braso sa akin.
Literal na napanganga ako at inilibot ang mga mata sa lugar na kinaroroonan ko.
H-hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko ng makita ang nasa harap ko.
"Hey, tara na, kanina kapa hinihintay ng Groom mo." Sabay kiling ng ulo na aya ni Ace.
Mahina ko siyang hinampas sa braso habang pinipigilang mahulog ang mga luha sa mga mata.
"Yung make up mo" aniya sabay turo sa mukha ko.
Huminga ako ng malalim at saka inangkla sa braso niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...