Chapter 6

43 4 9
                                    

Reid POV

"Ano ng next plan natin, Kapitan?" Tanong saakin ni Tyler

Kadalasan kasi sa kanilang tatlo, kung gagawa man kami ng kalokohan eh si Tyler ang kasama ko.

Si Dustin kasi, busy magaral at si Wilbrylle naman ay laging wala. At kung nandito man siya, tahimik lang. Pero sinasabi ko sa inyo, g*go din yun

"Ewan ko. Wala pa akong ma-isip. Basta yung tipong malala" sabi ko

Humanda ka saakin ngayon kang babae ka

Star POV

Ngayong nandito na ako sa tapat ng school namin, alam ko namang pagsisisihan ko ang di paglipat sa ibang school

Hinanda ko na ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa taong pinaka-inspirasyon ko sa buhay; ang Kuya ko

Pagpasok ko sa pinakaloob ng campus, may pumatid kaagad saakin. As usual, dahil hindi ko naman alam ay napatid ako at pinagtawanan na nila ako.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad dahil pupunta ako ng locker area

Habang papunta ng locker ay may bigla na lang bumuhos na napakalamig na tubig saakin. May mga kasama pa ngang yelo eh

Syempre ay tawanan ulit ang mga estudyante sa paligid

Dumiretso na lang ako ng locker ko at kinuha ko lang ang extra uniform ko. Expected ko naman na talaga na mangyayari to.

At alam kong di pa to magtatapos dito

Nang malapit na sana ako sa restroom ay may bigla na lamang humila sa buhok ko. Si Kristel na naman

"Ang kapal din talaga ng mukha mo noh. Bakit nandito ka pa rin after mong makatanggap ng BLACK CARD GALING SA P.R.B.G?" At talagang pinagdiinan niyang sabihin yung black card galing sa P.R.B.G

Dumami bigla ang mga tao sa paligid

"Wala ka ba talagang hiya ha?! Matapos mong sigawan at ipahiya si Master Reid at makatanggap ng black card ay nagawa mo pang magpakita rito" sabay hila sa buhok ko

Nagbulungan naman ang mga estudyante sa paligid

"Grabe, ginawa niya yun?"

"Ang kapal ng mukha niya"

"Sa gwapo ni Reid , nagawa niya yun"

"Balita ko,she's just a scholar here"

"Tama kayo. This girl is just a scholar slash trash. Ang kapal ng mukha niya noh? Hindi na nga siya nagbabayad ng tuition fee eh babanggain pa niya ang isa sa mga MAY-ARI ng school na to" at mas lalo pa niyang binaba ang hila sa buhok ko

Sobrang sakit na talaga nun pero di ako umiyak. Ayokong makita nila akong mahina

"And FYI, sa lahat ng taong nandito, alam niyo ba kung ano ang exact na ginawa niya? Binato niya lang naman si Master Reid at sinigaw-sigawan. At di pa siya nakuntento, pinatid pa niya si Master Reid" sabay todo hila ulit sa buhok ko.

Nakaupo na siya habang ang ulo ko ay nakasayad na sa sahig

"Ang kapal ng mukha niya"

"She's a b*tch"

"Kulang pa yung ginagawa sa kanya ngayon"

"How dare she do that to my loves"

"Hindi naman yun yung ginawa ko" pagtatanggol ko sa sarili ko

"Magsisinungaling ka pa" sabay bitaw niya sa buhok ko kaya nauntog ako sa sahig

"Papalabasin mo pa akong masama. Paniniwalaan niyo ba ang babaeng b*tch na to?" sabi niya doon sa mga taong nakiki-usyoso lang naman at walang alam sa mga totoong nangyari

Kasabay nun ay ang pagsasabi nila ng hindi sabay bato saakin ng mga papel, ballpen, notebook at kung ano-ano pang mga bagay

Nang mapagod na sila ay umalis na rin sila. Bilang scholar din ng paaralang ito, isa sa mga responsibilidad ko na kapag makalat ang koridor o kahit anong parte ng school ay lilinisin ko iyon kaya pinulot ko lahat ng kalat at dumiretso na ng restroom.

Nang matapos akong magbihis ay dumiretso ako ng classroom

Syempre ay may bulungan pero di ko yun pinansin.

Wala akong naririnig... walang nangyari saakin...

Mabilis lang ding lumipas ang oras dahil lumilipad ang isip ko kaya wala akong naintindihan sa mga ni-lesson kanina

Lunch break na ngayon at kasalukuyang kasama ko si Sophia

"Wishing Star,ok ka lang ba? Nabalitaan ko yung nangyari kanina. Sorry kasi wala akong nagawa" sabi niya

"Hindi! Ok lang yun. Wala kang kasalanan. Pwede bang pahiram ako ng notes mo sa lahat ng subjects tapos soli ko na lang bukas. At tsaka kung pwedeng iwan mo muna ako. Sorry talaga ha" sabi ko sa kanya.

Hindi naman sa tinataboy ko siya pero, sa ngayon, mas gusto kong mapag-isa muna talaga

"Ano ka ba. Ok lang yun. Naiintindihan kita" at kinuha na niya ang mga notebooks sa bag niya

"Basta kung kailangan mo ng kausap at karamay, tandaan mo, nandito lang ako ha" sabi niya lang na siyang kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko

Tumango na lang ako at umalis na siya. May kailangan pa kasi akong gawin eh

Nandito na ako sa tapat ng pinto nila. Tahimik sa corridor.

Kinakabahan ako pero feeling ko, ito lang ang magiging way para matapos na ang paghihirap ko

Ayaw ko man gawin to pero no choice ako. Huminga ako ng malalim sabay pinihit ang doorknob at pumasok sa loob ng kwartong iyon

Nadatnan ko silang nagtatawanan pero ng iluwa ako ng pintong iyon, natahimik sila bigla.

Kumpleto sila, kaya ibig sabihin ay nandun din si Wilbrylle. Maya-maya ay

"Hahahhahaha" biglang tumawa ng malakas si Multo.

Oo, yun na ang tawag ko sa kanya. Siya ang multo ng buhay ko

"Sabi ko naman kasi sa inyo, pupunta siya rito. Oh di ba nandito na siya. For sure, luluhod siya sa harap ko, magso-sorry at sasabihing sana patawarin ko siya." Sabi niya at pagkatapos ay humarap siya saakin. "Tama ba babae? Hahahha"

"Hoy ang kapal naman ng mukha mo. Kung yun ang tingin mo, nagkakamali ka! Di porkit ikaw ang may-ari ng school na ito ay may karapatan ka ng tapakan ang pagkatao ko. Pumunta ako para gawin ang isang bagay" sabay pakita ng black card na galing sa kanila sabay punit nito

"Kilala kita noon pa kaya tigilan mo na ang pagpapakilala saakin. Kahit anong gawin mo, di ako aalis sa paaralan to. Di kita Diyos para sundin ko" sabay tapon ng punit na black card sa harap niya

Alam kong masyado nang bastos ang ginawa ko sa harap nila kanina. Pero kasi, masyado na sila. Lalo na yung Ghost Reid Escobar na yun

Matapos nila akong pahiyain sa harap ng maraming estudyante tapos nagpalabas pa sila ng kung ano-anong kwento; di naman yun yung ginawa ko sa kanya

Alam ko namang pina-utos niyang lahat yun. Alam ko namang pinlano niyang lahat ng to

Grabe pala siya kasama. Wala siyang puso. Di na siya naawa. Porkit napakayaman niya ganyan na siya

Kung pwede lang akong umalis sa paaralang ito, noon pa, ginawa ko na.

Alam ko namang di ako bagay dito.

Alam ko naman kung paano lumugar kaso patuloy nila akong pinapakialamanan

Kung di lang dahil sa mga magulang ko, matagal na akong wala rito...

Kung di lang dahil sa Kuya ko, malamang matagal na akong sumuko

Garden of Star (ON- HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon