Star POV
"Eh bakit ka nga kasi absent kahapon?" Tanong ko kay Sophia habang kasalukuyang naming bitbit ang kanya-kanyang mga panlinis naming gamit na nakalagay sa isang box
Wala kaming klase pero pahirapan naman sa paglilinis at pag-aayos ang gagawin namin.
"Kasi nagkasakit ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko pero ok naman na ngayon"
Parehong HRM ang kinuha naming course kaya naman eto, pareho kaming hirap sa pagbibitbit ng mga gamit namin.
Nandito kami ngayon sa building kung saan nandito ang mga nagaaral sa kursong Business Management, Psychology, Architechture, Engineering at Biochemistry.
Dito namin napagpasyahang dumaan dahil para iwas init na rin. Sa bawat building kasi,may nagkokonekta dito sa susunod na building.
Tapos bawat building naman ay may limang floor at sa bawat floor naman, merong limang section at bawat floor ay katumbas ng isang kurso.
Sa paaralang ito, merong apat na building kaya merong 20 course dito
At naalala ko nga pala, di pa pala ako nakakapunta sa rooftop para pasalamatan at mag-sorry kay Wilbrylle dahil busy talaga ako.
Siguro ay maigi na rin dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya. Sobrang konsensya at hiya na talaga ang nararamdaman ko
Bumalik ako sa realidad at nagulat na lang ako ng nakita kong tumumba ang mga dalang gamit ni Sophia.
Napahinto ako sa paglalakad para tingnan ang nangyari. Nakabunggo siya at... at ang nabunggo niya ay ang P.R.B.G and what's worst, si Ghost Reid Escobar ang nabangga niya
"O.M.G. Naku! Sorry po. Sorry po talaga Mr.Escobar,di ko po sinasadya" halos lumuhod na sa harap ni Ghost si Sophia habang paulit-ulit na humingi ng tawad dito.
"Tsk! Hindi ko alam kung bakit lahat kayo sorry ng sorry pag may nagawa kayong mali saakin samantalang alam niyo naman na hindi yan ang gusto ko" halos mapundi ang tenga ko sa sinabi niya
Nang paalis na sana siya, agad kong binaba ang dala kong box at hinarang ko siya
"Nagsorry naman na sayo yung tao, ano pa bang gusto mo? Halos lumuhod na nga siya sa harap mo eh. At saka kung umasta ka, kala mo anito ka naming lahat. Hindi porkit ikaw ang may-ari ng paaralang ito, kakawawain mo na ang lahat ng mga estudyante dito" halos ang sama ng tingin ko sa kanya ng sabihin ko yun
Bigla naman siyang tumawa ng malakas at sinabing "Ang tapang mo ha. Parang di mo kilala kung sino ang kinakalaban mo. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo pag nakilala mo kung sino ako" he said that in a warning tone.
Pagkatapos ay umalis siya, sila
Bigla naman akong kinabahan. Pero hindi dapat ako magpadala sa takot
"Wishing Star dapat di mo na ginawa yun. Tingnan mo,nadamay ka pa tuloy. Sorry!" Sabi ni Sophia na mukhang nakukonsyensya dahil sa pagtatanggol ko sa kanya
"Naku naman Sopia. Ano ka ba? Ok lang. Siya naman talaga ang mali eh. Tsaka, tara na. Pasok na tayo" sabay tingin sa relo ko.
"Five minutes na lang,start na" at saka namin kinuha ang box namin at naglakad papunta sa classroom namin
Kakatapos lang namin sa klase namin ngayon at kasalukuyan ng lunch time. Di kami pinag-break kanina kaya 2 hours ang vacant time namin. Bale,wala na kaming last subject
Nandito ako ngayon sa rooftop dala-dala ang cookies na kanina ko pa bitbit-bitbit.
Nang makarating ako sa loob, nakita ko si Wilbrylle na nakaupo doon sa edge ng rooftop kung saan niya ako sinaway noon na ikinagulat ko naman.
"Akala ko ba,bawal umupo dyan? May namatay na. Eh bakit ikaw?"tanong ko sa kanya.
Lumingon naman siya at mukhang di siya nagulat sa biglaang presensya ko. "Sanay na ako. Halos lagi ko ng ginagawa to" as usual, cold at mahinahon na naman ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at sabay abot sa kanya ng paperbag na may mga cookies. Tiningnan niya lang iyon ng ilang minuto sabay tingin ulit sa malayo
"Oh, para sayo" sabi ko sa kanya
"Para saan?" Tanong naman niya ng di tumitingin saakin
Huminga ako ng malalim at sabay sabing "Gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga sinabi kong di magaganda tungkol sayo, which is damay ka. Mali nga na hinusgahan ko kayo kaagad. Sorry talaga. At tsaka gusto ko na ring magpasalamat sa pagtatanggol mo saakin kahapon. Kaya sana,tanggapin mo tong cookies na toh. Pls?"
At saka abot ulit sa kanya ng paperbag na hawak ko
Kinuha naman niya ito at sinabing "Magkaiba ang tinulungan sa pinagtanggol. Tinulungan lang kita"
"Ah sorry ulit. Pero salamat pa rin" yun na lang ang nasabi ko.
Pagkatapos nun, binalot na kami ng katahimikan. Ang sarap sa pakiramdam na ang peaceful ng paligid. Pero at the same time,kinakain ako ng curiosity.
Hindi ko alam kung bakit pero parang naging interesado ako sa kanya.
"Ahmm... Ako nga pala si Star Miracle Faith. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Sa mga nangyari kasi, mabuti ng kilala niya ako
"Lahat ng tao,kaibigan ang turing ko. Kilala ko man sila o hindi. At lahat din,tinutulungan ko kung kinakailangan"
"Member ka ba talaga ng P.R.B.G? Ang layo mo kasi sa kanila at wala sa itsura mo kung anong ginagawa nila eh" tanong ko sa kanya.
Nakakapagtaka lang kasi talaga
"Oo member ako. Pangalawa sa pinakamataas na posisyon. Siguro nga magkaiba kami pero ang kaibahan lang namin, ay ang ugali namin. Tahimik at kalmado ako pero pag ako nagalit o nainis, di mo ko makikilala. At kailangan ko na rin palang umalis. Salamat dito" sabay taas ng paperbag na naglalaman ng mga cookies
At pagkatapos nun ay umalis na siya. Hindi ko alam kung bakit o paano pero nakaramdam ako ng paghanga sa kanya
Reid's POV
"Hahaha. Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo, Reid ha" asar saakin ni Tyler
"Oo nga. At mukhang di siya natatakot sa ghost este sayo, bro" gatong naman nitong si Dustin
"Tumigil nga kayong dalawa! Baka di niya lang ako kilala. Kaya magpapakilala ako sa kanya" sabay taas ng black card "Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang niya" full of confidence kong sabi
Ako ata si Ghost Reid Escobar, ang leader ng P.R.B.G. Wala ni isa mang nagtatangkang kumalaban saakin except sa babaing iyon.
Pero sure ako, bukas, luluhod siya sa harap ko at babawiin ang mga sinabi niya
"Sure ka ba talagang gagamitin mo ang black card kaagad sa kanya? Baka nakakalimutan mong babae siya"
"At saka siya ang unang babae in the history na nakabangga mo"
"Wala akong pakialam. Sya nga pala Dustin, anong pangalan niya?" Tanong ko sa kanya.
"Star Miracle Faith" maikling sagot nito. Aba't ayos ang pangalan. Pero di bagay sa kanya
Nandito kami ngayon sa isang vacant room kung saan nagsisilbing official tambayan ng P.R.B.G. Nakain kami ngayon at nagrerelax. Saktong biglang pasok naman ni Wilbrylle
"Wilbrylle, saan ka naman nanggaling? Lagi ka na lang nawawala bigla" sabi ko sa kanya
"Don't tell me, nandoon ka na naman sa tambayan mo?" Tanong naman ni Dustin
"Sayang. Di mo tuloy kanina nakita yung babaeng nangaway kay Reid. Tsk tsk tsk" pangaasar naman nitong si Tyler saakin
Naupo lang siya dun sa sofa at may kinakain siyang cookies
"Saan galing yan? At kelan ka la kumain ng cookies?" Tanong ko sa kanya kahit parang di na naman niya sasagutin ang tanong ko
"Galing kay Star Miracle Faith" halos maibuga ko yung iniinom kong tubig ng sagutin niya ang tanong ko.
"Bakit?" Tanong niya. Palibasa,wala siyang alam
"Hahahahhaha. Yun ang babaeng inaway siya kanina eh. Hahahhahaha" pangaasar nina Tyler at Dustin saakin
Makikita talaga ng babaeng yan bukas
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Novela Juvenilmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...