Author's Pov/Note:
Ito na ang pinaghahandaan nilang SSG day!!!! Nakuha ko po pala yan sa school na pinagaaralan ko ngayon. Di kasi siya student council.Anyway,may new characters po pala ulit dito!!! Pero di naman sila masyadong important. Pero may important roles naman po sila (ano daw?) Hahaha...ganyan talaga si Author pag nabobored na,nababaliw.
Sana magustuhan niyo tong chapter na to,kasi pinaghandaan ko talaga to. Vote and comment later para malaman ko ang mga saloobin niyo!!!
Star POV
Noong sumunod na dalawang araw,wala rin naman gaanong ginawa ang technical committe kaya bali,ang nangyari,tambay langnkami at kung kailangan man ng tulong namin,saka lang kami gagalaw
At dahil halos wala naman akong ginawa noong dalawang araw,nanood na lang ako sa mga kaklase kong nagpe-perform. At lahat sila,talagang makikita ang paghahanda para sa celebrasyon na gaganapin.
Agad na naayos ang buong academy,maraming makukulay at magagandang booths,naging makulay din ang buong academy kahit saan ka tumingin at ang gym,ayos na rin since dito mangyayari ang pinaka-program
At tama na nga ang pagbabalik tanaw,oo,ngayong araw na to,ito na ang SSG Day,ang celebrasyon na hinihintay ng marami. At masyado na kaming aligaga lalo na ang technical committee dahil pag may nag-fail mamaya sa program,malaki ang kasalanan namin doon
Isang oras na lang at magsisimula na ang program. "Asan si Sopia? Kumpleto na ang bandapero siya,wala pa" narinig kong sabi ni Rinoa na nasa backstage ngayon. Ano na naman kayang nangyari kay Sopia?
Ang isang oras ay madali lang ding nawala dahil ilang minuto na lang,mag-uumpisa na ang program. Lahat ng kaklase ko na magpe-perform ay busy na sa pagpa-practice. Ilang sandali pa,
"Good mornin,everyone!" At ang lahat ng estudyante ay todo cheer na. Makikita mo sa kanila ang excitement para sa ngayong araw na to. "So,are you ready to start this program?" At lahat ulit sila,sinabing 'yes!'
**************************************************************************
Kung sino-sino muna ang nagsalita sa harap kasama na ang principal,ilang bisita ng school bago nagsimula ang talagang pinaka-program
Ang unang nag-perform ay sina Kristel at sumayaw sila ng bangbang. At di ko maikakailang magagaling ang grupo niya sa pagsasayaw. Yun nga lang,sobrang iiksi ata ng suot nila?
"Thanks for the group of Kristel,that was an amazing presentation" at nagpalakpakan ang mga lalaki na nandodoon "And now,magbinigay ako ng clue sa kung sino ba ang mga magpapakilala saatin mamaya. Excited na ba kayo?" At hiyawan naman ang lahat "Oh sige. Yung chairperson daw,gwapo. Yung vice president,mas gwapo at yung president daw ang pinakagwapo!" At tilian naman ang mga babae dahil doon
"Ok,yun lang muna ang mashe-share ko sa ngayon. At ang next performers ay sina Rhaze and Christopher's company!" Medyo nagdim ang lights at nakita kong puwesto na sila sa stage
At nagsimula na sila sa pag-aarte. Magaling din sila,lalo na sina Rhaze at Christopher. Yung pino-portrait nila ay tungkol sa isang pamilyang di maayos ang pamumuhay at kumplekado ang lahat,na tipong di sila naguusap-usap,di sila nagkaka-bonding.
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Teen Fictionmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...