Star POV
"Jusko,Lord. Sana naman wala akong warning galing sa P.R.B.G" halos pang-apat na beses ko ng bulong sa sarili ko
Nandito ako ngayon sa locker area dahil kailangan kong kunin ang mga libro ko sa loob.
10 minutes na akong nakatayo dito habang paulit-ulit na binubulong sa sarili kong sana ay wala akong warning na nakuha
15 minutes na lang ang natitira at magi-start na ang first class ko. May quiz pa naman kami at di pa ako nakakapagreview
Kaya...
*Inhale,Exhale*
Walang mangyayari kung puro takot ang papaganahin ko sa ngayon. Tumingin muna ako sa paligid ko.
Medyo konti na lang ang tao *inhale,exhale*.
Pagbukas ko,nagulat ako dahil nandun pa ang mga gamit ko.
Wala ding warning galing sa P.R.B.G
Seryoso ba talaga to? Pero di ako dapat magpaka-kampante. Dinalian kong pumunta sa classroom at agad kong tsineck ang upuan ko.
Walang black card.
Pero pagkalapag ko ng bag ko, nakarinig ako ng bulungan. May sumitsit naman at si Sopia pala iyon. May tinuturo siya sa likod niya at kumunot lang ang noo ko.
Paulit ulit siyang gumaganun kaya kinapa ko naman ang likod ko at may nakalagay nga doon na papel.
Nang makita at makuha ko ito,doon ko lang narealize kung bakit sila biglang nagbulungan
Ang black card galing sa P.R.B.G
Saktong dating naman ng professor namin kaya natahimik ang lahat at napaupo na rin ako
Sinasabi ko na nga ba. Kaya nagtataka ako kung bakit wala sa locker kong warning o kaya sa upuan ko eh. Yun pala nasa likod ko na.
Ang pinagtataka ko lang, paano? Hay! Wala akong dapat isipin. Nananakot lang naman siguro sila
Nagdistribute na ng test papers. Nagsimula na kami ngayon.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasagot ng may magtapon saakin ng papel. Di ko iyon pinansin.
Pero maya-maya,may naglagay ulit ng papel sa desk ko. Kaya naman lumingon ako at kinuha ito.
Sakto namang napatingin ang profesdor namin at lumapit ito saakin. Kinuha niya yung papel at tiningnan ito
"Kodigo ito, Ms. Faith. Are you trying to cheat at my exams?" Tanong saakin ng professor ko
"No Sir. Actually may-" pero hindi na niya pinatapos ang explanation ko dahul tinuro na niya ang pinto na nagsasabing kailangan na akong umalis sa loob ng kwartong ito. Kaya umalis na ako
Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay, sa wakas ay nakabalik ako sa loob ng classroom namin. Wala pang professor sa loob kaya ang ingay na naman.
Pero ang nakapagtataka,di ako ang laman ng usapan nila.Naupo lang ako sa upuan ko at tinigilan na ang kakaisip sa mga bagay na di ko naman talaga kailangang intindihin pa
Maya maya ay pumasok na din ang professor namin sa English. Nag-discuss siya ng lesson at kasalukuyan siyang nagtatawag para sa activity
"Ms. Faith, answer no.4 question on the board" nagulat ako sa pagtawag sa pangalan ko. Nang tatayo na sana ako, di ako makatayo dahil...dahil parang nilagyan ng glue ang upuan ko.
Kaya kahit anong gawin ko, di ako makatayo. Narinig ko na lang ang tawanan ng mga kaklase ko -_-
Nandito ako ngayon sa restroom dahil nagpalit ako ng damit. Kung paano ako nakaalis doon, ayaw ko ng balikan pa.
Medyo mahaba ang pila at ako ang nasa pinaka dulo. Matapos akong maghintay ng ilang minuto, nakapasok na rin ako sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa cubicle,may mga taong dumating na kinakalampag ang pinto. Parang may pinupukpok sila sa pinto kaya nagmadali ako
Nang bubuksan ko na sana ang pinto, di ko ito mabuksan. "Hoy! Buksan niyo itong pinto! Mga walang hiya kayo!" Pero kahit anong sipa,sigaw ko, wala pa ring nangyayari
Nang makalabas na ako, bumalik na ako sa classroom dahil lunchbreak na pala.
Pagtingin ko sa bag ko, wala na ang baon ko pati ang wallet ko.
Agad akong tumingin sa paligid ko, sari-sariling kwentuhan, kanya-kanyang mundo kasama ang kanilang mga gadgets
Nahihilo na ako dahil kanina pa akong walang kain... sobra na sila. Naririndi at sobrang naiinis na talaga ako.
"Huwag na kayong magmaang-maangan pa. Alam kong kayo ang nagtago ng mga gamit ko" pero di sila natinag. Kumilos lang sila na parang walang naririnig
"Wala akong oras para makipagbiruan sa inyo ah. Ibalik niyo na kasi ang baon ko" sabay hampas ko ng center table
Ngayon ay nasa akin na ang atensyon ng lahat. Ang sama na ng tingin nilang lahat saakin
"Ang kapal naman ng mukha mong hampasin ang center table. Ano bang problema mo ha?!" Pagmamaldita na naman ni Kristel saakin
"Ibalik niyo na kasi yung baon at wallet ko!" sigaw ko sa kanilang lahat. Di ako ganito pero pag ako di nakakain,nainit talaga ang ulo ko
Wrong move ata ang nagawa ko dahil nagkaroon ng isang mahabang katahimikan. Maya-maya'y...
"Hahahhahahahahahaha"
"Ang kapal talaga ng mukha niya"
"Tingin naman niya,may magkakainteres na kunin ang baon niya. Eh cheap lang naman yun"
At muli ay nagtawanan na naman sila. Minamaliit na naman nila ako. Kaya umalis na lang ako sa classroom
Pumunta na lang ako sa lugar kung saan alam kong wala akong magiging problema; ang lugar kung saan walang manti-trip saakin at lugar kung saan di ako mamaliitin
Umupo ako sa isang sulok at pinatong ko na lang ang mukha ko sa tuhod ko
Naiinis ako sa sarili ko... ni hindi ko man lang naipaglaban ang sarili ko laban sa kanila.
Napakahina ko
Bakit ba wala akong silbi? Bakit napaka walang kwenta kong tao?
Paano ko matutupad ang pangarap ng pamilya ko kung di ko magawang lumaban dito? Paano ko masasabing malakas ako tulad ng pangarap at inaasahan niya saakin
"Sorry talaga kuya...sorry talaga"
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Roman pour Adolescentsmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...