Star POV
"Magnanakaw!" Isang nakabibinging sigaw ng nanay ko. Sa takot at kaba na baka mapano sila ay lumabas ako
Paglabas ko, isang lalaking nakatalikod na nakaitim ang nakatalikod kina mama habang si mama naman ay patuloy sa paghampas sa likod ng lalaking iyon
Agad kong nilapitan sina Mama at kinuha ko ang walis. Hinila ko naman yung lalaki patayo at ng humarap siya ay nabitawan ko siya sa gulat kung sino ang lalaking iyon
"Ikaw?!" Sabi ko sa kanya
Sino siya? Siya lang naman ang isa sa mga may-ari ng school na pinag-aaralan ko ngayon. Leader ng P.R.B.G na ubod ng yabang at sama ng ugali
"Kilala mo siya,anak?" Takang tanong saakin ni Mama saakin. Di ko muna pinansin si Mama
"Anong ginagawa mo dito ha? Sinong may sabi sayo na may karapatan kang pumunta dito?" Tanong ko kay Multo habang ang sama ng tingin ko sa kanya
"Hala! Akala ko pa naman ay may lovelife na ang anak ko. Yun pala,break na sila" rinig ko pang bulong ni Papa kay Mama
Tumawa pa yung Multo ng konti at saka siya nagsalita "Nandito lang naman ako para dito" sabay taas ng isang puting sobre
Naku! Yun ang letter para i-inform sa parents na may mali sa anak nila sa school. At yun ay ang tuition fee ko "Gusto ko po sanang ipaalam sa inyo na si Star ay-" bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay hinila ko na lang siya kaagad sa kwarto ko.
Ayaw man ng puso,isip at kaluluwa ko, wala akong choice. Ni-lock ko ang pinto para di makapasok sina Mama at Papa
"Anong problema mo? At tsaka, bakit mo ko dinala dito? Don't tell me, may gagawin tayong kababalaghan dito"
"Kapal mo! Huwag kang assuming. Bakit ka ba kasi nandito ha?" Bwisit talaga tong lalaking to kahit kailan sa buhay ko
"Tingin mo ba, gusto kong magpunta dito?! Napalo pa ako ng walis ng ilang beses. Tsk tsk tsk"
Ang sama ng tingin niya kaya sinamaan ko na rin siya ng tingin
"Alam mo naman na sigurong di ka na scholar sa paaralan KO di ba?" Pagbabasag niya ng tension na namumuo sa pagitan namin. At take note ha, talagang diniinan niya ang salitang KO
"Alam ko. Di mo na kailangan pang ulitin at sabihin. Yun lang ba ang pinunta mo dito? Oh sige, layas na"
Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinila niya ako "Bilin saakin ng office, papirmahan ko to sa parents mo at AKO mismo ang mag-inform sa kanila ng kalagayan mo" sabay hila saakin palayo sa pinto
"Sandali lang!" Pinigilan ko siya. Sinamaan na niya ako ng tingin "Bakit na naman?" Iritang tanong niya
"Pwede bang huwag mo na lang iparating to kina Mama at Papa? Babayaran ko naman yung tuition fee. Sige na naman" nakatingin lang siya saakin. Maya-maya, bigla siyang tumawa ng nakakaloko
"Bakit? Kapag ba sinunod ko yang sinasabi mo,papayag ka sa gusto ko?"
"Ano ba yung kondisyon mo?" Tanong ko sa kanya
"Malalaman mo kapag sumama ka saakin ngayon" medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Di kaya-
"Hoy! Pinapangunahan na kita! Wala akong gagawing masama sayo noh" sabay tingin mula ulo hanggang paa ko
"Kung wala lang akong kailangan sayo,nabara na kita dyan" bulong ko sa sarili ko pero parang narinig niya rin ata
Sinamaan niya ako ng tingin...kaya sinamaan ko na rin siya ng tingin. Pasamaan kami ng tingin to the point na parang parehong may nalabas na lazer beam sa mga mata namin at naglalaban yun
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Roman pour Adolescentsmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...