Star POV
6:00 pa lang,gumising na ako dahil sabado ngayon,ngayon ako bibili ng mga gamit at ingredients ko para sa practical. At dahil nga nagpasama na lang ako kay Wilbrylle, dahil yun ang ginawa kong dare para sa kanya, syempre nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya, di ba?
7:15 ng saktong matapos ako sa lahat ng gagawin ko; maligo, magbihism mag ayos, maglista ng mga bibilhin, magluto ng breakfast nila mama, kumain ng breakfast at ihanda ang mga kailangang dalhin
dahil 15 minutes na lang at aalis na ako, nagiwan na lang ako ng note sa lamesa dahil naayos ko naman na yung breakfast nila. sinabi ko kung saan ako pupunta at sinabi ko na rin na baka hapon na ako makauwi
lumabas na ako sa bahay at mas minabuti kong dito na lang magintay. ilang saglit pa, dumating na din siya
"good morning, Wilbrylle!" bati ko sa kanya pagkasakay ko dun sa kotse niya
"good morning din. ang aga mo ah. kanina ka pa ba naghihintay doon?" tanong niya saakin
"ah, hindi naman. sorry pala kung naabala man kita ah"
"ano ka ba, ok lang yun. teka, saan pala tayo pupunta?" tanong niya sabay hinto muna saglit ng sasakyan
shems, patay tayo dyan! masyado akong naghanda sa mga bagay-bagay. tuloy di ko naisip kung saan ko bibilhin lahat yun...
ah! alam ko na!
"divisoria na lang tayo!"
mula sa pagpapaandar ulit ng sasakyan ay bigla niya ulit itong hininto. "Seriously, divisoria tayo?"
hala! ayaw niya ata. sa bagay, ang lugar na yun ay para sa mga may kaya at mahihirap lang. mayaman siya
"kung ayaw mo naman dun, ok lang-"
"ano ka ba? anong ayaw ko? tara na sa divisoria!"
at nagulat ako dahil parang excited pa ata siya ngayon?
totoo nga ang sabi nila, kung mabagal kang nakakarating pag nagcommute ka lang, ibahin mo pag may sarili ka ng sasakyan. mas mabilis kasi kaming nakarating sa divisoria
9:00 kami nakarating kaya naka-avail siya ng parking para sa sasakyan niya. pero kahit maaga pa, marami ng tao sa divisoria
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Teen Fictionmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...