Star POV
Medyo maaga akong pumasok ngayon kasi,naalala ko,may exam pala kami sa apat na subject namin ngayon
Pagpasok ko, syempre binati ko muna si Manong Guard ng good morning at ganun din siya. Pinark ko na ang bisikleta ko at magpapaalam na sana ako pero pinigilan ako ni Manong Guard
"Star, pinapatawag ka pala sa office" bigla akong kinabahan sa narinig kong balita si Manong
"Bakit daw po,Kuya?" Takang tanong ko sa kanya
"Di ko alam eh. Basta sabi saakin kanina, pag dumating ka daw,sabihin ko daw sayo na pumunta sa office"
"Ah, ok po. Sige po,Kuya. Thank you po"
"Walang anuman" at dumiretso na ako papunta sa loob
Kinakabahan ako. Bakit ako pinapatawag sa office? Hindi pwede...hindi pwedeng mangyari ang nasa isip ko. Hindi ako pwedeng matanggal dito kahit ang totoo, ayaw ko na talaga dito.
Nasa tapat na ako ng office. Hindi ko alam kung kakatok na ba ako o mamaya na lang ng kaunti. Ewan ko, bahala na
*Inhale exhale*
Kumatok ako at saka pumasok sa loob
"Good morning Mam. Pinapatawag niyo daw po ako?" Bati ko dun sa admin
"Good morning din hija. Maupo ka. May sasabihin ako sayong importante" mas lalo akong kinabahan sa sinabi ng admin namin
"You see, Ms. Faith, full scholar ka sa paaralang ito. You know the rules, right? Pero kasi, sorry sa isang bad news. Di ka na pwedeng maging scholar dito dahil-"
"Mam! Sorry na po. Di ko na po talaga uulitin. Promise po, mas magpapakabait pa po ako, huwag niyo lang po akong tanggalin dito" lumuhod pa ako sa harap niya "Mam, sige na po"
"Ms. Faith, tumayo ka dyan. Im sorry pero di ka na talaga pwedeng-"
"Mam! Mam pls! Mam! Sorry na po talaga! Mam" para na akong bata ditong nangawa pero wala akong pakialam. Kailangan kong gawin lahat, maka-survive lang ako dito
"Ms. Faith! Pwede bang patapusin mo muna ako sa sasabihin ko?! Tumayo ka dyan" tumayo na nga ako dahil parang nagagalit na yung admin
"What I'm trying to say is that, di ka na pwedeng maging scholar ng paaralang ito. Pero, pwede ka pa rin dito mag-aral, yun nga lang, you have to pay half the tuition fee here, which is P100,000 per sem" halos lumuwa ang mata ko sa presyo.
"Mam,di naman po ako mayaman. Wala na po bang ibang paraan?"
"Meron. First, Ms. Faith, pwedeng hulog-hulugan ang pagbabayad mo, every month. Second, pwede kang humingi ng tulong sa ibang students dito or mismong sa mga may-ari ng school na to"
"Ah, ganun po ba? Sige po, ako na po bahalang humanap ng paraan. Salamat po sa pagiinform niyo" ngumiti lang siya at lumabas na ako
Ano bang gagawin ko? Di to pwedeng malaman nina Mama at Papa dahil sigurado ako, gagawin nila lahat; mangungutang at raraket ng raraket, makabayad lang ng tuition ko
Bahala na nga lang mamaya. Magrereview muna ako
-sa classroom-
"Class, we will have our surprise quiz today so prepare for your one whole sheet of paper"
Jusko! First subject, test agad. Eh mamaya, sunod-sunod yung quiz namin. As in straight, yung next four subject, quiz kami doon
Bakit ba parang ang malas ko ata ngayon? Pagtingin ko sa date, friday the 13th pala ngayon. Kaya pala
Nagdistribute na ng test papers. Pagtingin ko:
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Teen Fictionmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...