Star POV
Pasado alas syete na ako nakapasok ng university dahil sa…hindi ko alam. Patuloy pa din kasi akong naku-curious pa rin kasi ako tungkol sa nangyari kahapon.
Wala silang sinabi sa kung ano talaga ang nangyari. Sinusubukan kong magtanong pero iniiba nila ang usapan. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo na lang doon at manahimik
Sabi pa nila, huwag ko na daw isipin yung nangyari. Wala lang daw silang energy nung araw nay un para mangulit
Pagpasok ko sa school, tulad ng dati, ginawa ko na ulit abg daily routine ko, ang pagbati kay Manong Guard, ang pagpark ng bike ko, pagdiretso sa locker area at pagpasok sa classroom.
Pero kakaiba ang araw ngayon
“Good morning Star”
“Hi Star”
“Ganda mo ngayon ah”
“Gandang buhay, Star”
Imbis na batuhan at pangiinsulto ay ayan ang bumungad saakin. Ano ba talagang nangyayari?
Nagpatuloy at nagsimula ang klase, pero parang bigla akong kinabahan sa di ko malamang dahilan. Yung parang may mangyayari na di maganda.
Kaya kumatok ako ng mahina sa desk ko at sinabi ng pabulong “Lord, huwag naman po sana”
Sinubukan kong ibaling na lang sa professor namin ang atensyon ko kaya nawala na yung kaba ko.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagtuturo ng biglang may kumatok sa pinto
“Si Star Miracle Faith po, may I excused, Sir?” tumango na lang siya at sinenyasan ako na lumabas na doon
Tumayo na ako at pumunta sa pinto. Itatanong ko pa lang sana kung bakit, ay bigla na niya akong hinila nung lalaking nagpatawag saakin. Pinipilit niya akong hilain at wala akong laban doon
Ng mapunta na kami sa isang lugar na wala masyadong estudyante ay huminto na kami at pareho kaming hinihingal pero di pa rin niya ako binibitawan. Nang medyo okay na ako ay hinila ko ang kamay ko sa kanya at saka siya hinarap
“Ano bang problema mo ha?!” sabi ko sa kanya
“Pasensya na, napagutusan lang” sabi niya at bigla akong kinabahan. Di ba ganyan ang mga sinasabi kapag pinapautos na ipadukot?
“A-ano b..bang ka..kailngan mo?” di ko maitago na natatakot na rin ako dahil kung kidnapper nga to, mamomoblema sina Mama ng pantubos saakin
“Di ko rin alam, basta sabi saakin ay dalhin kita-HOY!” tumakbo na agad ako dahil mukhang tama nga ang hinala ko na kidnapper siya...
Pero estudyante siya dito at alam kong alam niyang scholar lang ako kaya bakit niya ako dudukutin?
Dahil sa mabilis akong tumakbo, di na niya ako inabutan pa. Napag-isip isip ko, imposibleng kidnapin ako nun. Ano namang mapapala niya.
Baka pinati-tripan lang ako o kaya ay parte ng plano para sa “regalo” ko para sa araw na ito.
Mali pala ang daan ko kaya tumalikod ako sa harap ko at pagkaharap na pagkaharap ko, nandun na pala yung lalaking estudyante at tatakbo na sana ako pero nahawakan na niya ako at ilang saglit pa ay may nilagay na siya sa mukha kong panyo at biglang nawa-
“HOY! Nasobrahan mo ata ng pampatulog yung babaeng yun! Tingnan mo nga, tapos na siyang bihisan at lahat, tulog pa din!”
“Pa..pasensya na po master”
“Pag siya di nagising sa oras, tingnan mo, di mo na makikita kinabukasan mo”
Nagising ako dahil sa sigawan sa paligid. Pero...pero bakit wala akong makita?
“Oi, Multo, andyan ka ba?” sabi ko pero medyo mahina lang dahil baka andun pa yung kasama’t kausap niya
“Gising na siya, sige na, alis na dito” rinig kong sabi niya pero bakit parang ang layo niya?
Ilang minuto pa, nakarinig na ako ng mga yabag na papalapit. Maya-maya pa’y may naramdaman na akong humawak sa balikat ko
“Hey, ok ka lang b-“
“ANONG GINAGAWA KO DITO?! BAKIT AKO NAKAGANITO?!” ayan, kabaligtaran sa pagiging kalmado niya ang reaksyon ko
“MAKASIGAW KA! ALAM MO BA,KAYA KA NAKAPIRING DAHIL BAKA MAGWALA KA AT TAMA NGA! KULANG PA NGA YAN! KANINA NAKABUSAL KA DIN, PINATANGGAL KO LANG!”
Ngayon naman ay ako ang halos mabingi sa mahaba niyang sinabi na pasigaw. Nabigla kasi talaga ako, pasensya naman
“Sorry, nagulat lang kasi ako sa sitwasyon. Bakit ba ako nakaganito at nasaan ako?”
Pero imbis na sagutin niya ako ay narinig ko siyang naglakad na palayo. Napailing na lang ako. Kahit kalian talaga ang isang yun. Pero anong gagawin ko ngayon?
“Mamaya, may darating dito para alisin ang piring mo at tali sa kamay. Huwag mong subukang magwala kung ayaw mong masaktan. Basta sumunod ka na lang” at pagkatapos niyang sabihin yun ay narinig ko ang pagsara ng pinto.
Gaano kaya katagal ang darating yung taong yun? Ano kayang nangyari at mangyayari at bakit ako nandito?
Biglang bumukas ang pinto at nakarinig ulit ako ng mga yabag na papalapit saakin. At naramdaman kong tinanggal na niya ang piring ko sa mata. Mga ilang minuto muna ang lumipas para maging ok ang paningin ko.
Pagtingin ko dun sa taong nagtanggal ng piring ko, isang babaeng naka-uniform ng pangkatulong. At natanggal na rin pala ang tali ko sa kamay
Napatingin ako sa sarili ko. Bakit ganito ang ayos ko? Wala na ang mga damit kong mumurahin...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bagkus ay napalitan ito ng nakapa eleganteng blue na gown
At nag-iba na din ang suot kong pampaa. Takong na ito. At napansin ko ding nagiba ang ayos ng buhok ko at pati ang mga suot kong kulorete sa katawan
“Mam, tara na po” napatigil ako sa pagsipat sa sarili ko ng biglang magsalita yung babae. Naglakad siya paalis dito sa kwartong kinalalagyan namin kaya sinundan ko siya
Paglabas namin, sobrang ganda at laki... saan bahay, mali, saang mansion ako naririto ngayon? Naglakad lakad lang kami habang ako ay tumingin sa paligid.
Ang yaman. Sobrang yaman siguro ng may-ari nito
Narating namin ang sala at nakita kong may nakatayo doon na lalaki na naka-tuxedo, nakatingin sa bintana at nakatalikod sa direksyon namin
“Sir, andito na po si Mam” at humarap yung lalaki...si Multo
“Sige, salamat. Iwan mo na kami” nagbow yung babae at umalis na
“Tara na” sabi niya saakin kaya sinundan ko siya. Siya ang may-ari nitong mansion
Nakita ko na lang ang sarili kong nakasakay na sa kotse, katabi si Multo. Pero ano ba talagang nangyayari?
“Pwede bang magtanong?” paninimula ko sa pagbabasag ng katahimikan
Pero di siya sumagot. Naiinis na naman ako. Kaso pag hinayaan kong inis mamayani sakin, baka mas di ko lang malaman ang nangyayari
“Oi, saqgutin mo naman ako. Hindi yung magugulat na lang ako sa mga mangyayari saakin” napatingin siya saakin at saka bumuntong hininga
“You’ll be my date on a party na aatendan natin”
“Sana sinabi mo sa mas maayos na paraan. Papaya naman ako di yung...di yung parang kinidnap mo pa ako” pero di siya sumagot. Kaya nanahimik na lang ako kesa magmukhang tanga
Mga thirty minutes ata inabot ang byahe papunta sa lugar na di ko alam, dahil wala namang nagsalita kahit na isa sa amin.
Nandito na pala kami sa isang sosyalin na hotel ata, basta pangmayaman tong lugar. May nagbukas ng pinto ng kotse at yun pala yung driver ni Multo kaya lumabas na ako at kasunod ko naman si Multo. Naglakad siya kaya sinundan ko na siya.
Sa paglalakad namin, nabigla ako sa sarili ko dahil sanay pala ang paa ko sa hee-
“Hey, be careful” buti na lang nahawakan niya agad ako bago pa ako tumumba ng lubusan. Sabi ko nga, di pa sanay ang paa ko sa heels na to.
“Di ako sanay sa mga ganto. Pasensya na” sabi ko sa kanya para at least alam niya na may posibilidad pang madapa ako mamaya. Bakit ba kasi ako pa ang sinama niya.
“Just be yourself. Anyway, here’s your mask” inabot niya saakin ang isang blue na half mask “Royal masquerade ang theme ng party” sinuot ko yung maskara at napansin kong nagsuot din siya ng kapareha kong kulay na maskara
Naglakad na ulit kami papasok sa loob pero ngayon ay magkasabay na kami. Siguro para maalalayan niya ako pag nadulas ulit ako sa heels na suot ko. Di maalis na natatalisod ako pero sa bawat talisod ko ay naaalalayan niya agad ako
Di ako sanay at naiilang ako sa suot ko. Kaya napayuko na lang ako. Pero naramdaman kong huminto si Multo kaya huminto din ako at naramdaman kong huminto si Multo kaya napahinto din ako at naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya
“Hey, bakit ka nakatingin sa baba? Napakaganda mo ngayon. Chin up” pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya bigla kaya napangiti na rin ako saka kami pumunta sa lugar na mismong paggaganapan ng party
Pagpasok namin, madaming tao pero di naman yung tipong crowded katulad ng mga tao sa Divisoria o Baclaran. Dumiretso kami sa isang table at may nakaupo na doong dalawang lalaki at dalawang babae. Di ko sila makilala dahil sa suot nilang mga mascara. Umupo na rin kami ni Multo at pagkatapos ay nagmasid ako sa paligid
Lahat ng tao dito, halatang mayayaman at sanay sa mga ganitong party. Sinubukan kong maghanap ng isang taong kakilala pero wala naman akong makilala. Wala rin naman kasi akong kilalang mayaman, pwera na lang sa P.R.B.G...
“Bestfriend?” natigil ang pagiisip isip ko ng may tumawag sakin. Si Tyler?
Napatingin ako sa katapat kong lalaking naka-tuxedo rin at may kulay pulang mask. “Ikaw ba yan, bestfriend?” sabi niya ulit at tumungo lang ako at ngumiti siya bigla “You look beautiful” natawa ako. Nambola pa
Nagkwentuhan lang kami sa table na iyon kung ano-anong mga bagay. Yung isang lalaki ay si Dustin pala, na nakatuxedo din at kulay green naman ang mask niya. Kasama nila ay ang mga date nila
“Good afternoon, ladies and gentlemen” natigil kami sa pagkukwentuhan ng may magsalita sa stage. “Well, we all know that this is a party but we should not also forget that this is a Despedida party for our beloved brother” natigil ang emcee sa stage at humarap ako sa table namin
“Sino ba ang aalis?” tanong ko sa kanila pero nanatili silang tahimik at nakatingin lang sa stage kaya muli kong binaling ang atensyon ko doon at nagsalita muli ang emcee
“Let’s now welcome, Mr. Wilbrylle Sumilang”
Pakiramdam ko ay nanghina ako bigla. Siya pala ang aalis? Kaya pala...
Sabi ng emcee ay sayawan na kaya lahat ay tumayo at kanya-kanyang sayaw sa open space doon. Ako naman ay nanatiling nakaupo lang sa upuan ko at wala akong balak na makisabay sa kanila.
Pinipigilan ko ang mga luhang pilit na kumakawala sa mga mata ko. Bakit? Bakit ganun?
Naramdaman kong may kamay na nakalahad sa gilid ko at pagtingin ko, si Multo pala.
Kaya kesa na magmukmok ako ay sumama na lang ako sa kanya
Saktong pagtayo ko, mula sa jazz at lively na tugtog ay napalitan na ito sa slow na music kaya nagbago na rin ang style ng pagsayaw
“Ano-huwag na lang kay-“ di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako sa dancefloor at nilagay na niya ang mga kamay o sa balikat niya at ang kamay naman niya ay nasa bewang ko.
May kakaiba akong naramdaman sa nangyari at posisyon naming dalawa. Bakit...ganito?
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Teen Fictionmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...