Chapter 20

0 0 0
                                    

Star POV
Madaming nangyari. Madaming naganap. Madaming nagbago sa loob lamang ng dalawang linggo pero kahit ganun, meron pa rin namang bagay na nanatili at di nagbago.

Yung pagiging magbestfriend namin ni Tyler, ang pagiging magbestfriend namin ni Dustin, ang pagiging tropa namin ni Wilbrylle dahil minsan ay nag-skype kami at err-  ang pang-aasar at pagiging annoying ni Multo. Lahat yan, nanatili at hindi nagbago.

At yung mga bagay na nagbago, kung dati ay isa akong scholar slash patapon dito, ngayon ay halos lahat ay ‘nakikipagkaibigan’ na sa akin. At di lang yun, pag maraming tao, inuutusan ako nung Multo na panindigan ang pagiging girlfriend sa kanya at siya naman ay kikilos na parang boyfriend ko pero pag walang tao, aasarin, lalaitin at kakawawain na niya ulit ako.

Madalas ay magugulat ka na lang, bigla-bigla siyang susulpot o nakasunod na sayo. Hay!

At oo nga pala, two weeks na rin working student ako sa resto ni Dustin. Nung umpisa nakakapagod at nakakaantok pero nasanay na rin ako.

Kaya nga namomoblema ako para sa week na to dahil ito yung tinatawag ng mga estudyanteng ‘hell week’. Sunod-sunod at kali-kaliwang exams at projects ang pinagdadaanan ng HRM department. Pakiramdam ko nga, di na ako makakatulog sa gabi o kahit na sa medaling araw.
Nasa classroom ako ngayon at naayos ko na yung project ko sa Math 150 ng may biglang bumulabog sa loob ng classroom namin na isang estudyante. Napunta sa kanya ang atensyon ng classmates namin at ng tingnan ko siyang maigi, parang pamilyar siya…

“Asan dito si Ate Star?” biglang sabi nung babae at napatingin na sakin ang mga kaklase ko.

“And who do you think you are to talk to our dear Star?” at tumayo na ang nakapamewang na si Kristel.

Simula kasi ng maging girlfriend ako ni Multo, todo sorry siya sakin at sinabi kong ok lang, lagi na siyang nalapit sakin at kung saan-saan ako hinihila o di kaya ay bigla na lang sumusulpot sa tabi ko at pupurihin ako at magtatanong about kay Multo o kaya naman ay haharangin niya ang mga balak kumausap sakin unless ay kung ililibre nila ako o kaya tutulungan sa isang certain na bagay. Hay.

“Ako lang naman si Francesca Celine Picson, isang first year student ng Political Science Department at narito ako para-“ di niya tinuloy ang sasabihin niya ng may biglang magbukas ulit ng pinto ng room at nandoon ang isang pamilyar ding lalaki na hingal na hingal.

Nanlaki ang mata nung babae at agad niyang hinawi yung mga humarang sa kanya at dali-dali siyang lumapit sakin at sabay yakap sakin ng pagkahigpit higpit.

“Ate Star!”

“Cesca!” at lumapit na yung lalaki doon sa babae pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sakin.

“Naku, pasensya na dito kay Cesca ah? Pati na  rin sa abala” sabi nung lalaki at saka tumingin kay Cesca at hinila ito palayo sakin “Cesca, tara na! Di mo ba nakikita na busy sila?!”

“Kuya Ivan naman eh! Bakit ba ganyan ka?” nanlaki ang mga mata ko ng mangiyak-ngiyak na si Cesca. Naalala ko na sila. Sila yung magkapatid na nakita ko noong SSG Day. “Akala ko, alam mo na yung sitwasyon ko. Gusto ko lang naman magpapicture kay Ate Star sa birthday ko. December 10 ngayon!  Birthday ko!” pagkatapos niyang sabihin yun ay humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at tumakbo paalis.

“Pasensya na talaga ah? Nakaabala pa kami. Alam ko namang busy  ang department niyo kasi si Anaid, HRM din. Idol ka kasi ni Cesca at plano ko dapat na imbitahin ka sa surprise namin para sa kanya pero busy kasi kayo eh” pagpapaliwanag ni Ivan sakin.

Naawa ako dun kay Cesca dahil birthday na birthday niya, naiyak siya. “Ok lang sige. Saan ba yung surprise niyo para sa kanya? Pupunta ako”

“Talaga? Pero busy kayo, di ba? Ok lang ba talaga?” pagaalangang tanong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Garden of Star (ON- HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon