Chapter 12

7 2 0
                                    

Star POV

Sa lahat ng bagay na iniisip kong makikita ko sa loob ng kwartong to, ang nakikita ko ngayon ang di ko talaga inaasahan...

Nagkasala ang mga mata ko

Pakiramdam ko, di ko dapat nakita to

Mahaba...

Malaki...

Mataba...

Na teddybear ang hawak ni Multo habang parang kinakausap niya ito

Pagtingin ko sa paligid ng kwarto, medyo madami doong stufftoys at teddy bear na nakalagay sa isang shelf...mga pito ata yun

Dahil hindi pa rin naman niya ako nakita, lumabas na lang ako ng tahimik at saka pinakalma ang sarili ko dahil natatawa ako sa nakita ko

Ang isang astigin at mayabang na si Ghost Reid Escobar ay may mga stufftoys at kinakausap pa niya ito

Nang maging ok na ako, kumatok na ako at ilang saglit pa ay binuksan na niya ito "Bakit?" Unang salitang sinabi niya saakin. Take note, supladong boses pa "Anong kailangan mo?"

"Ah,wala naman-"

"Kung ganun, makakaalis ka na" at nang isasara na sana niya ang pinto, hinawakan ko yung pinto.

Bastos talaga.

Isasara na niya ang pinto samantala di pa naman tapos akong magsalita

"Sandali lang naman! Sabi kasi nina Dustin at Tyler, hanapin daw kita at baka kung ano na ang ginagawa mo. Kaya nag-EFFORT na akong hanapin ka" at pagkatapos kong sabihin yun,wala man lang siya sinabi.

Bastos talaga tong lalaking to kahit kailan eh

Sa sobrang inis ko, naisip ko tuloy yung nakita ko kanina *evil grin*

"Ahm, pwede bang pumasok sa loob ng kwarto mo? Gusto ko lang sanang-"

"Hindi pwede" agad niyang sabi. Sus,for sure,ayaw niya lang makita ko ang laman ng kwarto niya. Pero, never give up!

"Bakit naman? (Lapit sa kanya ng konti) Siguro, may tinatago ka doon noh. Siguro, may mga barbie ka sa loob, o kaya naman, mga TEDDY BEARS?" At diniinan ko talaga yung salitang teddy bears.

Hahaha,makakaganti na din ako ng paunti-unti sayo,Multo

Nakita ko namang umiwas siya ng tingin at parang naging un-easy. Hahaha,nahuli ko kasi siya. Yari ka saakin ngayon

"Wa-wala ah. A-ano ako,ba-bakla? Hindi kaya ako-"

"Eh bakit ka parang kinakabahan? Siguro,totoo yun,noh" at alam niyo yung itsura na niya ngayon, sobrang nakakatawa dahil para na siyang natataeng ewan

"Hindi ako kinakabahan! Teka, ano ba kasing kailangan mo ha?! Kung wala ka namang mahalang pakay at mangungulit ka lang-"

"Eh sa bakit ayaw mo akong papasukin sa loob? Di ba dapat kung wala ka namang tinatago doon eh hahayaan mo akong makapasok doon?"

Bastos siya di ba? Di niya ako pinapatapos di ba? Ngayon,ako naman

"Alam mo ba yung salitang PRIVACY?!" At ang mas nakakatawa pa, namumula na siya sa inis at galit sa pangaasar ko sa kanya

"Is it really privacy? Or there's something others you don't want them to see?"

"Ano ba?! M-makalat kasi sa loob!"

"Anong paki ko kung makalat sa loob?!" Magpapalusot na nga lang, walang kwenta pa. Grabe talaga. Ang saya nito. Sobrang asar na asar na siya,I swear

Garden of Star (ON- HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon