Star POV
“Ano-huwag na lang kay-“ di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako sa dancefloor at nilagay na niya ang mga kamay o sa balikat niya at ang kamay naman niya ay nasa bewang ko.
May kakaiba akong naramdaman sa nangyari at posisyon naming dalawa. Bakit...ganito?
“Kaya di namin agad nasabi sayo kahapon kasi alam naming maapektuhan ka” sabi niya sakin kaya naman doon na nabaling ang atensyon ko
“Ibig sabihin matagal niyo ng alam?”
“Hindi. Kahapon lang sinabi samin”
Kaya pala. Sabi na, kaya pala sila malungkot at parang kagagaling lang ng lamay. Ngayon, ako naman.
Pagkatapos nun ay wala ng nagsalita samin kaya sumayaw na lang kami ng tahimik.
Ilang minuto ang lumipas, bumalik na kami sa table namin at nagpaalam ako kay Multo “Restroom lang ako” tumango na lang siya kaya nagsimula na akong maghanap-hanap
Sa laki nitong lugar na ito, di ko nahanap ang CR. Ang nakita ko ay parang terrace kaya pumunta ako doon para makalanghap ng fresh air.
Di na ako nagabala pang hanapin ang CR dahil pupunta lang naman sana ako doon para makita ang sarili ko. Simula kasi kanina, di ko pa nakikita ang mukha ko.
Walang tao dito kaya mas ok lang. Mas magiging payapa sa pakiramdam ko.
Nakakainis siya. Bakit ngayon niya lang sinabi sakin. Aalis na pala siya. Napakabigat sa pakiramdam
“Hey” napatigil ako sa paghihimutok ng marinig ko ang boses niya “Sorry” pahabol niya kaya napatingin ako sakanya
Pumunta ako sa pinakasulok na side nitong terrace. Tinanggal ko ang heels ko at naupo ako doon. Ganoon din ang ginawa ni Wilbrylle pero di niya tinanggal ang sapatos niya
“Ok lang naman” sabi ko sa kanya. Totoo naman, ok lang. wala akong karapatang magalit o mainis dahil lang di niya agad nasabi saakin. “Pero may gusto lang akong malaman. Siya ba ang dahilan?”
Napatingin siya sakin at bumuntong hininga sabay tango.
Siya nga… yung sacrifice
-Flashback-
“Sacrifice, Star. Paano kung nagsakripisyo ka para sa isang taong mahalaga ng sobra sayo. Iwan mo siya para din sa isang taong sobrang napamahal na sayo. Tingin mo ba, makakalimutan na siya ng taong iniwan niya?”
“Anong ibig mong sabihin? Sino ba yung nagsakripisyo? Yung iniwan at pinagiwanan?” tanong ko sa kanya para mas maging malinaw
“Let’s just say, ako yung nagsakripisyo. There’s a girl na mahal ko pero iniwan ko siya para sa kapatid ko.” Napalunok siya bago niya ipagpatuloy ang sasabihin niya “Makakalimutan ba ako ng babaeng yun kahit na mahal niya rin ako?”
Nakakagulat at nakakabigla… si Wilbrylle pala, may love life na. di ko alam. Pero, ano ang isasagot ko sa kanya?
“Kung mahal ka talaga niya, iintindihin ka niya at di ka kaagad niya makakalimutan.” Sagot ko sa kanya “Pero, mahal ka pala nung babae, bakit mo pa siya iiwan?”
“Sacrifice, Star. Para sa kapatid ko”
Nakita ko siyang umiwas ng tingin na nagpapakita na nasasaktan siya. Nasasaktan din ako para sa kanya pero I need to be strong for him. Di pwedeng pareho kaming nasasaktan at nanghihina
“Sacrifices are hard to deal with. Minsan, yung mga bagay na isinakripisyo mo ay mahirap na makuha ulit or worst, hindi mo na siya makuha ulit pabalik sayo. Kaya, ikaw bahala. Kung maggagawa ka ng move para dun sa babaeng..mahal mo o hahayaan mo siyang mapunta sa kapatid mo”
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Novela Juvenilmasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...