Chapter 13

3 2 0
                                    

Star POV

Napabalikwas ako sa kama ko ng makita kong sobrang liwanag na sa labas ng bintana ko. Pagtingin ko sa orasan ko, 9:30 na ng umaga,7:00 ang klase ko

Kaya agad akong pumunta sa banyo at doon ko lang naalala na may daplis pala ako ng bala sa may braso ko

Di naman siya ganun kasakit. Pero paano nga ba ako nakabalik dito sa bahay? Mamaya ko na nga lang iisipin

Dali-dali ako sa pagkilos at paglabas ko ng kwarto ko,

"O, anak, bakit ka nakagayak?" Tanong saakin ni Mama ko "Ok ka na ba?"

"Opo,ma. Ok na po ako. Sige po,alis na po ako. Maaga po akong uuwi mamaya ah" sabay halik sa pisngi ni Mama

"Saan ka pupunta? Bilin nina Reid,Wilbrylle,Dustin at Tyler ay huwag ka daw papasukin muna ngayon" Ha? Ano daw? Paano nakilala ni Mama yung apat na yun?

"Ma,ok na po ako. At tsaka,hayaan niyo na po yung mga yun. Sige po,pasok na po ako. Bye po" at dali-dali na akong lumabas sa loob ng bahay

Wala akong galit sa nanay at tatay ko. Sadyang di ko lang pinapatapos ang usapan namin dahil hahaba lang yun ng hahaba eh sa nagmamadali nga ako

Saktong 10:00 ng makarating ako sa academy kaya nagmamadali talaga ako dahil ang next na klase na pwede kong pasukan,10:05

Matapos kong lumipad,este eh tumakbo na parang nalipad,nanghinayang ako dahil ginawa ko pa iyon. Bakit?

"Star! Buti pumasok ka. Sakto,kailangan namin ng mga makakatulong for the preparation of SSG day. Tara" at hinila na ako ni Rinoa,ang class president ng klase namin.

Mayaman din siya,maimpluwensya pero di niya ako binu-bully o nilalait. Pero,di niya din ako pinagtatanggol kina Kristel

Pero teka,SSG day? Anong event yun? "Kaming presidents lang ang nakakaalam nun.SSG stands for Supreme Student Government,parang Student Council. Pero the persons involved sa SSG remains a mystery for three years. At ngayon lang sila magpapakilala sa public,which is yung araw na mismong nagkaroon o naitatagang SSG" pagpapaliwanag niya saakin.

Pero teka,paano niya nalaman na may tanong akong ganun? Mind reader ba siya?

"It's very obvious on you. At isa pa,I'm telling you,I'm not a mind reader" sabi ko nga,di siya mind reader (-_-)

Nakarating kami sa isang room kung saan eh maraming students din na nandodoon

"Sorry,I'm late. Anyway,this is Star Miracle Faith.Star,the presidents" at naupo na siya sa bakanteng upuan

Nagsimula na ang meeting nila at nakikita kong todo effort at paghahanda ang ginagawa nila. Base kasi sa mga usap-usapan, sobrang bigatin daw ng mga pinaka-officers ng SSG

"Meron na lang tayong 3 araw para makapaghanda. Base sa mga pinapasabi ng mga officials,gusto nila ay simple lang ang maging celebration but as we all know,nothing and no one is simple in this academy"

"Maybe,we should base the celebration sa mga typical celebrations ng Student Council day sa ibang school"

"Oo nga. We will have program,booths,decorations all over,games,etc"

Mabilis lang din silang nagkasundo kaya naghatian na kung sino ang sa ganito at sino ang sa ganyan. At ang napunta sa amin? Program

Lumabas na kami sa room na iyon at pabalik na kami sa classroom namin ng "Do you think the class would participate in this?" Biglang natanong ni Rinoa saakin

"Bakit naman po hindi? Eh saatin mapupunta ang mga presentations. Siguro naman po eh mas pipiliin nila yun kesa sa mag-lesson" binigay na kasi sa students ang tatlong araw para makapaghanda sa nasabing event

Garden of Star (ON- HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon