Star POV
Linggo ngayon at pasado 8:30 na ng umaga ako nagising dahil kagabi, 11:30 na ako nakatulog.
9:30 na kasi ng gabi kami nakauwi ni Wilbrylle at pagpasok ko pa ng bahay, may inayos pa akong mga bagay bagay.
Speaking of Wilbrylle...
-flashback-
"Star, di ba, hindi naman sapat na dahilan ang pagkawala ng isang tao para makalimutan mo siya diba?" nagulat ako sa naging tanong niya at ng lingunin ko siya, nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya
"Anong ibig mong sabihin Wilbrylle?"
"Sacrifice,Star. Paano kung nagsakripisyo ka para sa isang taong mahalaga ng sobra sayo. Iwan mo siya para din sa isang taong sobrang napamahal na sayo. Tingin mo ba, makakalimutan na siya ng taong iniwan niya?"
Nang oras na yun, di ko maintindihan si Wilbrylle. Sacrifice daw...pero sino ang nagsakripisyo? Siya ba?
-end of flashback-
Napatigil ako sa pagiisip tungkol sa nangyari kagabi ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko, may tumatawag pala. Pero unregistered number.
Sinagot ko na lang dahil mukhang importante
"Hello po, good morning?"
"Hi good morning din. This is from Nitsud Blue Resto. Is this Star Miracle Faith?" Ha? Ano daw? Bakit nila ako hinahanap?
"Yes po Mam. Si Star Miracle Faith poi to. Bakit po?"
"Ay. Ikaw na ba yan? Remember me? ako yung manager ng resto na inapplayan mo dati. Yung part time lang pero multi tasking ka!" Ah. Naalala ko na.
"Ah opo. Bakit po?"
"Pwede ka bang pumunta ulit dito? Gusto lang sana kitang kausapin"
"Ah sige po" at binaba na niya ang telepono.
Kaya bumangon na ako sa kama ko at naligo ako. Tapos ay nagbihis na ako at lumabas sa kwarto. Sakto namang nakain na sina Mama at Papa ng agahan
"O Star. Halika na, sabay ka na samin" pagaaya sakin ni mama at since matagal na rin nung huli akong nakasabay sa kanila kaya sumabay na ako
"Anak, kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ni papa sakin
"Ok naman po. Kayo po kamusta po sa trabaho?"
"Ok naman anak. Nakakapagod pero ganun talaga. Wala namang trabaho na di nakakapagod"
"Anak, Star, may gusto lang sana kami nang papa mo na itanong sayo. Kung ok lang?" biglang sabi ni mama at nakita kong nagkatinginan sila
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa itatanong nila "Ano po yun Ma?" Paano kung tungkol sa tuition ang itanong nila?
"Ah, kasi.. kasi gusto ko lang sana, naming malaman ng papa mo,kung ano.."
"Ma? Ano po ba yun?"
Pero imbis na sagutin ako ni mama ay napatingin lang siya ulit kay papa at nagulat ako ng biglang umiyak si mama
Nagpanic kami ni papa kaya napatayo kami sa kinauupuan namin at agad na lumapit kay mama
"Ma! Ma! Ok ka lang ba?" tanong ni papa pero di siya sinagot ni mama dahil nakatingin lang sakin si mama
"Anak...anak wag...wag mo ako, kami iwan ng papa mo. Kahit anong mangyari. Ha anak?" at biglang hinawakan ni mama ang kamay ko.
"Ma, ano po bang sinasabi niyo? Alam niyo namang malakas pa ako. Ano bang sinasabi niyo?" hindi ko alam bakit biglang naging ganto magisip si mama pero siguro, nag-aalala siya na baka pati ako, iwan ko sila
BINABASA MO ANG
Garden of Star (ON- HOLD)
Ficção Adolescentemasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo sa sarili mong pagsisikap... masarap sa pakiramdam kapag nagawa mong maipaglaban ang mga bagay na matagal mo nang inaasam asam... at higit sa lahat, napakagaan sa pakiramdam kapag nahanap mo na ang sinas...