Prologue

82 2 0
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Akala ko ito na ang katapos ko. Akala ko dito na magtatapos ang buhay ko. Akala ko hanggang dito na lang ako. Akala ko ito na ang huling araw ko dito mismo mundo.

Hindi ko magawa man lang pigilan ang ex kong si Kyler Alfonso na sakal niya ang leeg ko nang malaman niya ang buong katotoohanan na ginagawa ko. Naluluha na ako! Hindi na ako makahinga! Hindi na ako makapagsalita! Hindi ko na kaya pa.

"KYLER! WAG! PLEASE WAG PLEASE!" Sigaw mismo ng girlfriend ni Kyler na si Chesca Madrigal.

Agad ko naman akong binitawan nito na naghahabol pa ako ng hininga. Grabe! Akala ko katapusan ko na ito. Akala ko ito na ang huli ko. Akala ko mamamatay na ako. Ito ba ang parusa dahil sa kasamaan kung dulot sa mga Madrigal Sisters na mga mortal na kaaway ko? Sobrang sama ko!

"Chez, sinaktan niya tayo! pinaglalaruan niya tayo! Alam ko na ang lahat, pinuntahan namin si Cindy na ginamit lang siya ni Liyra para gantihan tayo! Chez, pinatakbo niya ang relasyon natin na hindi natin alam! Chez, sinaktan niya tayong lahat. Chez!" Sambit ni Kyler na mangiyak ngiyak pa ito sa nagawa ko.

Agad niyakap ni Chesca si Kyler ng mahigpit at ikinahagulgol pa nito sa dibdib ng girlfriend niya.

"C-Chez.... B-babe..." Bigkas nito na bumabagsak ang luha.

"Wag na please. Sapat na sa akin na malaman ang katotoohanan. Alis na tayo dito. Alis na tayo." Ani ni Chesca sa kayakap niya.

"Tara." Paghila ni Kyler sa girlfriend niya palabas sa condo na ito.

Sumunod naman ang mga kasamahan niya palabasan mg condo nito na ikinahagulgol ko na lang sa sakit.

"Huhuhuhuuuu!"

Sobrang sakit lang kasi e. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ito. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang gawain ito. Hindi lang kasi ang mga kaaway ko ang nasasaktan e, pati na rin ang mga taong ginamit ko at ang sarili ko.

Potek, kasi itong emosyon e. Galit at inggit ang nangunguna sa akin na pati buhay ko kinain. Dahil sa emosyon nagawa ko ang mga aksyon na hindi karapat-dapat!

Sorry! Nagising na ako ngayon! Sana talaga mapatawad nila ako. Pinagsisihan ko na ang pinaggagawa ko ngayon. Sobrang sising-sisi na ako sa kalokohan ko ngayon. Sobrang sorry!

"Ano, Liyra?" Napatingin ako kay Mira Salvador na isa sa mga taong ginamit ko para gantihan ang mga mortal na kaaway ko. "Masaya ka na ba? Masaya ka na ba na nasaktan ko ang mga kapatid ko? Masaya ka na ba?!" Tanong ni Mira na Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya.

Napabuntong hininga ako bago nagsalita. "Mira, I'm sorry. I'm sorry!" Paghingi ko ng tawag bago ako tumakbo palabas.

Oo! Ang sakit lang sa dibdib ang mangyayari ngayon. Andami ko talagang nasaktan sa pisteng paghihiganti ko. Sana pala hindi ko na lang ginawa e! Sana pala hindi ko na lang ginawa ang mga bagay na ikakasira ng lahat ngayon.

Binilisan ko ang pagtakbo palabas ng condominium na ito habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Oo! Hindi ko na pinansin ang mga taong nakapaligid sa akin na tinitingnan ako.

"Hooohuhuhuhu!"

Bahala na! Kasalanan ko naman e. Sobrang kasalanan ko ang lahat dahil sa pinaggagawa ko ngayon. Sobrang sama kong tao.

*Ringggggggg*

Tumawag si Mommy, agad ko itong sinagot, pero hinayaan ko lang siya magsalita.

["Anong kagaguhan yang ginawa mo Liyra?! Hindi kita pinabalik dito para maging ganyan ka! Alam mo, wag kang magpapakita saakin ha?! Wag na wag kang uuwi sa teritoryo namin!"]

Kasalanan ko talaga to. Kasalanan ko ang lahat ng to! Hinayaan ko na lang yung sarili ko na humagulgol dahil sirang sira na tong pagkatao ko.

"Miss?" Paglapit saakin ng lalaking katabi ko habang inaabutan ako ng panyo.

Napatingin ako sa lalaking yan na mukhang naawa saakin, kaya kinuha ko yang panyo ko bago ako magsalita.

"Sorry sa kadramahan ko ah, pero ang tanga ko talaga! Ang tanga ko na umasa pa ako na babalik ako sa taong mahal ko! Kung sana, mababalik ko lang yung nakaraan, itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko!" Mangiyak iyak na sambit ko habang pinupunasan ko yung luha sa mga mata ko.

Ewan ko sa lalaking yan, hindi yan umiimik at pinapakinggan niya lang ako.

"Mali ba na umasa ako? Mali ba na pinaglaban ko yung taong mahal ko para bumalik ang loob niya saakin?" Tanong ko sakanya.

Maya maya, naramdaman ko sa dibdib ko na hindi ako makahinga bago ko ito hawakan. Unting unti na dumidilim yung paningin ko, hindi ko na alam kung anong nangyayari, hanggang sa pumikit na ako ng tuluyan.

To be continued...

Fixing HerWhere stories live. Discover now