Chapter 14: I Love You Too

21 2 4
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Ilang oras na ang nakalipas....

Nandito pa rin kami ni TJ sa mall. Oo! Sinulit namin ang araw ngayon na magkasama kami e. Kahit ano-ano na lang na mga establishment ang pinasukan namin para gumala dito.

Parang date na rin namin ito! Shopping date.... kasi naman itong si TJ kung ano ang nahahawakan ko binibili niya. Parang iniispoiled niya nga ako e. Kainis naman ang lalaking ito!

☆☆☆

"Andami na nito ha?" Ani ko na bitbit namin pareho ang mga shopping bags na pinamili niya.

"Hehe... madagdagan pa yan, Bee!" Ngisi niya.

"Botchi ka! Wag kang ganon baka maubos pa ang pera mo sa akin."

"Okay lang naman maubos e... basta para sayo lang." Kindat niya.

"Kainis naman niyang banat mo! Sarap mong suntukin e!" Irap ko.

"Ayieee... kinikilig siya!"

"Bahala ka sa buhay mo!" Singhal ko bago ako nagmamadaling maglakad.

"Wait lang naman... Bee!" Pagsunod niya.

Hindi ko siya pinansin at nagmamadali akong naglakad nito! Kainis kasi e! Ayaw ko sa mga hirit niya talaga. Nakakabwisit lang kasi dahil napapangiti na lang ako.

"Bee, hintayin mo naman ang boyfriend mo!" Sabat niya.

"Tang-ina TJ! Hindi kita boyfriend!"

"Correction... hindi pa boyfriend... kasi----"

"Gusto mo... bustedin kita?!" Taas kilay ko.

"Ay... joke lang naman! Hehe." Ngisi niya pa niya na napabuntong hininga pa siya.

Napabuntong hininga na lang din ako at nagfocus sa paglalakad ko kung saan man ako dalhin sa mga paa ko. Wala e! Mukhang lahat na lang siguro ng mga establishment na nandito ay napasokan namin maliban sa-----

Napahinto na lang ako sa may establishment na puro arcades ang nakikita ko. Miss ko mag arcades kasama mga kaibigan ko na puro plastic.

"Gusto mo ba pumasok diyan Liyra?" Biglang sulpot ni TJ sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya na nakangiti pa si loko. "Ano sabi mo???"

"Pasok tayo??? May extra money pa naman ako e." Ngiti niya.

"Sure ka TJ?" Tanong ko.

"Yeah. Gusto mo ba?"

"Syempre... miss ko kaya mag arcades! Pero..."

"Pero???"

"Andaming shopping bags na hawak natin oh! Saan natin ito ilalagay?"

"Ahmm... sa bilin ng tokens. Pabantayan lang natin ito saglit." Ngisi niya.

"Sige! Tara!" Pagyaya ko pa bago ako maunang pumasok na ikinasunod niya.

Excited lang kasi ako masyadong maglaro ng arcades na nandito e. Nakakamiss! Agad naman bumili si TJ ng tokens at syempre... binilhin muna namin kay ate na nagbabantay ang mga shopping bags na pinamili namin bago kami naghanap ng arcades na sakyan o laruin namin.

As usual, ang daming tao talaga ang nandito e. Puno ito palagi! Pero nakakaenjoy naman talaga.

Maya-maya pa napatingin na lang ako kay TJ ng hinawakan niya ang kamay ko.

Fixing HerWhere stories live. Discover now