Chapter 20: Gulat

71 1 1
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

It's been 2 months na since yung laban ni TJ sa taekwondo.

Eto, andami pa ring nangyari. Monthsary, asaran ni Tine saamin, banyagan nila ni Zach, pero I feel safe with him.

"Bee..." Pagtawag ko kay TJ bago ko siya lapitan.

"Thank you ah."

"Like I said bee, I'll do everything I can para gumanda yung buhay mo." Sambit niya bago ako halikan sa ulo.

Maya maya,

*Knock* *Knock* *Knock*

May kumatok na lang sa pintuan kaya tatayo na dapat ako para buksan yung pintuan.

"Ako na Liyra." Pag awat niya saakin bago tumayo at pumunta sa pintuan.

Ang sweet nga ni TJ eh, ayaw niya na masyado ako kumikilos sa condo niya, tsaka ayaw niya rin na napapagod ako. Pero honestly, parang nagiging spoiled ako dito. Bawi ako sakanya sa mga susunod na araw.

*Knock* *Knock* *Knock*

"Sino yan?"

*Knock* *Knock* *Knock*

"Saglit lang!"

*Knock* *Knock* *Knock*

"Saglit nga lang!"

*Knock----*

"May I help you?" Tanong ni TJ.

"Asaan si Liyra?!"

"Teka teka! Sino ka ba?"

"Asaan si Liyra?!"

"TJ, sino ba yan?" Tanong ko bago lumapit sakanya.

Napatingin na lang ako sa harapan niya at nanlaki na lang ang mga mata ko sa nakita ko.

Bakit siya nandito?! Anong ginagawa niya dito?! Bakit ka pa nagpakita saakin?!

"Liyra!"

"James?! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko na nagtataka.

Napabuntong hininga na lang si James bago magsalita.

"So totoo nga ang chismis! Nakipag live in ka sa lalaking di mo kilala!" Inis na sambit ni James.

"Woah woah woah! Teka nga lang! Ano bang kailangan mo sa girlfriend ko?!" Tanong ni TJ na nagtataka.

"Kaya hiyang hiya si Tita Cynthia sayo eh! Ang hilig mong lumandi sa iba!" Singhal niya habang nagpipigil ako ng takot.

"Tama na nga yan! Ikaw James, kung makasalita ka ng ganyan kay Liyra akala mo kilalang kilala mo siya!" Inis na sambit ni TJ.

"Liyra... umuwi na tayo. Hinahanap ka na ni Tita Cynthia." Sambit niya bago hawakan yung braso ko.

"James, ano ba?!" Pagtapik ko ng kamay niya.

"James... back off!" Pagalit na sambit ni TJ kasabay ng pagharang niya saakin.

"Lumayo ka kay Liyra! Iuuwi ko siya sa Mommy niya! Alam kong gagawa lang siya ng kalokohan pag kasama ka!" Sigaw ni James.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Kung sa tingin mong gagawa ng kalokohan si Liyra, nagkakamali ka! Hindi gagawa ng ganyang bagay si Liyra!" Pagtanggol ni TJ saakin.

"Liyra, umuwi na tayo!"

"Ayoko nga James!"

"Pwede ba?! Kung andito ka para manggulo, umalis ka na lang!" Sigaw ni TJ kay James.

"Ano bang pinakain sayo ng lalaking ito Liyra?! Sa ayaw't sa gusto mo, umuwi na tayo kay Tita Cynthia!" Singhal ni James bago niya hilain yung braso ko.

"James! Ano ba! Nasasaktan ako!"

"Pwede ba James?! Umalis ka na lang dito kung guguluhin niyo lang kami dito!" Sigaw ni TJ na ikinabuntong hininga niya.

"Liyra... please... umuwi na tayo kay Tita Cynthia." Kalmadong sambit ni James saakin.

"Ayoko! Dito lang ako sa boyfriend ko!" Pagtanggi ko kasabay ng pagpunta ko sa likod ni TJ.

"James! Back off! Tigilan mo na si Liyra!"

"Ano bang ginawa ng lalaking yan sayo Liyra?! Gayuma?! Siguro nga di pinalaki ng maayos ng magulang niya yung lalaking ito dahil mag isa lang siya! Sa bagay, ganyan naman lagi pag mag isa lang sa condo eh! Walang pakialam ang mga magulang sa mga anak nila!" Sagot ni James.

Below the belt na yang pinagsasabi mo James! Napapansin ko na yung pagkuyom ng kamay ni TJ.

"So tama nga ako! Minahal mo nga si TJ na walang inasta kundi ang sarili! Kaya ka iniwan ng mga magulang mo!"

*Boogsh*

"TJ!!"

*Booogsh*

Nainis na si TJ sa sinabi niya at nabigla na lang ako nang sinuntok niya si James na ikinatumba niya.

"TJ! Tama na!" Paglapit ko sakanya para awatin siya.

*Boogsh* *Booogsh*

Pero wala eh! Paulit ulit niya nang sinasapak si James. Galit na talaga siya.

"TJ! Tama na nga!" Pag awat ko sakanya.

Maya maya, agad namang hinawakan ni TJ yung laylayan ng damit ni James at tinulak niya ito palabas ng condo.

"Wag kang babalik dito ah! Subukan mong magpakita sa harapan ko! Baka hindi lang yan maabot mo!" Pagbanta ni TJ kay James.

"Mag iingat ka TJ! Kukuhanin ko si Liyra sayo! Hindi pa tayo tapos!" Pagbanta din ni James bago umalis.

Napatingin na lang si TJ saakin at yinakap ko na lang siya sa sobrang takot.

"Liyra, okay ka lang?" Tanong niya na ikinatango ko.

"Bee, natatakot ako." Sambit ko kasabay ng paghigpit ng yakap ko.

"Bee, I know you're scared. But I'm here to protect you ha?"

"Bee natatakot ako para sayo. Paano kung gumawa siya ng kalokohan? Paano kung patayin ka niya? Tulad nga ng sinabi niya diba? Hindi pa siya tapos sayo." Sambit ko na naiiyak ng onti.

"Liyra, I guess we need to pack our things." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ha? Bakit tayo magliligpit ng gamit?" Tanong ko.

"Kung dumiretso tayo sa hiding place natin? Wala namang nakakaalam kung asaan yung lugar na yan diba? I guess it's better if we stay there. Delikado na kasi pag nagtagal tayo dito eh. Let's stay there for a day, baka sakaling tigilan tayo ni James." Sambit niya.

Mukhang tama naman si TJ, wala namang nakakaalam sa lugar na yan at mas okay na rin yan dahil kaming dalawa lang ang magkasama.

"Sige TJ. Sa hiding place tayo." Pagpayag ko na ikina-ngiti niya.

"Ligpit mo na gamit mo Liyra. Ligpit ko na rin yung akin."


To be continued...

Fixing HerWhere stories live. Discover now