Chapter 10: Hiding Place

43 2 2
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Kakauwi ko lang work ko. Yes! Okay naman ang mundo ko as a waitress sa Norway Coffee Shop. Masaya naman na nakakapagod! Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis ito bago humiga sa may kama ko.

Kailangan ko na kasing magpahinga e. Alam mo naman na pagod na ako. Hindi ko na nga pinansin si TJ sa labas ng makapasok ako sa kwarto ko.

*Knock* *Knock* *Knock*

Napakunot ang noo ko ng may kumatok sa pinto ko. Alam ko na kung sino ito e! Alam na alam ko kung sino siya.

"Liyra!"

"Bakit?" Tanong ko na lang na nasa loob nakahiga sa kama ko.

Ayaw ko ng bumangon! Pagod ako ngayon gusto ko na magpahinga at matulog.

"Tapos ka na ba kumain, Liyra???"

"Tapos na!" Sagot ko.

"Ahmm... buksan mo naman ang pinto oh." Ani niya at nakita ko pa ang paggalaw ng doorknob ng kwarto ko.

"Botchi ka, TJ! Matutulog na ako! Pagod ako ngayon!" Singhal ko sa kanya.

"Matutulog ka na?"

"Oo nga! Pwede bang wag kang istorbo!" Irap ko.

"Ahmm... okay." Saad niya. "Pagkagising mo bukas, magbihis ka agad ha?"

"Huh? Bakit?" Napaupo pa ako sa kama ko.

"May pupuntahan tayo bukas." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Saan?"

"Basta bukas mo na lang malalaman!"

"Botchi ka! May pasok ako bukas!"

"Nagpaalam ako sa boss mo na mag absent ka bukas. Tsaka pumayag naman siya e..." Sabi niya sa labas.

"Ano bang trip mo TJ?!"

"Basta may pupuntahan tayo tommorrow Magpahinga ka na. Sweet dreams, Bee."

"Bee mo mukha mo!" Irap ko bago humiga sa kama.

Naramdaman ko naman ang pag-alis niya lalo na't may naririnig akong apak na palayo sa kwarto ko. Ano bang trip TJ? Bahala siya sa buhay niya!

Makatulog na nga! Agad ko naman pinikit ang mga mata ko para makatulog na ako at makapagpahinga.

☆☆☆

Kinabukasan...

"Liyra, gising na!" Bulong sa may tenga ko.

"Bee... gising ka na nga..."

"Liyra, gising na please..."

Botchi! May bubuyog pa talaga na bulong ng bulong sa tenga ko kainis talaga e. Napatakip ako sa tenga ko gamit ang unan pero bigla na lang itong kinuha.

"Ano ba?!" Singhal ko bago umupo sa kama.

Ganon na lang ang gulat ko ng makita ang lalaking ito sa kwarto ko.

"Good morning! Rise and shine sleepyhead!"

"Botchi ka! Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakakapasok dito?!" Sunod-sunod na singhal ko.

"May duplicate ako sa kwarto mo e." Ngisi niya.

"Botchi ka talaga! Bakit ka ba pumasok sa kwarto ko?!" Naiinis na sambit ko.

Fixing HerWhere stories live. Discover now