Chapter 4: Square Up

53 2 2
                                    

TJ's POV

♡♡♡

"Badi!"

Hindi ko pinansin ang boses na iyon at tuloy-tuloy lang ako sa pagsipa ko sa may punching bag dito sa may gym.

"Eto na order mo Badi!" Sambit ni Zach bago niya ilapag ang supot na inorder ko.

Oo! Umorder ako sa Norway Coffee Shop ng pameryenda ko. Pero kakainis lang e! Kumukulo talaga ang dugo ko kay Zach.

*Boogsh*
*Boogsh*
*Boogsh*

Tuloy-tuloy ang ginagawa kong sipa nito. Hindi ko pinansin nag lalaking ito at todo concentrate lang ako sa ginagawa ko ngayon.

"Badi! Nandito na ang pagkain mo oh." Ani niya.

Hindi ko siya pinansin nito!

"Wala ka bang balak na pansinin ako?" Tanong niya.

Hindi ko siya pakinggan at tinuloy ko ang pagsipa sa punching bag. Bahala siya! Hindi ako interisado na kausapin siya. Nangigigil talaga ako sa kanya e.

"Badi! Kahapon mo pa ako hindi pinapansin ha? Wala ka ba talagang balak na pansinin ako?"

Oo! Kahapon ko pa siya hindi pinapansin. Kainis kasi e! Bakit ba kasi nagiging kaibigan ko pa ang lokong ito. Nakakainis lang na mas sweet ang trato ni Liyra sa kanya pero iba din ang trato ni Liyra sa akin. Kainis lang!

"Hay nako Badi!" Buntong hininga naang niya.

"Ano bang ginagawa mo pa dito?!" Singhal ko sabay sipa sa punching bag.

"Hinatid ko lang ang pagkain mo. Inorder mo ito, diba?" Sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako bago huminto at naghabol ng hininga. Tiningnan ko siya na ikinasama ko ng tingin sa kanya.

"Kainis ka na Badi ha!" Ani niya. "Simula kahapon na nagpakilala si Liyra sa akin nag-iba ang mood mo. Bigla mo na lang akong hindi pinapansin."

Hindi ako nagsalita sa kanya.

"Nagseselos ka ba, Badi?" Tanong niya na nakangiti pa.

"Tsk! Selos mukha mo!"

"Ikaw nga itong nagseselos e." Tukso niya.

"Hindi nga!"

"Hindi daw? Weee? Maniwala ako sayo. E, iba ang timpla ng mukha mo ng makilala ko si Liyra e." Ngisi niya.

"Tang-ina Zach! Hindi nga!" Singhal ko.

"Hindi daw? Maniwala ako sayo," Natatawa niyang saad. "Kilala kita Terrence Joseph Perez! Kung meron may nakilala sayo. Ako lang iyon! Ako na Badi mo." Ani niya.

Napabuntong hininga na lang bago nagsalita. "Ano bang meron sayo, Badi ha?"

"Ha? Wala naman ha." Kunot noo niya.

"Gwapo naman ako ha! Mas gwapo pa nga ako sayo. Syaka physically fit pa ako kaysa sayo dahil nagtritraining ako." Ani ko.

"Hahaha!" Tawa niya. "Anong pinagsasabi mo?" Natatawa niya.

"Alam ko na parang may paghanga si Liyra sayo! Kita ko sa mga mata niya ang kinang ng makita ka niya. Tang-ina lang! Bakit ka pa nagpakita!" Singhal ko.

"Hahaha!" Tawa niya. "Seloso ka nga talaga. Alam mo Badi, hindi naman masama na makipag kaibigan si Liyra sa ibang lalaki eh. Sadyang masyado mo iniiral yang selos mo!" Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

Fixing HerWhere stories live. Discover now