Chapter 21: Overnight

62 1 3
                                    

TJ's POV

♡♡♡

Hinihintay ko na si Liyra ngayon sa pagligpit ng gamit niya, at hindi ko na hahayaan na makalapit yung James na yan sakanya.

Who is this James? Kaano ano niya si Liyra? Bakit ang lakas ng loob niyang magbanta saakin ng ganyan tungkol kay Liyra?

Nang nakalabas na si Liyra sa kwarto niya habang dala yung maleta niya, agad agad akong lumapit sakanya para kunin yung gamit niya.

"Ako na diyan bee." Pagkuha ko ng maleta niya na ikina-ngiti niya.

"Tara?" Pagyaya ko.

"Tara."

☆☆☆

Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilan yung sarili ko na mag alala kay Liyra, since hindi nga siya maka move on sa pagkita nila ni James.

"Bee, sino ba si James?" Tanong ko sakanya. Pero tumingin lang siya saakin ng ilang segundo bago tumingin sa labas ng bintana.

Well, bad decision TJ. Bad decision.

I shouldn't be talking about it, since kitang kita na sa ugali ni James na hindi siya mapagkakatiwalaan.

"Best friend ko siya bee." Sagot niya na ikinalingon ko sakanya ng saglit.

"Would you mind sharing it bee?"

"Childhood best friends kami ni James mula noon. We were always there for each other in highs and lows. Pero nang dumating si Kyler, which is yung ex ko, we slowly lost our connection with each other. Eh syempre, mahal ko si Kyler nung time na yan, kaya sakanya yung tugon ng pansin ko." Pagkwento niya habang nakikinig ako at nagmamaneho.

"Go on?"

"Syempre, sa hindi inaasahang pangyayari, nagkita kami ni James, sobrang grabe yung galit niya saamin ni Kyler mula nung naging kami. Inamin niya saakin na gusto niya ako, pero I told him na wala kaming chance to be together." Pagpatuloy niya sa pagkwento.

"Nagkaintindihan naman kami ni James kaya nagyakapan na lang kami. Pero nahuli kami ni Kyler, kaya nag away kami. I explained everything to him, pero binantaan niya ako na pag nagkita kami ulit ni James na ganyan, hihiwalayan niya ako."

"So you kept avoiding James?"

"Oo, pero sa di inaasahang pangyayari, kinailangan namin ni Mommy pumunta ng America kasama si James. Ayokong sumama, pero wala. Hindi ako pwedeng tumanggi sa desisyon ni Mommy. Kaya no choice, kinailangan kong pumunta ng America without letting Kyler know. Kaya nung tumagal at bumalik na ako sa Pilipinas, ayun na nga yung nangyaring kinakatakutan ko, malaki na ang galit ni Kyler saakin mula nung iniwan ko siya para lang sumama kina James. Kaya nagpaka desperada na ako na angkinin si Kyler." Sambit niya na napigilan ng pag iyak.

Agad agad naman akong pinara yung kotse ko at pinunasan ko yung mga luha sa mata niya.

"Bee, I'm sorry to hear na ganun pala si James. You don't deserve this kind of treatment."

"Kahit nung sainyo ni Teobie. You don't deserve the pain you've experienced before. And I promise you I'll stay by your side no matter what happens." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Sige na Bee. Malapit na siguro tayo sa hiding place." Sambit niya bago ko andarin yung kotse ko ulit.

☆☆☆

Nakarating na kami ni Liyra sa hiding place namin at agad agad kong inayos yung mga gamit namin at linagay sa kwarto kung saan kami magpapahinga.

Pagkalabas ko, napatingin ako kay Liyra na ine-enjoy yung simoy ng hangin sa hiding place at agad agad ko siyang linapitan at sinamahan sa ginagawa niya.

"Bee, sulitin na natin yung araw na to. Let's stay here overnight." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Let's do it bee!" Pagpayag niya bago siya tumakbo palayo saakin.

"Bee! Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko na nagtataka.

"Habulin mo ako!" Paghamon niya.

"Sige ba!" Sambit ko bago tumakbo patungo sakanya.

"HOY!!! BEE!!! WAAHHHH!!! HAHAHAHAHAHA!" Sigaw niya bago tumakbo ulit.

Patuloy tuloy lang kaming naghahabulan ni Liyra at ine-enjoy na namin yung araw na ito para matanggal yung stress namin.


To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fixing HerWhere stories live. Discover now