Chapter 18: Exercise

25 1 0
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Isang linggo na ang nakalipas and eto ako ngayon. Papunta sa gym kung saan nagtra training si TJ ngayon.

Oo, wala siyang training ngayon, pero talagang naghihirap at nagsisikap siya para ipanalo niya yung laban na haharapin niya.

Nang makarating ako, nakarinig nanaman ako ng malakas na tunog sa labas at napangiti na lang ako.

Oo, mukhang nagsusumikap pa si TJ para dito eh.

Nang makapasok ako, agad agad ko siyang linapitan at umupo na lang ako sa bench.

"Bee! Buti nakarating ka!" Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Pawis na pawis ha?"

"Hehe. Kailangan magpawis eh, tsaka don't worry, exercises lang gagawin ko after ng water break ko." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Eto pala yung listahan ng exercises ko Bee." Pag abot niya saakin ng listahan bago ko ito tignan.

Napaupo na lang si TJ sa tabi ko at hinubad niya yung pantaas niya dahil sa sobrang pawis at tinignan ako ng maigi sa mata.

"Liyra, about sa Taekwondo competition, I'll be sure na gagalingan ko para sayo." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Gusto mo ba gawin yung exercises sa list bee?"

"Sige ba!" Sambit niya bago tumayo.

"Okay, give me 30 squat thrusts!" Utos ko na ikinasunod niya.

Habang pinapanood ko na mag exercise si TJ, hindi ko napigilan yung sarili ko na ngumiti sakanya dahil kita ko talaga na determinado siya manalo.

"All set Bee. What's next?" Tanong niya.

"Next, give me 20 second high knees!"

Ang determined ni TJ sobra. No wonder why may malaking chance na manalo si TJ.

"Okay na bee. Hehe."

"15 push ups bee!"

Hehe, nakakatuwa talaga si TJ. Ang galing niya talaga sumunod.

"Hooh!"

"Kaya pa?" Tanong ko.

"Kaya pa Bee!"

"Okay, 10 sit ups!" Sambit ko.

Humiga na si TJ sa sahig at nagposition. Pero di pa rin ito gumagalaw.

"Bee! Pa support lang. Need ko kasi na may yayakap sa legs ko eh. Para magawa ko yung sit ups ng maayos." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit ako kay TJ at yinakap ko yung legs niya.

Doon na ginawa ni TJ yung sit ups.

Ang gwapo niya sobra. Lalo na pag palapit na yung mukha niya sa mukha ko.

"Bee..." Pagtawag ko kay TJ.

"Bakit bee?"

"What if di ka nanalo sa laban mo?"

"Okay lang saakin. Pero I made a promise na ipapanalo ko yung laban ko para sayo." Sambit niya habang nagpapatuloy sa pag sit ups.

Nang makarating na siya sa last sit up. Doon ko na binigyan ng halik si TJ sa labi ko na ikina-ngiti niya.

"Thank you na ginagawa mo akong inspiration sa laban mo ha?"

"Anything for you Bee."

"Okay bee! Last exercise!" Pagbitaw ko sa pagyakap ng legs niya at tumayo.

"1 minute planking. Ako magbibilang ha!" Sambit ko na nakangisi.

"Game!"

Doon na nagsimula mag plank si TJ at nag focus.

Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagbilang ko sa isip ko.

"Kaya mo ba Bee?"

"Kaya naman Bee." Sagot niya.

"Bee, nanginginig ka."

"Normal lang yan pag matagal kang nagpla plank." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Bee, kuha lang ako ng tubig ah." Sambit ko bago ko kunin yung water bottle niya at nagpuno ng tubig doon.

Habang naglalagay ako ng tubig, doon ko na binalikan si TJ at nagpapatuloy pa siya sa planking.

"Times up TJ! Done na yung plankings mo!" Sambit ko bago ito bumaba at napahiga.

"Hooh!"

"Galing ah!"

"Hindi naman Bee. Pero thank you." Sambit niya bago ako kindatan.

Fight lang Bee! Support ako sayo!

To be continued...

Fixing HerWhere stories live. Discover now