Chapter 12: Explanation

37 2 3
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Hila-hila ako ni TJ palayo sa babaeng kayakap niya kanina. Andaming tanong na sumasagi sa isip ko ngayon. Sino ba yon? I mean ganun na lang ang action nila! Bakit sobrang sweet nila? Tapos ano iyong Babe???

"Liyra... uwi na tayo ha?"

"Sandali!" Paghinto ko na ikinahinto niya.

"Liyra... uwi na tayo please..."

"Wait nga lang TJ!" Singhal ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya at kita ko ang paglunok ng laway niya. Napabuntong hininga na lang ako bago nagsalita habang tiningnan siya ng diretso.

"Sino ba yon?" Tanong ko.

Feeling ko naman alam na niya ang tinutukoy ko e. Sino ba yon? Sino yon? Sino ba ang babaeng iyon sa buhay niya?

"Liyra..."

"Tinawag ka niyang Babe... girlfriend mo ba yon?!" Ani ko na pinigilan ang mga luha ko.

"No!" Diretsong sagot niya. "I mean... ex ko na yon."

"Ex?! E, bakit may tinatawag ka niyang Babe?!"

"Liyra... Ex ko na yon! Siya iyong babaeng minahal ko pero pinahiya ako sa harapan ng kaibigan niya." Diretsong sagot niya.

"Botchi TJ!" Singhal ko. "Wag mo nga akong gawing tanga!"

"Liyra..."

"Ano ba yon?! Tang-ina lang ha! May ex bang Babe pa rin ang tawag sayo?" Pagbagsak ng luha ko.

"Liyra..."

"Aminin mo?! Bakit Babe pa rin ang tawag niya sayo? Akala ko ba ex mo na siya! Aminin mo sa akin!" Singhal ko.

"Liyra... anong aaminin ko???"

"Nagbreak ba kayo???" Tanong ko.

"Liyra..."

"Nagbreak ba kayo ng ex mo para masabi mong ex?! Kasi pakiramdam ko ngayon wala kayong break up e. Kasi Babe pa ang tawagan niyo! Sobrang sweet niyo masyado! Wow ha? Sa public place may yakapan pa kayong nalalaman! Tang-ina kayo!" Pagbagsak ng luha ko.

"Liyra.... break na kami ni Teobie. She broke up with me matagal na."

"Pero bakit nga ang tawag sayo ay Babe pa rin? Tapos anong sabi niya na may iba na pala?! Ano yon?! Parang ang dating sa akin TJ na parang kabit ako e! Ano ba talaga ang totoo TJ?! Feeling ko ginagago mo lang ako eh!" Inis na sambit ko na patuloy ang pagbagsak ng luha ko.

Nakita ko naman ang nangingilid ng luha niya dahil sa sinasabi ko. "Liyra, maniwala ka saakin. Please..."

"Paano ako maniniwala???"

"I will explain everything! Makinig ka lang sa akin Bee... Please..." Pagbagsak ng luha niya. "Bee... Wala na kami ni Teobie! Past ko na siya pero ikaw ang present and magiging future ko. Bee... you're my everything!"

"TJ... naniniwala ako sayo. Pero ang unfair kung di ko pinakinggan yung ex mo! Kung ex, ex na! Eh bakit may pahawak hawak kayo ng kamay diyan? Bakit may payakap pa in public? Bakit may pa Babe ba kayong tawagan?"

"Liyra... kung ano man ang nakita mo kanina. Hindi ko ginusto 'yon! Kusa nga akong lumalayo Liyra. Pinipigilan ko siya, pero ayaw niyang makinig." Pagpaliwanag niya.

Fixing HerWhere stories live. Discover now