Chapter 7: Condo

39 3 1
                                    

TJ's POV

♡♡♡

"Liyra! Ilang beses na kitang pinabibigayan! Kaya kung wala kang ibibigay ngayon. It's better to leave here!" Sambit ng landlady ni Liyra kung saan siya nakatira ngayon.

"Po?!"

"Yes! Layas! Layasssss!" Sigaw niya bago niya binato ang mga damit at gamit nito kay Liyra.

Hindi naman siguro tama ito e! Kailangan ba talaga ibabato ang mga gamit at damit ng boarder niya? E, pwede naman niyang ilagay na lang ng maayos ito o kaya ilabas ng maayos.

"Excuse me po." Lakas loob ko.

"Yes! Sino ka ba?!" Taas kilay pa ng babaeng ito.

"Ahmm... I'm Liyra's boyfriend."

"Boyfriend?!" Gulat pa niya.

"Boy friend po... boy space friend po, Aling Belen." Pagtatama ni Liyra sa sinabi.

"Ahhh okay!" Irap pa niya. "By the way, pinapalayas ko na pala ang kaibigan mo! Paulit-ulit na ako nagbibigay ng palugit sa kanya pero hindi pa rin nagbabayad! Kaya it's better na umalis na siya sa bahay na ito dahil may papalit na bukas na bukas sa kwarto niya!"

"Ahmm... kailangan po ba talaga ganyan ang mga actions niyo?" Kalmadong saad ko.

"Ha?"

"Hindi naman siguro tama na ibato ang mga gamit ni Liyra, 'di ba? Hindi mo naman kailangan yan gawin lalo na't aalis naman siya ng maayos ngayon." Sabi ko na ikinabuntong hininga na lang niya.

"Ewan ko sayo! Umalis na nga kayo!" Singhal niya bago pumasok at sinirado pa ang pinto na pasabog ito.

Hooh! I was shocked about what she did to Liyra. I know her rent needs to be paid, pero I can't help myself na maawa ako kay Liyra.

Now she needs a place where she can stay and rest. Syempre, hindi ko hahayaan na magpalibot libot si Liyra sa kalsada.

Tiningnan ko si Liyra na ngayon ay pinupulot ang mga damit at gamit niya na binabato ng landlady nila. Kaya naman nagpasya na rin akong pulotin ang iba pang gamit niya para maging madali ito.

Napabuntong hininga na lang si Liyra bago niya nilagay sa bag niya ang mga gamit niya. Nang wala na akong nakitang damit na nakakalat dito agad ko naman itong binigay sa kanya.

"Ito oh." Pag-abot ko.

"Thank you." Ngisi niya at inilagay ito sa bag niya.

Ngumingiti lang ang mga labi niya pero kita sa mata niya na malungkot ito. Alam ko! Ramdam ko siya.

Napabuntong hininga ako bago nagsalita. "So... pinalayas ka na, 'di ba?"

"Kita mo na nga yung nangyari, 'di ba?! Bakit mo pa kailangan itanong?!" Pagtataray niya.

"You know what Liyra... ayoko namang hayaan kang maglakwatsa sa kalsada eh. Knowing about what happened kanina." Sabi ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Liyra.

"Ahmm... kung tatanggapin mo ang offer ko," saad ko. "Sa condo ka muna tumuloy. We live together kung okay lang sayo." dugtong ko na ikinalaki ng mata niya.

"TJ..."

"Liyra, ayoko namang hayaan kang pagala gala sa kalsada. Eh alam mo naman na may loko lokong mga lalaki na gustong gumahasa ng kahit sino," Sabi ko sa kanya. "Alam mo naman siguro ang nangyari kanina, 'di ba? Ayaw ko maulit iyon! At hindi kakayanin ng konsensiya ko kung maulit na naman iyon sayo," Saad ko na ikinalunok ng laway niya. "No choice ka na ngayon... I prefer na mag live in ka na lang sa condo ko." Sambit ko.

"Live in talaga?" Irap niya.

"Yes, we live together in my condo unit!" Ngisi ko.

Napakamot siya ng batok niya at napaiwas ng tingin sa akin.

"Tsaka Liyra," pagsasalita ko muli na ikinatingin niya sa akin. "Wala naman akong masamang intensyon sayo. I just want you to be safe from any harm. Kaya halika na! Sumama ka na saakin." Paghawak ko sa kamay niya.

Agad ko naman siya pinagbuksan muli ng pinto ng kotse ko para makapasok na siya pati na ang gamit niya. Yes! Kailangan ni Liyra ngayon ng house para matutuloyan niya. At condo ko ang magiging tahanan niya ngayon.

Lumibot na rin ako at sumakay sa driver seat bago ito pinaharurot papunta sa condo.

☆☆☆

20 minutes after..

Bumaba na kami sa kotse ko pareho. Oo! Sobrang tahimik ang biyahe namin hindi nga siya nagsasalita e. Mukhang may malalim pang iniisip si Liyra kaya hindi ko na lang din siya ginulo.

Agad naman kaming pumasok sa condominium at umakyat sa mismong condo unit ko na dala pa ang ibang gamit ni Liyra.

☆☆☆

Nang makapasok kami sa mismong condo unit ko. Agad ko naman binaba sa sahig ang dala kong gamit niya.

"Vacant room 'yan! Pwede mo diyan ilagay yung mga gamit mo." Sambit ko sabay turo sa vacant room na katabi ng room ko sa condo.

"Ahmm... Sige. Ilagay ko lang to." Ani niya bago ito pumasok sa may vacant room na dala ang gamit niya.

Napabuntong hininga na lang ako bago napaupo sa sofa ko sa may living room at hinintay si Liyra na makalabas ito. Ayaw ko naman pumasok e! Baka magalit na naman siya sa akin dahil need niya ng privacy.

Maya-maya na lumabas si Liyra ng kwarto at napangiti pa. Ngumiti na lang din ako pabalik bago siya umupo sa tabi ko.

Napabuntong hininga pa kaming pareho bago siya nagsalita. "Thank you pala."

"For what?"

"Pinag live in mo ako dito sa condo mo. Kung gusto mo, bayaran pa kita!" Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Liyra... hindi mo na kailangang magbayad. Mahalaga sa akin... ligtas ka."

"Thank you, pero... okay lang sa akin TJ! Magsabi ka lang kung ano ang gusto mong ipapagawa sa akin. Magsisilbi ako sayo, magtratrabaho man para mabayaran kita!" Ani niya.

"No need talaga Liyra. Feel at home ka lang dito. Wala kang kailangang bayaran." Sambit ko na nakangiti.

"Pero gusto ko talaga makabawi sayo. Paano ba ako makabawi sayo?"

"Gusto mo makabawi?" Tanong ko na tiningnan ko siya ng diretso.

"Yes..."

"Be my girlfriend."

Napalaki ang mata niya sa sinabi ko at hindi man lang ito makagalaw at makapagsalita ng diretso.

To be continued...

Fixing HerWhere stories live. Discover now