Chapter 9: Itlog at Hotdog

40 2 2
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Kainis talaga e! Sobrang nakakainis lang talaga kahapon. Alam niyo ba nagkukulong lang ako sa kwarto ko? Hays! Si Zach at Tine kasi panay tukso pa sa amin ni botching si TJ na yon.

E, hindi ko nga gusto ang TJ na yon! Mas gusto ko si Zander Cheerios Fuentes na future Doctor pa talaga si crush ko. Jusko! Kaya lang nakakainis, siya pa mismo ang nagpupush sa amin ni TJ sa isa't-isa? Hays!

Napabangon ako sa kama na hinahigaan ko bago tiningnan ang phone ko. Yes! May pasok ako ngayon, 6:30 AM pa naman at 7:30 pa ang pasok ko sa Norway Coffee Shop!

Makaligo na nga lang! Agad agad kong kinuha ang towel ko bago lumabas ng kwarto. Yes! Maliligo na ako kaya naman dumiretso na ako sa mismong banyo dito.

"WAAAAAAAAAAHHHHHH!" Sigaw ko sa gulat ng binuksan ko ang pinto ng banyo para pumasok.

"What the hell!" Sigaw ng botchi ni TJ at dali-dali niyang takpan yung katawan niya gamit yung kurtina ng shower ng banyo.

Napalaki na lang ang mata ko at hindi ko man lang magalaw ang sarili ko dahil sa nakita ko mismo ang alaga niya kanina.

"Liyra..."

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko na nagalit-galitan pa ako.

"Ako dapat nagtatanong niyan, 'di ba? Anong ginagawa mo dito?!" Tanong niya saakin pabalik sa akin.

Napalunok na lang ako ng laway. Kainis talaga e!

"Liyra... tinatanong kita! Ano bang ginagawa mo dito?"

"Uhmmm... malamang maliligo! Ano pa ba ang gagawin." Irap ko pa.

"Maldita ka talaga noh?! Matuto ka sana kumatok! Hindi ba uso sayo na kumatok muna sa pinto ha?"

"Sorry naman po! Hindi kasi nakalock ang pinto! Sana sa susunod matuto ka rin maglock ng pinto para hindi ko makita malaki mong-----"

"Ang bastos mo!" Pagputol niya sa sinabi ko.

"Ha? May sinabi ba akong bastos?"

"E, ano ang sinabi mong malaki?" Ngisi niya na ikinalaki na lang ng mata ko.

"Botchi ka!" Singhal ko bago tumalikod at isara yung pintuan ng banyo.

Jusko po! Bwisit talaga! Nakakastress at nakakahiya naman talaga e. Tumakbo agad ako papunta ng kwarto ko at napahiga na lang!

Nakakabwisit talaga e! Ano?! Kasalanan ko na naman ba? E, hindi ko nga alam nga alam na may tao sa banyo e. Hindi ko kasalanan na hindi marunong maglock ang botching TJ na 'yon!

Kainis talaga e!

Humiga ako sa kama ko at tinakpan ng unan ng mukha ko. Hindi ko kasalanan ha? Hindi ko kasalanan makita ang alaga niya!

"Waaaaaaaaahhhh!" Sigaw ko habang tinakpan ng mukha ko ng unan.

Botchi talaga e! Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Kainis! Waaaaah! Bakit ba hindi matanggal sa utak ko ang nakita kong nakasabit kay botching TJ? Nakakainis!

*Knock* *Knock* *Knock*

"Liyra!"

Napaupo ako sa kama at tinanggal ang unan sa mukha ko. Yes! Alam niyo na naman kung sino diba? Bwisit!

"Liyra!"

"Ano?!" Singhal ko pa na nasa loob.

"Galit agad? Tapos na ako maligo, Bee! Pwede ka na sumunod maligo!" Saad niya sa labas.

Fixing HerWhere stories live. Discover now