Chapter 13: Epal

23 2 4
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Nagising ako at napangiti nang makita ko si TJ na mahimbing pa natutulog habang ginagawa kong unan yung braso niya at yakap-yakap ang katawan niya.

Ang gwapo talaga ni TJ e! Grabe ang visual niya sa malapitan... Napangiti na lang ako ng husto bago hinalikan ang noo ni TJ.

Napadilat na lang siya sa ginawa ko na ikinangisi ko sa kanya. "Good morning sleepyhead." Bati ko.

"Good morning Liyra." Ngisi niya. "Kanina ka pa ba gising?"

"Hindi naman masyado." Ngisi ko.

"Ahh... ganda mo Bee!" Paghawi pa niya sa buhok.

"Thank you!" Ngisi ko. "Bangon ka na nga!"

Pagbangon ko rin sa kama at nag-aayos sa sarili ko. Napabuntong hininga na lang siya at inayos ang sarili niya bago niya ako tiningnan ng diretso.

"Bakit???"

"Pa hug ako." Pagpacute niya sa akin.

"Nagpapacute ka ba?"

Napapout siya at napatango. "Please... pahug ako!" Baby talk pa niya.

Napangisi na lang ako sa inasta niya. Ang cute talaga ni TJ. Halatang gusto niya munang makipaglambingan sa akin.

"Please Bee..."

"Okay." Maiksing sagot ko bago niya ako niyakap.

Oo na! Pagbigyan na natin ang hiling ni TJ. Hug lang naman ang hiningi niya e. Kaya naman hinayaan ko na lang yung sarili ko na yakapin niya ako bago ko siya yakapin pabalik.

"Bee..."

"TJ! Stop na..." Ani ko.

Napakalas kami sa yakap sa isa't-isa at nagkangitian na lang kami.

"Hehe..."

"Ahmm... TJ, shopping tayo?" Tanong ko.

"Okay sige! Magbihis ka na diyan ha? Magbibihis ns rin ako sa room ko." Ani niya.

"Sige..."

"Mamimiss kita!" Pagpout niya.

"Ang OA mo! Magbihis ka na nga don!" Natatawa kong sambit.

"Sige..." Sambit niya bago siya lumabas ng kwarto ko.

Agad naman akong nagbihis para makalarga na kami agad. Mahirap na kasi matraffic na naman e! Jusko! Ayaw ko ng ganon dagdag stress pa yon. Hays!

☆☆☆

Ilang minutong nakalipas, agad akong lumabas sa kwarto at ganon na lang ang gulat ko na nandito na pala si TJ sa harapan.

"Miss kita Bee..." Ngisi niya.

"Ang OA mo!" Irap ko.

"Hehe..."

"Pero bakit sobrang pormado mo ngayon? Akala mo naman kung saan tayo pupunta e." Pag asar ko na ikina-ngiti niya.

"Ahmm... hindi ba bagay sa akin?"

"Ay! Bagay naman... sobrang gwapo mo nga sa suot mo e! Sobrang pormado mo boy!"

"Sayo lang naman ako nagpapaporma eh." Pagbanat niya.

Napairap ako sa biglaang banat niya. "Epal ha! Ayan nanaman yang epal mong banat."

"Epal talaga? Eh nagpipigil ka nga ngumiti eh." Pag asar niya.

Fixing HerWhere stories live. Discover now