Chapter 15: In A Relationship

40 2 4
                                    

TJ's POV

♡♡♡

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko masusukat ang kasiyahan ko ngayon e! Sobrang sarap lang sa pakiramdam na sa wakas sinagot na ako ni Liyra. Sobrang sobrang sarap sa pakiramdam na sa wakas pamamay-ari ko na ang nag-iisang Liyra Manicad na mahal ko.

That feeling of happiness na hindi mo maintindihan! Iyong tipong gusto kong gumulong sa tuwa at saya, gusto kong tumalon sa matataas. Ewan ko! Naglulukso talaga sa saya ang puso ko. Ang sarap sa pakiramdam! Thank you Lord!

"Panay ngiti natin ha?"

Napatingin ako kay Liyra na ngayon ay katabi ko sa kotse. Oo! Ihahatid ko kasi siya sa Norway Coffee Shop kung saan siya nagtratrabaho.

"Ahmm... bawal bang ngumiti Bee???" Ngisi ko.

"Hindi naman," Irap niya. "Pero bakit... Bee? Hindi naman akong bubuyog ha?" Ngisi niya tanong na nagtataka pa.

"Ahmm... ayaw mo ba?" Pagpout ko.

"Hindi naman sa ganon... bakit nga ba Bee???"

"Bee kasi.... dahil baby! Bee is short for baby!"

"Bakit hindi na lang baby?" Ngisi niya.

"Masyado kasing common yung baby. Syaka hindi naman kita anak ha? Hindi ka sanggol para tawagin kong baby! Jowa kita e..."

"E, hindi rin naman ako bubuyog ha! Bakit Bee?! Kainis ka rin e!" Irap niya.

"Ano...  joke lang! I made a short term of baby lang kasi kaya bee." Ani ko.

Napabuntong hininga siya ng malakas at hinilot-hilot ang ulo niya. Mukhang hindi niya nagustohan ang endearment namin ha? Bee is shorter lang naman siya ng baby e.

"Ahmm... ayaw mo ba ng Bee??? Ano gusto mong endearment natin?" Tanong ko sa kanya.

"May sinabi ba akong ayaw ko sa Bee?!" Taas kilay niya sa akin.

"Ahmm... wala. Hehe... sorry." Ngisi  ko bago nagfocus ang paningin sa may kalsada.

Hindi na lang ako nagsalita dahil mukhang pagalit na si Liyra e. Baka mabotchi na naman ako nito kapag sumabog siya sa galit. Ayaw ko pa naman sa lahat na mag-away kami.

"Bee..."

Napalaki ang mata ko at napangiti na lang bago tiningnan si Liyra na tinawag niya akong Bee.

"Bee? Tinawag mo akong Bee?"

"Bakit ayaw mo ba?" Pagtataray niya.

"Ay! Hindi naman sa ganon... hehe." Ngisi ko.

"I love you Bee!" Ngisi niya.

"I love you too Bee!" Tugon ko bago ko tumingin sa kalsada na may ngiti at nagfocus ito sa pagmamaneho.

☆☆☆

Ilang minutong nakakalipas, agad ko naman ginarahe ang kotse ko sa parking lot ng Norway Coffee Shop. Bago kami lumabas sa may kotse. Agad ko naman hinawakan ang kamay ni Liyra na ikinagulat pa niya.

"Bee..." pagtanggal niya sa kamay niya na hawak ko.

"Bee... please! Boyfriend mo ako diba? Hindi ka dapat mahiya! Wala kang dapat ikahiya na magkahawak kamay tayo." Paghawak ko sa kamay niya.

"Ahmm..."

Hindi siya makasalita nito ng diretso. At ramdam ko sa mga kamay niya na parang nanginginig pa ito! Nanenerbyos ba si Liyra dahil dito? Hindi ba siya ready na ipakilala ako? Hindi ba siya proud na sinagot na niya ako???

Fixing HerWhere stories live. Discover now