Chapter 17: Preparation

20 1 4
                                    

Liyra's POV

♡♡♡

Hinayaan ko muna si TJ mag stay dito sa Norway Coffee Shop and wish niyang tumulong ng kahit onti lang.

Sweet naman ni TJ! No wonder why I love him talaga.

"Badi!" Paglapit ni Zach kay TJ na hawak phone niya.

"Yung coach mo! May text na binigay saakin!"

"Ano yun?" Tanong ni TJ.

"Tomorrow Friday, may Taekwondo training kayo for an upcoming competition." Sambit ni Zach na ikinalaki ng mata niya.

"Kailan yung laban?" Tanong ni TJ.

"Saturday yung laban. May 2 weeks of training kayo every 3:30 pm. And take note, may possibility na magkaka 100 thousand pesos kung mananalo ka."

"ABA'Y SUPPORT KAMI DIYAN!" Sigaw ni Tine na ikinatuwa namin.

"Hehe. Sige ba? Tutal, matagal na kami di nagkikita ni Coach Jayve eh." Sambit ni TJ.

"Nako, TJ! May makakakita na sa fighting skills mo for the first time! Ahhh!!!!! Kinikilig ako!!" Sigaw ni Tine.

"Anong nakakakilig doon Celestine Florencio?!" Tanong ni Zach.

"Syempre! Makikita ni Liyra kung paano mag taekwondo si TJ!" Tukso ni Tine saakin na ikina-ngiti ko ng patago.

"YIEEEE!!! KINIKILIG NANAMAN SI LIYRA!!!"

"Oo na Tine! Lokang to!" Singhal ko bago umirap.

"Gusto niyo manood ng training ko guys?" Tanong ni TJ.

"Game ako!" Sambit ni Tine.

"Dadaan lang Badi. Alam mo naman ako, kailangang kumita." Sagot ni Zach.

"Eh ikaw Bee? Gusto mo manood ka ng training ko?" Tanong niya saakin.

"Sige na Liyra! Masho showcase na nga ni TJ yung galing niya eh!" Tukso nanaman ni Tine saakin.

Napabuntong hininga muna ako bago ako tumango.

"AHHHHH!!!!!!!" Sigaw ulit ni Tine kaya napatakip na lang ako ng bibig ni Tine gamit kamay ko.

Hayys! Ang ingay talaga kahit kailan.

***********

TJ's POV

♡♡♡

Kinabukasan, agad agad akong nagbihis ng taekwondo uniform ko sa condo unit ko.

Oo, pinaghahandaan ko na yung Taekwondo training ko na magtatagal ng 2 weeks.

Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ko yung sarili ko sa salamin bago magsalita.

"Kaya mo to TJ. Kahit gaano kahirap, kakayanin ko to."

Lumabas na ako sa condo ko habang binibitbit ko yung gamit ko pang taekwondo at linagay ko to sa kotse ko, kasabay ng pag andar ko papunta sa Norway Coffee Shop.

☆☆☆

Pagkababa ko sa kotse ko, napangiti na lang ako nang makita ko ulit si Liyra na kasama si Zach at Tine kaya lumapit ako sakanila.

"Bee!" Paglapit ni Liyra saakin bago ako yakapin ng mahigpit.

"Hi Bee!" Pagyakap ko sakanya pabalik.

"Tama na muna landian! Naghihintay na si Coach Jayve!" Pagtulak ni Zach saakin palayo kay Liyra.

"Wala na! KJ si Zach!" Pag asar ni Tine.

Fixing HerWhere stories live. Discover now