Chapter One

7.1K 132 0
                                    

MIRACLE HOPE'S POV

"Lola sure po ba kayo na dito niyo lang nailagay yun?" tanong ko kay Lola na kanina pa naghahanap ng salamin niya. Medyo nag uulyanin na kasi siya.

"Oo naman apo ano kaba, anong akala mo sakin makakalimutin?" sagot naman nito.

Ay hindi po nag uulyanin lang

"Eh Lola wala naman po di-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may mapansin ako sa bandang ulo niya. Pagkalapit ko dito saka ko nakita ang kanina niya pang hinahanap na salamin.

Kinuha ko ito atsaka binigay sakanya, "Yan ba ang hindi makakalimutin Lola?"

"Umeedad na talaga ako apo" sagot naman ni Lola habang isinusuot ang salamin nito sa mata.

Nako nako Lola

Minsan nga pati gamot niya ay nakakalimutan niya ng inumin. Makikipag away pa siya sakin at sasabihing ininom niya daw.

Nagpaalam na nga muna ako kay Lola na pupunta ako ng palengke, para bumili ng uulamin namin mamayang tanghali at gabi.

Maya maya pa nga ay nakarating na ako sa bilihan ng isda. "Magkano po isang kilo ng gg?" tanong ko sa tindera.

"120 isang kilo ineng."

bakit parang nagmahal naman yata?

"Baka pwedeng 100 nalang " pagtawad ko, para babaan niya naman.

"Lagi naman po akong bumibili sayo e." pang uuto ko pa.

Napatingin naman sakin si ate na tindera "Osige sige 100, ikaw talaga" napangiti naman ako sa sinabi ni ate.

Binalot na ni ateng tindera yung isdang binili ko atsaka inabot ito sakin.

Iba talaga nagagawa kapag nanghihingi ng tawad, chos!

"Yown salamat ate, sa uulitin po."

Nakabili na rin ako ng pwedeng isahog dito kaya uuwi na ako Medyo masakit na din ang sa balat ang init.

sayang kojic!

At kung hindi niyo na itatanong ay magaling ako magluto. Tinuruan ako ng Lola ko magluto noong mga nasa 10 years old palang ako.

taray chef cook!

Habang naglalakad ako pauwi may mga nakakasalubong ako na mga estudyante.

Ang gaganda ng uniform, halatang sa private school nag aaral.

Kung nag enroll lang ako ngayong school year, 4rth year na sana ako. Pero mas gugustuhin ko pa rin alagaan si Lola.Lagi niyang sinasabi sakin na mahalaga ang pag aaral, pero mas malaga sakin ang Lola ko at mas kailangan niya ako ngayon.

Pagdating ko sa street namin bumungad sakin ang maiingay kong kapitbahay.

Simple lang ang lugar na tinitirhan namin. Minsan magulo dahil sa mga kapitbahay naming nag aaway, at syempre hindi maiiwasan ang magkaron ng mga chismosang kapitbahay.

isa na ako don!

Pero masaya naman dito hindi ka nila ituturing na iba, dahil pamiilya ang turingan namin dito.

"Oy Hopya! magandang umaga." bati sakin ni Mang Dolfo, isa sa mga mababait naming kapitbahay. Siya ang tumulong sakin nang minsang dalhin si Lola sa hospital.

At sila ng asawa niya ang pinakamaingay dito. Paano ba naman walang araw na hindi sila nagbabangayan.

odeba chismakers ako

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now