Chapter Three

3.6K 84 5
                                    

HOPE'S POV

Lunes naaaa tadaaaa ambilis 'no

Tulad ng relasyon niyo ambilis matapos.

Chos!

"Hope apo bumangon kana at lalamig itong pagkain." rinig kong sabi ni lola habang kumakatok pa.

"Opo babangon na." sagot ko naman.

Bumangon na ako sa higaan habang kinukusot ko pa ang mata ko.

May muta!

Binuksan ko muna ang bintana ko upang makita ko ang sinag ng araw.

At ano pa nga ba? Ginawa ko'na ang dapat kong gawin.

Habang naliligo hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayari sa'kin sa CIS.

Sa dati ko kasing school maraming nantitrip sa'kin.

Minsan hindi ko nalang sila pinapansin dahil nga pare-pareho lang kaming dadamputin sa Dean's Office.

Ayoko pa naman mag-alala sa'kin si Lola, lalo na't may sakit siya.

Pagbaba ko nandito na lahat ng gamit ko.

"Apo mag-aral kang mabuti ha." Sabi ni Lola habang naglalagay ng plato sa mesa.

Mag-aaral ako hindi nga lang mabuti hehe.

"At mangako ka sa'kin Hope wag na wag kang papasok sa kahit anong gulo, naintindihan mo?" may pataas pa ng kutsara.

"Lola hindi ko po maipapangako." tumaas naman ang isang kilay niya. "Pero iiwas po ako sa gulo." pagpapatuloy ko naman.

Napabuntong hininga naman si Lola bago magsalita.

"Ayoko lang naman na nasasangkot ka sa gulo." Sabi naman niya.

"Eh Lola hindi naman po ako si Sarah na nakatira sa chimeneya para magpa-api, at mas lalong hindi po ako pinalaki ng Sexbomb Dancer para bumawi kaya LABAN LANG!" Sagot ko kay Lola may pa taas pa ako ng kamao na parang may pinaglalaban.

"Hope apo hindi naman lagi kailangan pinapairal ang init ng ulo. Naalala mo ba yung sinuntok mo noong nasa elemantarya ka palang? Diyos ko muntik ka pang maexpell noon apo." Pagkukwento ni lola.

Si Jp, naku yung lalaking yon kasi napaka mapangasar.

Kaya ko lang naman siya nasuntok dahil inaasar niya akong walang nanay at tatay.

Putok daw ako sa buho.

Eh ano naman? Siya nga putok sa kili-kili e

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now