HOPE'S POV
Habang nagpapahangin dito sa Garden ay may nilabas na card si Nica.
Kinuha ko ang binigay niya sakin. "Invitation Card?" basa ko sa nakasulat sa bandang harap nito.
Tumango tango siya. "Birthday ko na next week at invited kayo diba!" masaya niyang sambit.
Oo nga pala! Malapit na rin ang exam shutaness and huhuness!
Napangiti naman kami ni Chandria, ngayon lang ako makakapunta sa engrandeng selebrasyon kapag nagkataon. Panigurado kasing malaki ang party nitong si Nica.
"Naibigay mo na ba ang para kina Mr. Creighton na invitation?" tanong ni Chandria.
Umiling naman si Nica. "H-Hindi ko alam kung paano e. Hindi naman sila laging nandito sa school."
Sabagay, minsan ko nga lang din sila makita dito sa school.
"What if tanong mo kay Kaleb kung paano natin mabibigay ang invitation?" tanong muli ni Chandria kay Nica.
"Oo nga 'no? mukhang close naman sila. Pero natatakot ako kay Kaleb e."
Tumingin naman sila saking dalawa. "B-Bakit?" tanong ko.
"Ikaw ang mag tanong kay Kaleb, please." deretsong sabi ni Nica at nag puppy eyes pa.
"Ay, ayoko alam niyo naman na laging mainit ang dugo namin sa isa't isa." pagtanggi ko.
"Sige na, para mabigay ko na 'tong mga invitation card sa kanila." pagmamakaawa pa ni Nica at inuuyog pa ako.
"Bakit hindi nalang kay Brennon? mukhang close naman sila e."
"Nag tanong na rin ako sakanya, ang sabi niya baka daw nasa company nila. Ang kaso hindi tayo pwedeng makapasok dun kung wala naman tayong appointment." si Chandria ang sumagot.
Napatingin naman ako kay Nica na nakanguso pa rin sa harap ko. "S-Sige na nga, pero kapag sinabi niyang hindi niya tayo tutulungan hindi ko na siya pipilitin ah."
"Pero H-Hope kailangan na nating maibigay kina Mr. Arevalo 'to e." ani Nica.
"Bahala na, basta bibigay ko nalang sakanya yan tapos siya na ang bahala mag bigay kina Mr. Creighton." inis kong sabi.
Nag apir naman silang dalawa.
Room.
"Sino siya?" tanong ko kay Nica, nagkibit balikat naman siya.
Ang inaasahan ko kasing teacher namin ngayong oras ay si Sir. Troy. Ganitong oras ang klase niya samin.
"Okay class for today ako muna ang pansamantala niyong teacher, wala si Sir Troy dahil may laban ang team niya ng soccer ngayon. Kasalukuyan silang nasa ibang school dahil doon ang event." pagsisimula niya. "Ako nga pala si Leo De Guzman, you can call me Sir Leo, I'm your teacher in Physical Education." nakangiti niyang sabi.
"Malapit na nga pala ang exam week 'no?" mahinang sabi ni Chandria dahil nag le-lecture si Sir Leo sa harap.
"Oo nga e hindi pa ako handa." sagot ni Nica.
Kahit ako e.
Habang nasa harap ang tingin ko ay napapansin kong panay ang sulyap ni Sir kay Patricia, ang president namin dito sa class room. Si Patricia naman ay umiiwas ng tingin sakanya.
Ano yon?
Tumunog na ang bell hudyat na break time na. "Tomorrow may oral recitation tayo, class dismissed." sabi ni Sir at tumingin kay Patricia. "Ms. Reyes sumunod ka sakin sa faculty may ibibigay akong reviewers para sa buong klase." aniya.
YOU ARE READING
THE ROSE AMONG THE THORNS
Teen FictionMiracle Hope is an ordinary girl with a simple life with her grandma. Not until she got into a prestigious school, and there she will meet the people who will change her life.