HOPE'S POV
Matapos nga ang nakaka imbyernang eksena kahapon, nagtaka si Lola kung bakit iba na daw ang suot kong damit.
Sinabi ko nalang na sobrang pawis dahil sa P.E naming subject. Buti nalang talaga pinahiram ako ng P.E shirt ni Casper, hindi ko pa dapat tatanggapin kaso wala akong choice dahil bumabakat ang grapes.
oo grapes lang dahil hindi naman malaki, charizz!
Kung hindi niya ako pinahiram,uuwi akong mukhang basa na basahan.
bwisit na mich yun!
Pero nakakapagtaka dahil hindi ba niya ako namukhaan? kasi sure ako na siya yung nakaaway namin sa School Supplies.
Nasan na din kaya si Nica, alam ko dito siya nag aaral e.
Hayaan na nga muna mamaya hanapin ko siya pag lunch time na, dahil vacant lang namin ngayon. Wala daw kasi kaming teacher ngayong oras na to kaya nagpunta muna ako dito sa garden, tsaka syempre iwas na rin sa mga bubuyog na walang ginawa kundi pag usapan ako.
May matataas na puno rito kaya napaka fresh ng hangin, at may magaganda rin na bulaklak.
Tsaka walang estudyante masyado dito.
Iilan lang din, mga nagbabasa pa ng libro.Maya maya pa tumunog ang cellphone ko.
"Hello po?" pag sagot ko dito "Hello this is Seraphina Gonzalez, from Seraphina's Coffee Shop." sagot naman ng nasa kabilang linya.
Teka Seraphina's Coffee Shop? Ito yung pinag applyan ko ah!
"H-hello Ma'am, t-tanggap po ba ako?" nauutal kong tanong. Kinakabahan ako, baka kasi hindi ako matanggap.
Gusto ko talagang mag trabaho habang nag aaral. Para kahit papaano may naitutulong ako kay Lola.
"Yes pasado naman itong requirements na ipinasa mo, pero kailangan mong magpunta muna sa office ko para makapag usap tayo ng maayos about dito sa cafe."
Tila nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko sa sinabing 'yon ni Ms. Seraphina.
Sa sobrang tuwa ko ay napatili pa ako.
"T-talaga po? sige po pupunta po ako after class, Thank you po." at binaba na nga ni Ms. Seraphina ang telepono.
Siguradong matutuwa ang lola ko nito.
"Alam mo bang may namamatay sa sobrang tuwa?" nagulat ako ng may biglang nag salita.
Eh? nasan yon?
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko wala namang tao.
"Dito sa taas." sabi pa niya ulit.
Pag tingin ko sa taas may tao nga!
Umatras ako ng konti sa pwesto ko dahil tatalon siya mula sa taas.
Pag baba niya sinamaan ko siya ng tingin dahil sa biglaan niyang pag talon.
Nakangisi pa siya nung nag landing siya sa harap ko.
Pero bago pa ako makapag salita napahinto ako saglit sa mukha niya.
May itsura 'tong bata na ito.
Oo bata, mukha siyang Junior Highschool.
Maputi, matangkad din siya, matangos ang ilong, makapal ang kilay.
ganda ng lahi!
"May dumi ba ako sa mukha?" nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya.
YOU ARE READING
THE ROSE AMONG THE THORNS
Teen FictionMiracle Hope is an ordinary girl with a simple life with her grandma. Not until she got into a prestigious school, and there she will meet the people who will change her life.