Chapter Fifthteen

3.3K 77 11
                                    

ADAM'S POV

"Tungkol saan ba ang meeting? may duty pa ako." sabi ko habang may hawak na kape.

"Pupunta si Tita Chana may sasabihin daw siya." si Damian ang sumagot.

Baka tungkol dun sa pumasok sa bago nilang bahay?

"Do you have idea kung sino ang mga yun?" tanong ko.

"Maybe it was her ex Husband." si Damon.

"May chance na siya nga, pero anak niya ang kasama ni Tita Chana." si Adan.

"Walang imposible sa taong halang ang bituka, kahit kamag anak nila, kaya nilang patayin basta para sa pera." makahulugang sabi ni Damian.

May point siya dun.

Nandito kami sa tinatawag naming hideout. Dito nagkakaroon ng meeting at dito rin nakatiago lahat ng armas na ginagamit ng Creighton.

Guns, Bombs at kung ano ano pang fighting weapons.

Why? Because We have other business, this is not ordinary business. We do underground transactions.

Our enemy calls us Mafia Brothers.

Ang pinaka panganay samin ang siyang tinatawag na leader or should I say the Mafia Boss. Wag kayo papalinlang sa looks niyan. He's a cold hearted man, as in he doesn't feel any affection towards other people. Kami nga lang ang kinakausap niyan na tinitignan niya sa mata. Pili lang ang taong tinitignan niya sa mata actually.

Next to him is Damian, he is also the second most hot-headed of the four of us. Tinuturing siyang kanang kamay ni Damon, yun kasi ang nasa last will ni Mom and Dad.

Pangatlo naman ay si Adan siya naman ang lubos na pinagkakatiwalaan pagdating sa Creighton Group of Companies, that's our normal business. He is also an Engineer.

Ako naman ang pinaka pogi sa aming lahat. I am Doctor Adam Creighton. I owned a Hospital as well, maniwala man kayo o sa hindi ay mga magulang namin ang nag bigay ng position na ito. 10 years old kami nang sabihin samin iyon nila Mom and Dad.

And lastly our princess Aneliyah at tungkulin namin ang proteksyonan siya pero nabigo kaming gawin yun. Hindi pa naman huli ang lahat, hahanapin namin siya kahit maubos ang yaman ng pamilya.

Pero malabong mangyari yon.

Kumatok ang isa naming tauhan, yumuko pa muna siya ng bahagya bago magsalita. "Nandito po si Miss Chana, Boss." aniya.

"Let her in." utos ni Adan.

Lumakad naman ito papuntang pinto at binuksan iyon.Bumungad samin si Tita Chana na may dalang laptop.

"Nakaka istorbo ba ako sainyo?" tanong niya.

"No, How's your daughter?" tanong ni Damon at nag salin ng alak sa baso.

"She's fine, nakalabas na siya ng hospital pero under monitoring pa rin. Baka daw kasi nagkaron siya ng trauma or anything." aniya.

"Iwasan niyo nalang banggitin sakanya ang mga nangyari. It can be incredibly distressing your daughter." ako.

Tumango naman siya sakin.

"So, ano nga pala ang sasabihin mo Tita?" tanong ni Damian.

Huminga ng malalim si Tita Chana bago buksan ang laptop na dala niya. May hinanap siyang files at binuksan ito. "Ito ang kopya ng cctv namin sa bahay nung gabing iyon." pagsisimula niya.

Kung sino man ang may pakana nun ay talagang gusto niyang patayin ang mag ina. 20 katao na puro naka itim ang nakita namin sa cctv, mag mula sa entrance ng village hanggang sa makapasok sila sa mismong bahay nila Tita Chana.

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now