Chapter Eighteen

3.2K 92 26
                                    

HOPE'S POV

Nagising ako sa tilaok ng manok ng aming kapitbahay "A-Ah." daing ko. Ang sakit ng ulo ko. Umaga na pala, at sobrang sakit nitong ulo ko. Tila hinahati sa dalawa.

Si Oa!

Paano nga pala ako nakauwi kagabi?

Ang naalala lang ay yung away namin nila Ava at Mich. Tapos, maagang natapos ang party dahil don.

Pero dahil nga maaga pa nag aya si Brent na mag punta kami sa bar na pagmamay ari ni Kaleb, hindi sana ako sasama kaso pinilit ako nila Chandria. Tinignan ko ang sarili, hindi na ako naka suot ng dress. Nakapang bahay na ako na damit.

Tumayo ako at nag puntang banyo, para mag hilamos at mag sipilyo. Bakit wala akong maalala? medyo naka inom din kasi ako kagabi. So nalasing ba ako? wala akong maalala! Pagtapos ko gawin ang ritwal ko sa banyo ay lumabas na ako ng kwarto at nag puntang kusina. "Good morning Lola." bati ko sakanya habang naghahain siya ng pagkain.

Hindi niya ako pinansin at nakasimangot lang. Pag upo ko nag lapag siya ng soup sa lamesa. "Humigop ka nitong sabaw." aniya sa malamig na tono.

Pinagmasdan ko lang si Lola hindi ginalaw ang binigay niyang pagkain. "M-May p-problema po ba?" tanong ko. Tumingin si Lola sakin at nag buntong hininga.

"Pinayagan kitang mag punta sa kasiyahan na yun Hope, nag sabi na rin sakin si Chana na iinom ka, pero  hindi ko alam na magpapasobra ka." pag uumpisa ni Lola.

"Alam mo naman na ayos lamang sakin, basta wag lang magpapa sobra. Kagabi nang iuwi ka ng mga kaibigan mo halos hindi kana makatayo ng maayos." napa angat ang ulo ko sa sinabing yun ni Lola.

"I-Inuwi nila ako?" taka kong tanong.

"Oo inuwi ka nila, dis oras ng gabi nabulabog ang mga kapitbahay dahil sa ingay mo. Ano ka ba naman Hope, alam mong hindi ka sanay sa pag inom bakit nagpa sobra ka?" galit na siya guys.

"At hindi kana nahiya, isinama mo pa dito ang may ari ng eskwelahang pinapasukan mo, diyos ko naman bata ka!" sigaw pa ni Lola.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niyang iyon, isinama ko dito? sino?

"Pero imposiblen-." napahinto ako sa pagsasalita nang maalala ko ang mga kabaliwan kong ginawa kagabi!

FLASHBACK

Naalimpungatan ako dahil gumagalaw ang hinihigaan ko, nakalutang ba ako? napahawak ako sa gilid ko at may nakapa akong braso. Inamoy ko pa ang damit ng taong 'to pamilyar sakin ang amoy ng kanyang pabango.

"K-Kaleb?" hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya. Kaya pala pakiramdam ko ay nakalutang ako dahil buhat buhat niya pala ako.

"Tss, just rest." sabi niya habang nakatingin sa daan.

Tumingin ako sa likuran niya nandun sila Chandria at Nica kasama sila Brennon at Brent pati na rin ang magkakapatid na Arevalo.

Lumapit sakin sila Chandria, at mukhang nag aalala. "I-Ihahatid kami ni Brennon ah, ikaw naman s-si K-Kaleb daw ang maghahatid sayo pauwi." aniya.

Kumunot ako noo ko at tumingin kay Kaleb na naka poker face habang buhat ako.

Napahinto siya ng gumalaw ako at nag pumilit bumaba sa bisig niya.

"W-What the, w-wag kang malikot! mahuhulog ka!" sigaw niya habang hirap na hirap akong hawakan.

"Wag mo nga siyang sigawan, bigay mo siya sakin at ako ang magbubuhat sakanya." sabi ni Yael at lalapit samin para kunin ako, napahinto siya dahil nakababa na ako ng tuluyan kay Kaleb.

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now