Chapter Thirteen

3K 88 9
                                    

HOPE'S POV

May sinag ng araw na tumama sa mismong mukha ko, umaga na pala.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko 8:30 na, babangon na sana ko nang bumukas ang pinto ko. Pag bukas nun bumungad sakin si Lola na may dalang tray ng pagkain.

"Kumusta ang pakiramdam mo apo?" tanong ni Lola habang nilalapag ang pagkain.

Medyo masakit pa rin ang lalamunan ko, pero hindi katulad nung unang gising ko kanina.

"Ayos naman na po ako, si Chandria ba pumasok?" ako.

"Oo, ayaw pa nga sana niya dahil gusto ka daw niyang alagaan. Sabi ko naman ako na ang bahala sayo, sayang naman kung mag aabsent siya." ani Lola.

"Dapat pala nagpa gising nalang ako sakanya." sabi ko.

"Sobrang taas ng lagnat mo kaninang umaga Hope, kaya hindi na rin kita pinagising sakanya. Kumain kana para maka inom ka ng gamot." si Lola.

Pagtapos ko kumain pupunta sana ako sa baba pero pinigilan ako ni Lola, magpahinga nalang daw muna ako. Baka daw sa sobrang pagod ko na 'to kaya ako nagkasakit.

Kaya andito pa rin ako sa kwarto hangang ngayon. Nag bukas ako ulit ng cellphone may mga text, karamihan ay kina Nica at Chandria. Pero ang naka agaw ng atensyon ko ay ang message ng Mama ni Ian.

Totoo ang sinasabi niya na iniiwasan ko siya, may dahilan naman ako kaya ko ginagawa yun.

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa storage room, kung saan kumukuha ako ng mga bread na iddisplay ko sa may bandang counter ng coffee shop. Special lahat ng bread and desserts dito dahil si Miss. Seraphina ang gumagawa mismo, minsan ko na rin itong natikman at sobrang sarap!

"Hope, may naghahanap sayo sa labas." sabi ni Jojo, isa sa mga kasamahan ko dito.

Napatingin naman ako sakanya at naka kunot ang noo. "Sino daw?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam e, wala namang sinabi basta gusto ka daw makausap."

Sino naman kaya yun? oras ng trabaho.

Tumango ako sakanya, at sabay kaming lumabas dala ang mga tinapay.

"Nasaan?" tanong ko muli.

"Ayun, sa pang limang table." turo niya sa babaeng nakatalikod sa gawi namin.

Binigay ko sakanya ang dala ko at nagpunta ako sa babae.

"Excuse me, gusto niyo daw 'ho ako makausap?" tanong ko.

Humarap siya sakin at ngumiti.

Eh? Mama ni Ian.

"Long time no see, Hope."

Medyo malaki din ang pinagbago niya, mas lalo siyang nagmukhang matapobre dahil sa postura niya.

Totoo naman na medyo hindi maganda ang ugali nitong Mama ni Ian.

"A-Ano 'ho ba ang kailangan niyo?" tanong ko.

"Maari ka ba na umupo muna hija?" aniya.

"Pasensya na po Mrs. Santiago pero kasi oras pa ng trabaho, baka pagalitan ako ng Boss ko." pagdadahilan ko.

"Hindi naman ito magtatagal, kung gusto mo babayaran ko bawat oras na maupo ka sa harap ko." kahit hindi niya ipahalata alam kong tunog sarcastic yun.

"Hindi naman po kailangan yun,mapapagalitan lang talaga ako dahil oras ng trabaho. Pero kung imporatante talaga yung sasabihin niyo, sige makikinig ako." sabi ko sabay upo.

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now