Chapter Ten

2.8K 74 8
                                    

HOPE'S POV

Sunday morning rain is falling~

Kahit hindi naman talaga umuulan! Sunday ngayon at day off ko sa trabaho at syempre SUNDAY IS FAMILY DAY! kaya aayain ko si Lola mag puntang mall.

Maaga akong bumangon para ako na rin ang magluto ng almusal. Gayun dun si Chandria pero naliligo pa muna siya. Habang nagluluto, hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari sakin kaninang madaling araw.

3:30 am saktong lumabas ako ng coffee shop, may mga naiwan pa ngang gawain dun pero sabi ni Miss Seraphina siya na daw ang magtatapos. Pag labas ko naglakad lakad ako para makakita ng pwedeng sakyan na tricycle, pero hindi pa ako nakakalayo sa shop  nang may maramdaman akong  nasunod sakin. Akala ko nung una nagkakamali lang ako, pero tuwing hihinto ako sa paglalakad ay hihinto din siya.

Binilisan ko ang paglakad ko hindi ako lumilingon dahil baka bigla nalang akong saksakin o ano.

Oa kasi ako.

Pagdating ko sa highway  sumakay ako agad ng tricycle papunta samin, dun nawala ang  sumusunod sakin kaya napanatag ako.

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Lola sa likuran ko.

"Ang aga mo naman magising apo?"

Ngumiti ako sakanya ng pagkalaki bago magsalita "Linggo kasi ngayon Lola, wala po akong pasok sa school at wala rin akong pasok mamaya sa trabaho."

Kumuha ako ng tasa at ipagtitimpla ko siya ng kape.

"Edi maganda, para makapagpahinga ka." sagot ni Lola.

"Eh Lola sunday ngayon e." dinidiin ko talaga sakanya na sunday ngayon!

Nagtaka naman siya inaasta ko. "Oo nga sunday, linggo ano naman?"

Hindi niya gets.

"'Sunday is family day, kaya labas naman tayo." nakangiti kong sabi.

"Sige, punta tayo ng palengke may gusto din akong bilhin e." palengke?

"Lola pumasyal tayo ang ibig kong sabihin, anong palengke ka dyan."

"Saan naman tayo pupunta e gastos lang naman yan."

Ayun  alam niyo na kung kanino ko namana ang pagiging kuripot.

"Minsan lang naman 'to Lola e." nakanguso kong sabi.

"Saan mo ba gusto mag punta?" tanong niya pagtapos sumimsim ng kape.

"Punta tayong mall! medyo matagal na din kasi nung huli nating punta dun e."

"M-mall?" tumango tango naman ako sakanya.

"Ayaw mo ba na dito nalang sa bahay? pag nagpunta tayo ng m-mall gastos lang yan apo." dagdag pa ni Lola.

"Minsan lang naman tsaka isasama natin si Chandria, para mabawasan yung bigat na dinadala niya." lagi kasi siyang umiiyak, naabutan ko pa siyang naiyak kaninang madaling araw.

Matagal bago sumagot si Lola pero nung nakita niya akong nakanguso, tumango siya.

"Yes!" napasigaw ako.

"Basta saglit lang tayo alam mo namang lamigin ako."

"Opo!"

Maya maya pa bumaba na din si Chandria na bagong ligo. 

"G-good morning po." bati niya kay Lola at ngumiti naman siya sakin.

"Magandang umaga, halika na dito at maupo para makakain kana." pag aya ni Lola sakanya.

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now