HOPE'S POV
Alam niyo ba na isa sa mga pinaka ayaw ko sa lahat e yung mga taong sila na nga may kasalanan, sila pa yung matapang?
Tulad nitong si Mich at mga kasama niya. Nandito na kami sa D.O at kaharap si Dean na hindi maipinta ang mukha.
Galit siya guys.
"But, Dean totoo po ang sinasabi ko wala kaming alam dyan." pag deny ni Mich at tumingin samin ng masama.
Isa isa niya kaming tinignan ni Dean bago mag salita.
"Explain everything to me." si Dean.
Nakayuko lang ako dahil natatakot akong makarating kay Lola 'to.
Pingot malala hopya!
Magkakaharap kami ngayon nila Mich at yung apat niyang alalay. Yung dalawang lalaki ang sama rin ng tingin sakin.
Magkakatabi naman kami nila Chandria at nasa gitna namin si Nica.
"Simulan natin sayo ulit Ms. Veron, anong nangyari at bakit ganyan ang itsura mo." tanong ni Dean kay Nica, kahit kasi nilinisan namin ang mukha niya e yung damit niya naman sobrang dumi.
Pagtingin ko sa gilid ng Office nandito sina Kaleb at mga kaibigan niya. Gayun din ang tatlong itlog na sina Jared, Casper at Liam. Hindi naman sila involve bat nandito sila?
Makikichismis
Nakatingin lang sila sakin. Bakit sakin? Baka akala nila ako ang may kasalanan.
"Naglalakad po ako nun papuntang library ng bigla pong may humawak sa magkabilang braso ko, nagpumiglas po ako pero sadyang malakas sila" napalingon ako kay Nica ng magsalita siya.
"At sure po ako na sila pong dalawa yun narinig ko na po ang boses nila." turo niya dun sa dalawang unggoy.
"K-kinulong po nila ako sa C.R ng boys Dean." dun na siya nagsimulang umiyak.
"Itinali pa nila ako sa upuan, at sinaktan" hinagod naman ni Chandria ang likod niya.
Kaya pala may sugat siya sa labi.
"At kayo naman Ms. Benitez, why did you do that?"
"Kasalanan niya yun Dean dahil ayaw niyang tigilan ang kapatid ko."
Edi umamin ka rin? Deny deny pa kanina aamin din naman.
Tsaka hanggang ngayon yan pa din ang issue niya?
Move on din! wow? big word!
Tumingin pa ako sa direksyon nila Casper, ex-girlfriend niya si Mich ano kayang nararamdaman niya ngayon.
"Masyadong mababaw ang dahilan mo Ms. Benitez, hindi mo alam kung anong pwede mangyari kay Ms.Veron sa loob ng banyo. Maari siyang masuffocate sa ginawa ninyo." pangaral ni Dean sakanya pero parang hindi niya naman ito inintindi.
"P-pero Dean kami rin sinaktan." agaw pansin ng isang lalaki na kasama nila. Nilipat niya ang tingin niya sakin bago magsalita. "Yan! 'yang babae na yan ang nanakit samin Dean." duro niya sakin habang nagsusumbong.
Tumingin sakin si Dean. "Is that true Ms. Mendes?" dahan dahan akong tumango.
"D-Dean tinulungan lang po namin si Nica makalabas dahil nga po nakalock siya sa C.R ng boys at sila pong dalawa ang nakabantay dun. Sila pa nga po yung unang mananakit kay Hope, kaya self defense lang ang ginawa niya" si Chandria naman ang nagsalita. "Hope asked you twice, pero hindi kayo nakinig, ayaw niyo kaming papasukin." baling niya sa dalawa.
YOU ARE READING
THE ROSE AMONG THE THORNS
Teen FictionMiracle Hope is an ordinary girl with a simple life with her grandma. Not until she got into a prestigious school, and there she will meet the people who will change her life.