Chapter Seven

2.9K 70 10
                                    

HOPE'S POV

Sanay naman ako mag linis dahil sa bahay tulungan kami ni Lola. Pero kahit kailan hindi ko pinangarap mag linis ng banyo ng iba, lalo na kung andaming gumagamit nito.

Nandito na ako ngayon sa C.R ng boys tulad ng utos ni Dean, pero hindi ko inaasahang ganito ang madadatnan ko. Upos ng sigarilyo, balat ng candy at kung ano ano pang mga bagay na hindi naman dapat nandito sa C.R. 

"May basurahan naman siguro sa mga bahay nila bakit hindi sila marunong mag tapon sa tamang tapunan." pag kausap ko pa sa sarili ko. Ngayon ramdam ko na kung gaano kahirap ang trabaho noon ni Lolo.

Lolo send help!

"Aware ka ba na para kang baliw dyan?" napatingin ako sa pinto ng may mag salita.

"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa nakatayong si Kaleb.

"Tss, ano bang dapat ginagawa sa C.R.?" pabalang niyang sagot.

Pinipikon nanaman ako neto e.

"Aba malamang nandito ako, alangan naman umihi ka  habang nandi-" hindi natapos ang pagsasalita ko ng marealize ko agad ang mga sinasabi ko.

Lalo  pa akong natigilan ng makita ko siyang ngumiti.

At bakit ka natigilan? anong meron sa ngiti niya???

Nang makita niya akong  nakatingin sakanya bigla siyang  nag poker face ulit. "W-what?."

"P-Pwede ba? sa ibang floor ka nalang m-mag C.R" bulyaw ko sakanya pinilit kong hindi mautal.

"Tsaka hindi mo ba nakikita yan? CAUTION WET  FLOOR laki laki hindi binabasa." turo ko sa signage na nasa gilid. 

"Pag magkausap tayo andami dami mo palaging sinasabi, napakaingay." sabi pa niya.

Sino kayang nagpunta dito para lang mang bwisit?

"Umalis ka, kung ayaw mo ng maingay edi wag mo akong kausapin!"

"Hey, what's the commotion here?"

Nahinto kami sa pagbabangayan dahil may dumating na lalaking may hawak na kape.

Starbucks pa beh!

Mukha siyang mas matanda samin, matangkad,medyo you know ang katawan batak,maputi rin siya,matangos ang ilong.

Parang nakita ko na siya somewhere e?

"What do you need Adam?" bored na tanong ni Kaleb.

"Nothing I'm just roaming around, then I saw you with this girl." tumingin siya sakin "Hi" sabi nito.

Tumango nalang ako sakanya at bumalik sa paglilinis.

"Hindi ko alam na ganyan na pala ang gusto mo ngayon pagdating sa babae? dirty look." nagpantig ang tenga ko!

DIRTY LOOK DAW?

"Hoy Mister sino ka man! anong sinabi mo? d-dirty l-look? gusto mo ingudngod kita dito para malaman mo kung ano ang dirty sa hindi?" galit kong tanong sakanya.

Alam kong dirty ang hawak ko dahil pambomba 'to ng bowl, pero ako sasabihan ng dirty look? ha pakyu!

Tumawa naman ito ng malakas bago magsalita "I like you HAHAHA binibiro ko lang naman si Kaleb."

Mukha mo I like you!

"Aba e dun kayo magbiruan! nakakaistorbo kayo." sigaw ko pa sakanila.

THE ROSE AMONG THE THORNSWhere stories live. Discover now