HOPE'S POV
"Bakit may mga dala kang gamit?" bungad ko kay Chandria ng makita ko ang mga maleta niya sa likod ng kotse nila.
Nag layas siya?
"E-eh kasi naisip ko pag nakausap ko si Tito Wade at alam niya kung nasan si mommy, magpapahatid na ako sakanya papunta don." nakangiti niyang sagot.
Tumango tango naman ako sakanya.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasang mapangiti sa inaasta ni Chandria, napakalaki din kasi ng ngiti niya siguro dahil makikita niya na ang mommy niya.
Huminto ang driver nila sa isang village at bumaba para kausapin ang mga guard. Maya maya bumalik din ito sa loob. "Ms. Chandria kausapin daw 'ho kayo ng bantay, wala po kasing sticker ng village itong sasakyan natin." sabi niya kay Chandria.
Iba talaga kapag pumasok ka sa isang village 'no? sa gate palang andami ng kailangan para lang makapasok.
Paano pala kung natatae na yung tao tapos may pupuntahan lang siya dito andami nilang hinihingi, edi na igit dabarkads siya dito.
Dugyot mo Hopya!
Sumilip si Chandria sa bintana ng kotse para makausap ang guard.
"Magandang umaga mga Ma'am, saan po ba ang punta niyo?" tanong ni kuya guard.
"Pupunta po kami sa Miller's residence, Tito ko po si Wade Miller."
"Sige Ma'am, pero pwede 'ho 'bang makahiram ng id niyo saglit?" binigay naman ni Chandria ang school id niya.
Handa din siya.
Pagtapos non ay binalik din agad sakanya at pinapasok na kami. Pagtapat naman sa isang malaking bahay, ay nag aya na bumaba si Chandria.
Malaki ang bahay ng Tito niya may mga sasakyan pa sa labas. Halatang may sinasabi sa buhay.
Nag door bell naman si Chandria pagkalapit namin sa gate, pero walang lumalabas. Hanggang sa naka ilang pindot na siya wala pa rin.
"Tao po!" sigaw ko.
Napatingin naman sakin si Chandria. "H-hope bawal ang maingay dito." taka ko naman siyang tinignan.
"Hindi kasi nila marinig ang pag door bell mo baka etong sigaw ko marinig nila. "Tao po!" mas malakas na sigaw ko.
Anong purpose ng door bell nila? display?
May nakita akong dumungaw sa bintana.
"May tao naman bakit ayaw nila tayong labasin?" ako.
Parang bet ko ngayon batuhin 'tong bahay ng Tito ni Chandria, halos malaglag na kasi ang lalamunan ko kakasigaw ng "tao po" walang lumalabas, may tao naman sa loob.
Hindi nga lang kami pinansin.
Maya maya pa may nag bukas ng pinto, isang may edad na babae. Nakataas ang kilay at nakakunot ang noo.
Lumapit siya samin at binuksan ang gate. "Ano ba ang ginagawa mo dito Chandria? ang aga mo namang mambulabog." bungad niya.
"T-tita, gusto ko po sana makausap si Tito Wade."
"At ano naman ang kailangan mo sa asawa ko?" mataray niyang tanong.
Kung ano ang tatanungin itong Tita ni Chandria yung tipo na relatives na hindi mo gugustuhin maging kamag-anak.
"S-si Mommy kasi hindi ko po alam kung nasaan, baka po may alam si Tito kung saan pwede mag punta si Mommy."
"Alam mo Chandria, hindi na ako magtataka kung may iba nanamang kinakasama ang nanay mo tsaka walang alam ang Tito mo kung nasaang lupalop 'yang ina mo kaya umalis na kayo." malakas na sabi niya dahilan para lingunin kami ng mga taong nadaan.
YOU ARE READING
THE ROSE AMONG THE THORNS
Teen FictionMiracle Hope is an ordinary girl with a simple life with her grandma. Not until she got into a prestigious school, and there she will meet the people who will change her life.