HOPE'S POV
Mahal mahalan mode on! kanina ko pa pinagmamasdan ang mga kapwa ko estudyante na sumasayaw sa gitna.
Feel na feel nila ang pagsasayaw habang tinutugtog ang kantang I Knew I Loved You ng bandang Savage Garden.
"Hey beautiful, wanna dance?" biglang alok sakin ni Yael, halos hindi ko siya makilala. Well palagi naman siyang pogi, iba lang talaga ngayon. Rinig ko ang impit na kilig nila Nica at Chandria sa tabi ko.
Inabot niya sakin ang isa niyang kamay, kinuha ko naman yun at tumayo. "Sure, sino ba naman ako para tumanggi 'diba." bago kami mag punta sa gitna narinig ko ang sinabi ni Mr. Adam sa gilid namin.
"One point for Yael." malakas na aniya.
Ano daw? one point? hindi nalang namin iyon pinansin at deretsong lumakad. Medyo malapit kami sa stage kaya rinig talaga ang music.
Nakahawak sa bewang ko si Yael, ang kamay ko naman ay nakapatong sa dalawa niyang balikat. Habang sumasayaw ay nakatitig lang siya sakin at nakangiti.
High ba siya?
"You know what? hindi ko alam na may igaganda ka pa." ani niya.
Medyo natawa naman ako sakanya. "Alam mo parehong pareho kayo nung dalawang unggoy na yun." turo ko kay Liam at Casper na nakatingin samin. "Pareho kayong mga bolero." dagdag ko na ikinatawa naman niya.
"It's true Hope, naka ayos ka man o hindi napaka ganda mo." sobrang ganda din ng ngiti niya!
"Ikaw din, napaka gwapo mo Mr. Presi." kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko, dahilan para matawa ako.
"What's Presi?" tanong niya.
"Mr. President." sagot ko sakanya.
Nag ahh reaction naman siya.
Pogi pero slow
There's just no rhyme or reason
Only the sense of completion
And in your eyes
I see the missing pieces I'm searching for
I think I've found my way home
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe
"H-Hope? may gusto sana akong sabihin sayo." biglang sabi ng seryosong si Yael.
Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa tono ng kanyang boses. "A-Ano yon?" ako.
"I-I h-have jskliekrj you." napatakip ako ng tenga ng biglang lumakas ang music.
Anak ng!
Maya maya lang bumalik iyon sa normal nitong tunog.
Tumingin ako kay Yael na masama ang tingin sa stage kung nasaan ang dj na nagkokontrol ng music. "H-Hoy bakit ang sama mo naman makatingin dun? baka napindot lang." ako.
"Y-Yeah." sagot niya.
"Ano nga ulit yung sinasabi mo?"
Malalim na hininga ang pinakawalan niya bago mag salita muli. "I-I h-have fjdkdk you." hindi ko nanaman siya naintindihan dahil lumakas muli ang music!
Pero pilit ko siyang pinakinggan. "A-Ano? lakasan mo nalang!" sigaw ko sakanya.
"I have feejshs you!" sigaw niya rin.
YOU ARE READING
THE ROSE AMONG THE THORNS
Teen FictionMiracle Hope is an ordinary girl with a simple life with her grandma. Not until she got into a prestigious school, and there she will meet the people who will change her life.