HOPE'S POV
Ako puyat? Hindi! puyat na puyat oo!
At ang matindi pa nito may pasok na kami ni Chandria.
Well kasalanan ko naman dahil buong gabi ko lang naman inisip si Kaleb at naiinis ako dahil hanggang ngayon na kumakain ako ay hindi siya mawala sa isip ko.
"Bakit ba ang aga aga naka sayad na 'yang nguso mo sa lupa?" puna sakin ni Lola.
"K-Kulang lang po sa tulog." sagot ko naman.
"S-sorry Hope, baka hindi ka sanay na may katabi." si Chandria.
Umiling naman ako habang may subong kutsara, tinanggal ko ito bago mag salita. "May iniisip kasi ako kaya ayun napuyat."
"Sino naman ang naiisip mo at talagang pinagpuyatan mo?" sabi ni Lola at parang nanunukso.
"A-anong sino po? hindi naman tao ang iniisip ko." depensa ko naman.
"Osige sabi mo e." nakangiti pa rin na sabi ni Lola.
Hindi ko na muna inisip ang nangyari kahapon, baka mahuli pa kami sa klase ni Chandria. Nakabihis naman na kami nang mag almusal kaya aalis na kami pagtapos.
"Wag kakalimutan ang gamot Lola ah?" paalala ko pa bago kami lumabas ni Chandria.
"Oo apo, ano ka ba e halos araw araw mo chinicheck ang lagayan ko ng gamot." si Lola.
"Baka maglampas kayo, nga po pala hanggang ngayong week nalang yung gamot mo kaya bibili na ako mamaya, okay?" saka ako humalik sa pisngi niya.
Palabas na kami ni Chandria nang mapansin kong palinga linga siya at parang may inaantay. Ah alam ko na yung driver niya siguro. Hinayaan ko nalang siya dahil ayoko din mag tricycle papuntang schoool lalo na at kasama ko siya makikita nilang lalabas siya sa tricycle dadami nanaman ang mga bubuyog. Pumikit ako sa isang gilid habang nakaupo,sobrang inaantok pa talaga ako!
Ilang minuto lang rin nang may huminto na kotse sa harap namin, parang iba 'to ah "Let's go Hope." aya niya. Tumayo naman ako para sumakay.
Sa harap naupo si Chandria hindi ko alam kung bakit, medyo nakapikit akong sumakay sa kotse. Maya maya naramdaman kong umandar na ang sasakyan. Isinandal ko ang batok ko sa upuan habang nakapikit pa rin. Gusto ko matulog ng mahaba pero hindi pwede.
"Bakit parang puyat ka Hope?" tanong ni kuya driver, kaboses niya pala niya si Brennon pag nakapikit ako?
"Medyo po, may iiniisip lang." sagot ko naman.
"Ano namang inisip mo?"
"Yan! ganyan ang tanong hindi yung SINO NAMAN ANG INIISIP MO? korni, pero ang totoo niyan kuya Miguel tao ang iniisip ko! gusto ko siyang dagukan kahit isang beses lang!"
"Ano namang pangalan niyan?" tanong pa ni kuya Miguel.
Sasabihin ko ba? hindi niya naman kilala si ano e.
"Chismoso rin po pala kayo 'no." biro ko sakanya.
"I'm just curious." umenglish pa?
Sasabihin ko na sana ang pangalan niya nang may maramdaman akong huminga sa balikat ko, tumingin ako dito at tila nawala ang antok ko.
"Aaaah! a-anong g-ginagawa mo d-dito?" sigaw ko kay Kaleb.
"Why the hell are you shouting?" iritado niyang tanong.
"K-kailan ka pa dyan?"
"Are you serious? I've probably been here since you entered, what did you expect nag teleport ako?"
YOU ARE READING
THE ROSE AMONG THE THORNS
Teen FictionMiracle Hope is an ordinary girl with a simple life with her grandma. Not until she got into a prestigious school, and there she will meet the people who will change her life.