11 // LOVE OR LUST

20.9K 728 221
                                    


France POV

"Respect is the most important, Miss Saaverda, you should always remember that."

Napatiim bagang ako ng maalala ang sinabing iyon ng Dean na siyang mommy ko.

Nagsimula akong humarap dito kasama ang ilan sa matataas na opisyales ng paaralang ito just to convince them na simulang hindi tumanggap ng third sex sa paaralang ito sa mga susunod na taon.

I even explained to them na imahe ng paaralan ang mag sa suffer pag tuluyang dunami ang mga ito. That they are a bad influence to other students here, dahil ayon sa pag aaral ko patungkol sa third sex ay para itong sakit na nakakahawa. If you are surrounded by them ay maaari ka naring maging isa sa kanila.

I explain to them sa lahat ng aspeto. Ginamitan ko ng acedemic explanation, Scientifically, Morality, Reality and Facts. Pinaghandaan ko yun ng mabuti, I made sure na walang butas silang masisilip pero sa lahat ng sinabi ko ayun lang ang isasagot sa akin??!

Kawalan ba ng respect ang magsabi ka ng totoo sa kapwa mo na kung mali ay mali??

Halos lahat ng naroon sa meeting ay hindi nag agree!!!

They even said na ikapapahamak daw iyon ng University, maari daw maging imahe ng paaralan ay Diskriminasyon!

Hindi ako titigil hanggat hindi na aaprubahan iyon. Gusto ko bago ko manahin at hawakan ang paaralang ito pagdating ng araw ay maayos at malinis na ito kaya habang naririto pa ako, sisiguraduhin ko na mailathala ang rules na iyon just before I graduate. Determinado kong wika sa isip.

Nakakadisappoint talaga at nakakainis.

Sa sobrang inis ko nga ng may masalubong akong dalawang baklang Freshman kanina na napaka iingay at haharot ay pinahiya ko sila, Pinatawan ko pa ng punishment, pinaglinis ko ng CR ng building nila na gagawin nila bukas na bukas din dahil sa pag iingay nila doon sa garden habang may iilang nakaupo sa damo na nagbabasa ng Libro at ilan pang mukhang nagpapahinga.

That's why I hate them mga wala kaseng hiya at modo!

Wala silang angal at magawa. Presidente ako ng Campus na ito! Am I over using my power at sumosobra na ako?? Well because I am freakingly Mad at my own Mother!!!

Bigo akong naglalakad na ngayon dito sa hallway.

Napatingin pa ako sa dalawang taong nakasalubong sa hallway na ito na hindi manlang ako mapansin dahil sa pag uusap ng masinsinan habang naglalakad, nasundan ko pa sila ng tingin.

It's the Queen bee Gail and Lindon Avilla.

That Queen bee, bukod dun sa Janiah ay ito pa ang isa kong nakikitang matino pa ang isip. Sayang ito, she should stop being with the other Queen bee dahil baka dumating ang oras ay mahawa rin ito.

Ngayon ay meron pa itong boyfriend... No erase that! Fling pala.

Medyo may pagka playgirl din kase ito, ayon lang iyon sa tingin ko sa kanya ahh, puro lang kase siya fling at hindi nalang makipagrelasyon ng matino.

And those guys na pumapayag sa set up nito ay parang mga baliw.

Kasama na yung Lindon na iyon na kung hindi nyo alam ay pinsan ko!! He is my third cousin, magpinsan ang mga nanay namin.

Medyo naiinis nga ako dito eh, pinabababa niya yung image niya for agreeing to that Queen bees set up.

Fling?? Nako talaga kung wala lang sakit ang pinsan kong ito ay baka inuntog ko na ito!

On the second thought! Why not??? Baka sakaling bumalik na yung ala-ala niya.

Pumihit na ako para magpatuloy sa paglalakad para lang matigilan ulit. Bumungad sa akin ang isa pang napaka gandang babae na naglalakad din pasunod kina Gail at Lindon.

THE FALLING OF THE HOMOPHOBIC QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon