Sorry po natagalan 😌 ..
Salamat sa nag aabang parin nitong update ko 😁 ..Sa votes din and comments and sa follow .. salamat ng madami ..
_________________
France POV"What happened?? bakit tumigil?" I asked Denzel beside me inside this bus.
Kakaandar palamang ng bus mula sa napakatagal naming paghihintay na umalis ito dahil nagpupuno pa ng pasahero at kung kelan nagsisimula ng umandar ang sasakyan ay muli nanaman itong huminto sa hindi namin malamang dahilan.
I look outside the window at ganun din naman si Denzel ngunit wala naman kaming nakitang aberyang nangyayare.
"Ahh miss puno na po eh."
Napatingin ang lahat sa konduktor ng tila may kausap ito habang nakaharap sa labas ng pintuan.
Hindi namin nakikita kung sino man iyon dahil nasa driver side kami nakaupo ng bus if only we're sitting on the other side ay makikita namin sana mula sa bintana.
"Mukhang may humahabol sumakay ah."
Napairap ako ng marinig iyon kay Denzel.
Tssss... Kung kelan gusto ko ng makaalis sa lugar na ito saka naman andaming aberya! Gosh, I don't wanna go back to that place! Paalisin nyo na po ako dito!
"Miss wala na po kayong mauupuan."
Muling sabi ng konduktor kaya naman napipikong napapikit nalamang ako at walang magawang napasandal sa sandalan ng upuan.
"Saglit lang po manong may hahanapin lang po ako."
Ganun nalang ang pagtibok ng puso ko at mabilis na napadilat when I heard the familiar voice.
Then I saw the woman standing in front while looking around inside this bus.
Natahimik ang lahat sa sasakyan sa nakikitang magandang babaeng nasa harap nila ngunit tila mas doble ang nararamdaman ko kesa sa mga ito.
Hindi ko maawat ang pagwawala ng puso ko habang nakatingin sa bulto niya.
What is she doing here??
Is she trying to chase me?? At kung sakali man, paano niya nalaman ang pag alis ko ng biglaan kasama si Denzel??
Hindi nagtagal ay napabaling ang tingin nito sa inuupuan namin ni Denzel.
At di ko alam kung tama ba ako ng nakitang rumehistrong sakit sa mata nito sa nakita, saglit kaming nagkatitigan at ang ekpresyon kong gulat ay pinilit kong palitan ng galit.
Galit sa lahat ng nasaksihan kanina...
What is she doing here anyway??!!
Her eyes full of hurt and confusion and that look turned into dim expression before she start to walk towards my direction whike remaining her eyes on me.
"Going home??" She asked sarcastically.
Inis na tumingala ako sa bulto nitong nakatayo sa tapat ng inuupuan namin ni Denzel. "And so?" Mataray kong sagot.
Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako ng matagal.
"Like C'mon! Nakakaabala ka na Serrano, bumalik kana dun."
"And you are going with me!" She said.
Hindi agad ako nakasagot ng bigla nalang akong hawakan nito sa kamay at hinatak, na mabilis naman na inawat ni Denzel.
"Hey Miss Kkean, ayaw niyang sumama. Ano bang nangyaya--"
"Wala kang alam dito Denzel so you better shut up!" She said stopping Denzel on his words bago muling bumaling sa akin. "You'll go with me or sasabihin ko dito na meron akong karapatan na hindi ka paalisin?"
BINABASA MO ANG
THE FALLING OF THE HOMOPHOBIC QUEEN
Storie d'amore"Kadiri kahit kelan!!" I whispered while looking at the two girls making out at the hallway of this bar. And heller! This is a high class bar na nagiging cheap dahil sa ginagawa ng mga ito sa gilid ng hallway. "Hey!! Stop it find a cheap motel you...