10 // FOUR HOURS

20.3K 771 363
                                    

Khean POV

"Uy bilisan nyo naman!! Magsisimula na yung concert ng Likha band!" Pagmamadali ko sa mga kaibigan ko.

"Huwag atat Khi masisilayan mo din yung idol mo saglit nalang!" Sagot ni Janiah.

"Gail???" I asked ng makita kong tumayo na ito, tila wala itong balak sumama sa amin.

"Ahm... I can't come with you guys today may kailangan lang akong puntahan."

"Nanaman??!!" Janiah.

Napangiwi na lamang si Gail.

"Ano ba yang pinagkaka abalahan mo??" Aliyah asked.

"B-basta Ali sasabihin ko rin sa inyo."

"We'll wait Gail, sige na gora kana mag iingat ka!" Wika ko nalang dito para hindi na masyadong ma hot seat ng mga kaibigan ko.

I feel something na meron siyang ginagawa na hindi pa niya masabi sa amin and I can actually relate to her.

She smiled before she waved a goodbye at tuluyan ng umalis.

Naglakad na kaming magkakaibigan patungo sa gym nitong school namin kung saan ginanap ang University Concert ng isa sa paborito kong bandang Likha, crush ko kase yung vocalist nun! Si Andrei Guapo, totoo yun yung apilyido niya ahh...

Nang makarating ay napakarami ng tao at halos mapuno na ang malaki naming gym, may taga ibang Univ kaseng dumayo pa.

Pumwesto kami sa medyo malapit sa improvised stage, buti nalang talaga may ilang students na sinadyang ipag reserve kami ng upuan.

At nang nagsisimula na yung banda, dun palang sa part sa Intro kung saan pinaiiyak ni Andrei my love yung gitara ay nagsimula na akong magtititili sa kilig.

Shete ang galing niya kase. Bukod sa pagiging vocalist ay isa rin ito sa lead guitarist!

Deym! He's so hooottt and cool!!

"Anndddrreeeiiii! I LOVE YOU!!" Sigaw ko kasabay ng sigawan din ng ibang kababaihan.

"Hoy Khi kumalma ka nga! Mahimatay ka diyan!" Saway sa akin ni Janiah.

"Nabibingi kami sayo Khean ahh." Tawa ni Marlan while Aliyah ay tinarayan ako.

"Please Khi, remember you're a queen bee." Irap pa nito.

Ngunit hindi ko sila pinansin. Di ko kaya kumalma. Not now! When Andrei is on stage.

"ANDREI MARRYYY MEEE!!!" fangirl na fangirl diba?? Pwes ganyan ako pag usaping banda.

Hindi ako mahilig sa K-pop at lalong wala akong hilig sa Tiktok na siyang uso ngayon! Ang lahat ng search history ko sa social media ay puro may kinalaman sa Music and Banda! I just really love music kaya ko nga pinasok ang pagbabanda eh.

Anyways, kumakanta na si Andrei, kaya ito ako, lalong lumakas ang pagpapahayag ng pagkacrush ko sa kanya hanggang sa hindi na nakatiis ang katabi ng katabi ko.

Nasa kabilang side ko kase mga kaibigan ko ehh... at dito sa kabilang side ko.... si Zairel pala to? Tapos katabi niya si France at sa kanilang dalawa si France pa talaga yung nagalit sa pagsigaw sigaw ko dito ah.

"Bu*ls**t ka!! kanina kapa tumigil ka nga!!"

Gulat tuloy akong napatingin dito. "Nangmumura ka??!"

THE FALLING OF THE HOMOPHOBIC QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon