Matthew's POV
Naabutan namin sa bandang unahan ng tulay ay ang mga grupo ng kabataan na mga hangang 23 at may pinapalibutan sila, or more like pinoprotektahang mga 5 sibilyan mula sa mga halimaw. Kaya agad kaming nag alok ng tulong sa mga ito.
Pumwesto kami sa bandang harapan, at nasa hulihan pa kami ng tulay kaya malayo layo pa ang aming tatahakin para makatawid.
Mga esper pala ang 18 sa kanila at ang natitira ay pinapwesto nila sa gitna dahil mga sibilyang walang kakayahan ang mga ito.
" Wizard ka pala,alam mo bang isang Anti Magic Squad ang babaeng kasama mo kanina, sya ang tinatawag na rainbow maiden." paglalahad sa akin ng nagngangalang Dash.
" Talaga, may ganoon palang grupo dito sa Galacia?"
" Actually, special forces ito ng mga Keepers. Dapat nga ay kanina pa nakarating ang mga membro nito pero hindi pa hanggang ngayon. Siguro naipit din sila sa laban." at yumuko si Dash at hinawakan ang harapan ng kotse na nadaanan namin at naging bakal ang balat nya.
"Woahh! Bro! Astig!" namamangha kong saad.
" Matter absorption ang ability ko." matapang na sabi nya.
" Guys! sa harap nyo.!"
Shit nasa harap na pala namin ang anim na mga shadow fiend kaya agad kaming tumigil sa paglalakad at nag fucos sa pakikipaglaban.
Nagpakawala ng mga liwanag si Kira at ginawang harang ito sa mga sibilyan. Ang iba naman ay nagpakawala din ng kani kanilang kapangyarihan. Ang isa sa kanila ay naging malaking uso at pinag ngangat ngat ang mga halimaw.
Syempre, di ako padadaig,inilabas ko ang Flummen Stellarum na latigo ko at humaba ito na parang kidlat .
" Open! Gate of the Twin, Gemini!" at lumitaw ang dalaang bata sa harap ko. Bata ang itsura nina Gemini, isang lalaki at babae . May nakapalibot sa kanilang mga rings at ang kapangyarihan nila ay gayahin ang itsura at pati kapangyarihan kasama na ang iniisip ng ginaya nito.\
" Gemini, gayahin mo si Kira! " utos ko sa kanila.
" Peepep! Yepep! Master!" sabay na sbi nung dalawa.
Sa isang iglap lang ay naging si Kira si Gemini. Nabigla ang lahat ng nakakita pati narin si Kira.
" Anong gusto mong gawin ko Master.. Peepep! " kaboses nga nya!
(A/N: PEEPEP ay isa sa mga salitang sinasabi nina Gemini sa bawat huli o umpisa ng salita nila.)
" Atakihin ang mga Shadow Fiends!" at nag umpisang nagpakawala ng mga ataki si Gemini.
At sunod sunod ang pagsabog sa amin. Tumalon ako at sinimulang iwisawis ang latigo ko at nakatama ako ng dalawa na siya namang may umataki sa tagiliran ko pero may sumalag na liwanag sa akin. Si Kira.
(Sa gitnang bahagi ng Tulay)
------------------------------------------------
Rinig na rinig nina Vane ang mga malalakas na pagsabog sa bandang unahan kung saan sila dumaan kanila. "May labanan banda dun!"sabay turo ni Eva.
" Baka may mga survivors. Tulungan natin." Ang sabi ni Vane ng lumingon sya sa pinanggalingan ng pagsabog. Gumawa agad ng warp si Vane at naglaho sila papunta sa pinangalingan ng laban. Laking gulat nila ng nasa gitna sila ng paramng battlefield. Espers versus monsters, napahiwalay agad sila sa isat-isa ng may pa landing na halimaw na galing sa itaas ng tulay.
" Andyan lang pala kayo sa taas" maangas na sigaw ni Eva at nilabas nya ang dalawang blasters nya. " Combined blasters Focus Cannon" command nya sa suit nya. Naging isa ang dalawang blasters nya at nag ipon ito ng enerhiya ng pabilog at ilang segundo ay nagpakawala na sya. "Fire!"
Sa lakas ng pagpaputok nya ay napaatras sya ng kaunti. Sapul ang mga halimaw na nakalambitin sa itaas kasabay ang isa na namang pagsabog. Si Vane naman ay lumapit sa mga sugatng espers," Kanina pa kayo dito?!" tanong nya dito.
" OO" sagot nito ng napa ARAY ito sa sakit. Agad ginamot ni Vane ang mga sugat nila at isang minuto lang ay dalawang tao na ang napagaling nya. " Sino pa ang sugatan?!" tanong nya sa iba.
" Ayun sya!" Turo nung ginamot nyang babae kanina. Agad nagwarp si Vane sa lalaking nakahandusay sampung metro ang layo sa kanila. Nang pinahiga nya ito sa mga binti nya ay nakilala nya ito. "Eriole?" gulat nyang sabi. " Uhmm..." napa unat ito at unti unting bumuka ang mga mata nito.
"Teka wag kang gumalawa gagamotin muna kita." at sinimulang paganahin ni Vane ang kapangyarihan nya. Medyo mabagal ang paghilom ni Eriole dahil sa madami itong nabawas na lakas. " Naku, delikado pag nagtagal ito. Gagamitin ko ba?" pagdadalawang isip ni Vane sapagkat maselan ang gagawin nya para maibalik ang buong lakas at kalusugan ni Eriole. "Wag nalang, baka suntukin ako nito..Baka ikamatay nya yun?" at napakagat nalang nang daliri si Vane.
Nataranta sya ng umubo ng Dugo si Eriole. "Bahala na nga!" at yumuko si Vane at hinalikan si Eriole na nakabuka ang mga mata na parang nagugulat.
Ang ginagawa pala ni Vane ay ang Life Channeling skill na itinuro ng lolo nya sa kanya. Kapag nasa delikadong stage o nag aagaw buhay na ang isang tao, ang paraan na gagawin ay direktang iinject ang life energy ng healer sa isang tao para madugtungan ang buhay nito at palakasin pa ito ng 3 beses kesa dati.
Mariing hinalikan ni Vane si Eriole upang ipasa ang life energy nya pero walang nang yayari. Bumitiw sa paghalik si Vane at sinabihan si Eriole." Wag mong pigilan ang sarili mo, binablock mo ang life force ko, tanggapin mo para mabuhay ka." Tumanggo si Eriole at agad hinalikan uli ni Vane ito. Nagpalitan sila ng halik at unti unti nagliwanag ang buhok ni Vane at unti unting naging kulay asul. Napasinghap naman si Eriole ng naramdaman niyang bumabalik ang lakas niya at mas lalo pang idiniin at pinalalim ang halikan nilang dalawa hanggang sa nangigil sya at nakagat ang labi ni Vane at dumugo ngunit patuloy parin sya sa paghalik na parang sinasabing " Gustong-gusto ko pa."
Makalipas ang 5 minutong halikan ay unang bumitiw si Vane pero parang ayaw bumitiw ni Eriole at hinahabol habol pa ang mga labi ni Vane. Huminga sya ng ilang sandali at nawala na ang lahat ng sakit nya sa katawan , bumalik ang lakas nya at naging triple pa. Para syang bagong panganak na bata sa taglay nyang kalusugan.
Napaupo nalang si Vane habang hawak hawak ang dibdib nya at humuhugot ng Hininga. Tumayo naman si Eriole at sinabing " Maraming salamat sayo. Utang ko sayo ang buhay ko."
Unti unting pinalabas ni Eriole ang Kapangyarihan nya. Nagliwanang ng kulay yellow ang paligid ng katawan nya.
" Creation: Jurassic Earth" ---Eriole..
ABANGAN.................
ANO KAYA YUN? COMMENT NAMAN KAYO JAN PLEASE???
BINABASA MO ANG
Tadhana (When Two Worlds Collides)
FantasyWelcome to the world of Science and Magic where both sides fighting for domination. In this new dystopian world nagkakilala ang dalawang binatang nagmula sa magkaibang panig na pinagbuklod ng tadhana at pag ibig. Can there love change the world for...